PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Brillante Mendoza, dinamdam ang pagpanaw ng malalapit na kaibigan

Brillante Mendoza, hindi nagbabasa ng news para hindi ma-stress.
by PEP Troika
Published Jul 31, 2025
brillante mendoza birthday
Director Brillante Mendoza on his birthday wish: “Hindi na sa akin! Napakaplastik pero totoo, para sa iba… Marami tayong problema ngayon, di ba? Ayoko nang magbabasa ng news. Nakakasakit lang ng dibdib. Ha! Ha! Ha! Ha! Nakaka-depress. Pero OK lang.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Wala na raw birthday wish para sa sarili ang 65-anyos na si Direk Brillante Mendoza.

“Hindi na sa akin!” bulalas ng multi-awarded director sa kanyang birthday celebration noong Hulyo 30, 2025, Miyerkules ng gabi, sa The Secret Garden, Busilak St., Mandaluyong City.

“Napakaplastik pero totoo, para sa iba… Marami tayong problema ngayon, di ba? Ayoko nang magbabasa ng news.

“Nakakasakit lang ng dibdib. Ha! Ha! Ha! Ha! Nakaka-depress. Pero OK lang.

“Basta tayo, gawa lang nang gawa. Malakas, ganun. Nagagawa natin nang tama kung ano man dapat.

“Huwag na tayong dumagdag pa sa problema, sa kung ano man yan.”

Read: Cristy Fermin charged with cyberlibel in Bea Alonzo case

brillante mendoza birthday
Acclaimed director Brillante Mendoza celebrates his 65th birthday with family and friends.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BRILLANTE MENDOZA AS OVERALL MENTOR

Katatapos lang niyang maging overall mentor sa Sinag Maynila Masterclass 2025, na ginanap noong Hulyo 12, 13, 19, 20, 26, at 27 sa Solar Century Tower, Makati City.

Mentors sa nasabing masterclass on filmmaking sina Carlitos Siguion- Reyna, Arvin Belarmino, Javier Abola, Zig Dulay, Odie Flores, Ben Padero, Mike Idioma, Teresa Barrozo, at Ruby Ruiz.

“Sobrang nag-e-enjoy talaga ako pagdating sa ganyan. Kasi alam mo yun, parang yun na yung aking giving back,” pagtatapat ni Direk Brillante.

“Nakakatuwa, kasi ang mga participant, mga professional, di ba? May mga festival director na nga.

“Nandiyan si Harlene [Bautista], nandiyan si Dante Balboa, nandiyan yung mga direktor. Nakagawa na rin sila ng mga pelikula. Nag-Cinemalaya.

“So, parang the mere fact na nandodoon sila, nakakatuwa. Kasi parang gusto pa nilang matuto, no.

“I hope I didn’t fail them. E, ako naman, napaka-competitive ko pagdating sa ganyan.

“Gusto ko, yung mga estudyante, yung mga participant, gusto ko may natututunan sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpa-workshop si Direk Brillante noon pa mang 2014 hanggang 2016, at marami siyang naging produkto.

“Tuwang-tuwa ako dahil iyong mga produkto kong artista, at saka naging direktor, nagkaroon na sila ng mga pangalan,” pagsisiwalat ni Direk Brillante.

“Nag-compete sa ibang bansa. Alam mo yon, nakakatuwa. Kasi sa akin, sa mga nagbibigay ng ganyan, ng workshop, magme-mentor ka, parang fulfillment mo na iyan so far, alam mo iyon.

“Alam mong may natutunan.”

May naiiwan siyang legacy, ika nga.

“Well, hindi ko naman iniisip iyon. Actually sa akin ngayon, dahil alam mo yun, hindi na tayo bata, di ba?” pagmamatuwid ni Direk Brillante.

“Pag nandodoon ka na sa age na kailangan mo talagang mag-give back. This is the time.

“I mean, basta feel good. Tapos just do good, kung ano ang magagawa mo.”

Read: Rufa Mae Quinto's husband Trevor Magallanes dies

NOEL FERRER

Dinamdam ni Direk Brillante Mendoza ang pagpanaw ng mga taga-showbiz na malalapit sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Of course, siyempre. Dyusko!” sambit ni Direk Brillante.

“Di ba, parang… totoo ba ito? Kaibigan ko ito, e, kausap ko lang ito, e. Di ba? Tapos wala na.

“Minsan nga, pag nakasakay ako sa sasakyan, bigla kong maiisip. Minsan, yung mga pinagsyutingan namin, madadaanan ko.

“‘Kasama ko lang si ano dito. Ngayon, wala na.’ Tapos maiisip mo, parang last month, namatay na siya.

“Di ba, maiisip mo yung sarili mo. Nagiging existential ka na sa lahat ng bagay.”

