PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kelvin Miranda, masaya sa mataas na ratings ng Sang'gre

Kelvin Miranda, inaming pinag-uusapan na ang possible extension ng Sang'gre.
by PEP Troika
Published Jul 31, 2025
kelvin miranda sang'gre
Kelvin Miranda on possible extension of Sang'gre: “Inaayos po nila yung posibilidad na extension ng aming programa. May posibilidad po, pero yung schedule ng lahat na mga artista ay nililikom na nila… parang two months ago nung natapos naming mag-taping."
PHOTO/S: Gorgy Rula / GMA Network

GORGY RULA

Ang saya ni Kelvin Miranda nang nakatsikahan ng PEP Troika sa premiere night ng pelikulang Meg & Ryan na ginanap sa SM Megamall noong Martes, July 29, 2025.

Dumalo ang Kapuso actor sa premiere night bilang suporta kay Direk Cathy Camarillo, na nakatrabaho niya sa pelikulang Chances Are, You and I kasama si Kira Balinger.

Nakakatuwa raw na nagustuhan na ng mga tao ang Encantadia Chronicles: Sang’gre dahil sunud-sunod nang mataas ang aggregated ratings nito laban sa FPJ’s Batang Quiapo.

Noong Martes, July 29, ay naka-12.9% ang Sang'gre. Mas mataas pa rin ito sa Batang Quiapo na naka-12.7%.

Read: Sang'gre, nalamangan na ang Batang Quiapo sa aggregated ratings

Pahayag ni Kelvin: “Lubos po na pasasalamat sa lahat ng sumusuporta sa Encantadia.

"Sa Encantadiks, sa mga mamamayan natin na talagang sumusubaybay sa Encantadia, sobrang grateful and thankful po ako sa kanila.”

KELVIN ON POSSIBLE EXTENSION OF SANG'GRE

Sa pagkakaalam namin ay matagal nang natapos ang taping ng Sang'gre. Pero posible kayang i-extend nila ito kung tuluy-tuloy na mataas ang ratings nito at maganda ang feedback sa kanilang fantasy series?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Inaayos po nila yung posibilidad na extension ng aming programa," banggit ni Kelvin.

“May posibilidad po, pero yung schedule ng lahat na mga artista ay nililikom na nila… parang two months ago nung natapos naming mag-taping.

“Ayun yung mga pangyayari, naging maganda yung bunga ng Sang’gre, kaya nagkaroon na ng schedule yung bawat isa.

“Hopefully, maayos namin ito para mag-extend,” saad ni Kelvin.

Tinanong din ng PEP Troika ang ilang nasa production ng Sang’gre, pero ayaw nilang sagutin ang possible extension nito.

Sabi naman ni Kelvin, nakakatuwa lang daw na marami na ang nagkakagusto sa Sang’gre. Hindi naman daw nila iniisip ang pakikipagkumpitensiya sa katapat nilang teleserye.

“Sa akin naman po, hindi naman po ako bumabase kung manalo o matalo kami. Ang importante lang naman po, ma-entertain namin yung audience namin.

“Kung ganun po ang nangyayari, masaya po ako para sa mga nangyayari. Kasi parang naging healthy competition naman po, e, mas ginagalingan po ng bawat panig.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Para mas maging maganda yung project o programa na maihandog nila sa mga tao,” sabi ni Kelvin.

Read: Cristy Fermin charged with cyberlibel in Bea Alonzo case

NOEL FERRER

Napangiti si Kelvin Miranda nang pinag-usapan ang obserbasyon ng netizens kung paano niya ikumpas ang paglabas ng brilyante ng tubig bilang si Adamus sa Sang'gre.

kelvin miranda adamus
Kelvin Miranda as Adamus in Sang'gre
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng Kapuso actor: “Paulit-ulit ko po siyang ni-rehearse dahil hindi madali na gumawa ng bagay para sa karakter ko, kasi magre-reflect yun sa yo, e. Which is nangyari nga na tingin nila sa akin is malambot kumilos, ganito.

