GORGY RULA
Where in the world is Mr. Actor-Producer?
Nagpasaklolo ang isang businessman sa kaibigan nitong isang aktres para hanapin si Mr. Actor-Producer.
Nakatrabaho noon ng businessman si Mr. Actor-Producer sa ilang projects.
Dahil maayos naman daw ang samahan nila noon ay nagtiwala ang businessman kay Mr. Actor-Producer.
Nagpatulong daw ang businessman na ayusin ang problema niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ayon kay Mr. Actor-Producer, kaya niya itong ayusin.
Halos PHP2M daw ang kailangang ilabas ng businessman para maayos ang gusot nito sa BIR.
Kaagad daw ibinigay ni businessman ang datung kay Mr. Actor-Producer.
Pero magmula raw noon, hindi na nagpakita si Mr. Actor-Producer sa businessman.
Hindi na ma-contact. Hindi rin naayos ang problema ng businessman sa BIR.
Read: DJ Koo visits wife Barbie Hsu’s grave almost daily
NOEL FERRER
Sa aming pagkakaalam, mabait itong businessman na nagtiwala kay Mr. Actor-Producer.
Ilang buwan nang MIA (missing in action) si Mr. Actor-Producer kaya tumulong kay businessman ang kaibigan nitong aktres sa paghahanap.
Ayon sa ilang malalapit kay Mr. Actor-Producer ay matagal na itong nasa ibang bansa.
Nabalita before na nag-Hong Kong ito, pero hindi malinaw kung saan na siya nakabase nowadays.
Dati nang nasangkot si Mr. Actor-Producer sa kahalintulad na usapin, pero naayos niya iyon.
Nakakalungkot na meron na namang ganitong isyu sa kanya.
Kailan kaya magpapakitang muli si Mr. Actor-Producer na for a time ay napaka-generous sa ilang makikisig na aktor?
Read: Cha Eun Woo begins mandatory military service, leaves message for fans
JERRY OLEA
Early this year ay kinumusta ko sa isang dating indie actor si Mr. Actor-Producer.
Ewan kung nagbibiro lang ang indie actor na ang sabi sa akin, magkasama sila ni Mr. Actor-Producer na pupunta sa Singapore para mag-honeymoon.
Ha? Honeymoon, bakit, ikinasal ba sila? Saan, kailan, paano?
“Secret,” sabi pa ng dating indie actor.
Hanggang ngayon ay lihim pa rin kung saan ba sa mapa ang current location ni Mr. Actor-Producer.
Ano kaya kung magkatagpo sila ng isang kilalang aktor na matagal na ring MIA?
Read: UPDATED. ABS-CBN's Kat Domingo unfairly accused of throwing shade at GMA's Nico Waje