DIREK BRILLANTE ON THE NEW GENERATION

Tapos, ang daming nagsulputang bago sa showbiz world…

Napabuntong-hininga si Direk Brillante: “Meron nga akong nire-research ngayon, mga bagets. Sabi ko, ‘Dyusko! Hindi ko na alam kung paano sila mag-isip!’

“Ano ba ang pinag-uusapan ninyo, paano kayo nag-uusap? Ano ba ang pinagkakaabalahan ninyo?

“Kasi ibang-iba na, 'no? Noong kapanahunan natin, dyusko, walang cellphone. Walang computer.

“E, ngayon, iba na, e. Saka iba na sila, e. In fairness, ang tatalino nila siguro because of the Internet.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya masyadong entitled ang marami sa Gen-Z?

“Actually, hindi natin dapat tinitingnan na ganun. Kasi parang yan ang ibinibigay kasi ng technology at saka ng pagkakataon,” pagmamatuwid ng multi-awarded director.

“So, makikita natin yung entitlement kasi hindi naman natin naranasan yon. Hindi naman tayo ganoon, di ba?

“For us, parang feeling entitled na yon. Pero hindi natin sila puwedeng sisihin dahil yan na ang ano ngayon sa generation nila.

“Iyan ang kinamulatan nila. Ano ang sasabihin mo sa anak mo? ‘Huwag kang mag-cellphone, anak,’ di magmumukha namang tanga. Di ba?”

Read: Fans wonder: Is Jacob Ang courting Atasha Muhlach, or are they already a couple?

GORGY RULA

Glowing si Direk Brillante Mendoza sa kanyang 65th birthday, lalo na kung ikukumpara last year. Mukhang inspired.

“Wala akong pino-promote na gluta,” sabi ni Direk Brillante.

“I think it’s just a matter of feeling good inside. Siyempre the last time na nakita ninyo ako, katatapos ko lang magkasakit noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko naman inano yon, di ba? Pero nagkita-kita pa rin tayo kahit na ano, di ba? Kasi sa akin, iyan, yung mga kaibigan, gusto ko lang makita, ganyan-ganyan.

“Nakikita niyo naman, paulit-ulit lang ang mga guest ko, wala namang bago. Kung may madagdag, isa, dalawa lang. Di ba?”

Loyal ang friends niya…

“Ha! Ha! Ha! It’s a small world. Tapos sa industry naman, hindi lang yung pag may project and all,” saad ni Direk Brillante.

“Di ba, hindi naman ganoon.”

Kabilang sa guests ni Direk Brillante sa kanyang birthday party sina Ronnie Lazaro, Vince Rillon, Mark Dionisio, Ihman Esturco, Dennis Evangelista, Dante Balboa, Direk Lawrence Fajardo, at Jomari Angeles.

brillante mendoza birthday
Direk Brillante Mendoza with guests Ronnie Lazaro (left) and Vince Rillon (right).
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LIVING AT THE MOMENT

Mas maganda ang 2025 para sa kanya kumpara last year?

“Hindi ko na kasi naiisip yon, e. Basta ako, I always think of the moment. Kung ano yung ibigay sa akin ng Diyos, natutuwa ako,” sey ni Direk Brillante.

“Kasi parang after what has happened, tapos yung mga kaibigan mo, sa mga kakilala mo… magpasalamat ka na lang araw-araw.

“It’s a gift. It’s a miracle. Iyon ang ina-appreciate ko, di ba?

"First thing paggising mo, ‘Dyusko, namulat pa ako. Gising pa ako!’

“Ano na ngayon, di ba?”

Less stress na siya ngayon? Less project?

“Siguro! Pag less project, less stress!” natatawang pag-ayon ni Direk Brillante.

“Di ba? Hindi naman. May mga nagagawa ako, yung mga ano ko, pero parang nasa isang tabi sila.

“I mean, hindi naman kailangang makipag-anuhan, di ba? So nandiyan lang sila.

“Katulad niyan, gumagawa kami ng content as my production. Hindi kailangang ako, production talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre kailangan mo ring kumita kahit papaano. So, kung ano iyong dumarating, ganoon lang.”

May kinunan siyang project sa Japan na intended for streaming. Under negotiation pa ang pagdi-distribute niyon.

Sa susunod na buwan ay jury president siya sa isang international filmfest sa Mongolia. Kasado na rin ang film talk niya sa Macau.

“Dyusko! Kinukuha na nga akong teacher sa ibang bansa! Sabi ko, ayoko,” sey ni Direk Brillante.

“Ayokong mag-work sa ibang bansa.”

Read: ABS-CBN's Kat Domingo unfairly accused of throwing shade at GMA's Nico Waje

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Brillante Mendoza on his birthday wish: “Hindi na sa akin! Napakaplastik pero totoo, para sa iba… Marami tayong problema ngayon, di ba? Ayoko nang magbabasa ng news. Nakakasakit lang ng dibdib. Ha! Ha! Ha! Ha! Nakaka-depress. Pero OK lang.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results