“Kumbaga, sinunod ko kung ano yung puwedeng characteristic ng brilyante na meron ako.

"Dun lang ako sa linya na puwede kong puntahan. Hindi naman puwedeng magmatigas ako, kasi hindi yun yung character ko, e.

“Yes, we are warriors, we are fighters, but may kanya-kanyang characteristic, personality ang bawat brilyante.

"Iyon yung pagkakaintindi namin. That’s why magkakaiba kami ng pagkasa ng brilyante na meron kami.”

Read: Fans wonder: Is Jacob Ang courting Atasha Muhlach, or are they already a couple?

KELVIN MIRANDA'S SOFT SWAY OF HIS HANDS

Nagpa-sample pa si Kelvin ng mahinhin na pagkumpas ng kamay niya sa pagpapalabas ng brilyante ng tubig.

Pinag-usapan daw talaga nila yun para iba siya sa mga nakaraang gumanap na sang'gre. Bukod pa sa first time na isang lalaki ang tagapagbantay ng brilyante ng tubig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Kelvin: “Sa totoo lang po, pinlano po talaga namin na ibahin yung aming mga gesture when it comes to pagpepresenta ng mga brilyante.

“Choice po namin… iba-iba po kami, e, kung papaano namin naintindihan o nararamdaman yung karakter namin. Dun lang naman yung kinakapitan namin, e.

“Hindi naman kami nag-e-explore sa malayo para, alam niyo yun, na gawin namin nang wala lang.

“May intensiyon kaming baguhin, hindi dahil para sa may gusto kaming ipalabas, kundi… malaki yung respeto namin sa mga naunang sang'gre mula pa nung 2005, hanggang 2016.

“Kaya kami, binibigay namin yung pagpupugay sa kanila na meron kaming sariling direksiyon na hango po sa kanila na kailangan naming paghusayan."

Read: ABS-CBN's Kat Domingo unfairly accused of throwing shade at GMA's Nico Waje

JERRY OLEA

Hindi pa alam kung may extension nga ang Sang’gre, kaya hindi pa raw alam ni Kelvin kung magte-taping na sila.

Sa ngayon ay may gagawin daw siyang pelikula na ididirek ni Alessandra de Rossi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kakaiba raw ito dahil parang Netflix series na Adolescence na dire-diretso ang shoot nila na one take lang.

First time pa niyang makakasama rito ang mga bigating artistang sina Joel Torre at Gina Alajar, na matagal na raw niyang gustong makatrabaho.

“Medyo challenging sa akin bilang isang aktor," pakli ni Kelvin.

“Ngayon ko lang siya gagawin na parang mag-iisang take lang kami.

“Kinakabahan din ako kasi puro mga beterano ang mga kasama ko rito.”

Magagaling ang mga artistang makakasama niya kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na raw niya ito.

Pagbabahagi ni Kelvin: “Simula ngayon, nanonood ako ng mga pelikula nilang lahat.

“Sumisilip-silip ako ng mga old clips, para kahit papaano alam ko kung paano ako makapag-perform na hindi ako ma-starstruck sa kanila.

“Kasi sila ang gusto kong makatrabaho, e. Lalo na si Sir Joel Torre, si Direk Gina Alajar.

"Siyempre si Ms. Alessandra de Rossi din na every time na nagkakasalubong kami, parang mina-manifest namin sa isa’t isa na, ‘Gusto kitang makatrabaho. Oo, gusto kitang makatrabaho. Huwag kang mag-aalala, gagawa tayo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kinakabahan pa rin ako na nae-excite siyempre. Excited akong matuto sa kanila, e. And first time ko silang makikitang magtrabaho on set.”

Read: Gela Alonte addresses previous comment about political dynasties

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda on possible extension of Sang'gre: “Inaayos po nila yung posibilidad na extension ng aming programa. May posibilidad po, pero yung schedule ng lahat na mga artista ay nililikom na nila… parang two months ago nung natapos naming mag-taping."
PHOTO/S: Gorgy Rula / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results