JERRY OLEA
Pasiklaban sina Gary Valenciano, Maki, Darren, Mayonnaise, at BINI sa Alagang Suki Fest 2025 noong Hulyo 31, 2025, Huwebes ng gabi, sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.
Umaatikabo ang sayawan, kantahan, at hiyawan!
Ipinagdiwang dito ang ika-80 anibersaryo ng Unilab at Mercury.
Nakisaya sa humigit-kumulang apat at kalahating oras na palabas ang dance crew na Legit Status, ang brand ambassadors na sina Belle Mariano, Robi Domingo, at Jolina Magdangal, plus GB Labrador and James Caraan of Comedy Manila.
Read: Vice Ganda calls out "toxic fans" of PBB: Celebrity Collab Edition housemates
BINI AS GRAND FINALE
Pam-finale siyempre ang BINI, at dumagundong ang Big Dome sa pag-entra pa lamang nila, at pagpakilala isa-isa.
Karapat-dapat silang tawaging Queens of Pinoy Pop. Ang Pinakamahal na Walo!
Konting kibot nila ay hiyawan ang Blooms.

Yung segment ng BINI ang pinakamaikli.
Matapos magkakasunod na i-perform ang "Pantropiko," "Shagidi," at "Karera," nag-promote sila ng Enervon Z+ saka umeksit. Hindi umalis ang mga tao.
Sabi ng katotong Nestor Cuartero, babalik pa ang BINI.
“Kakantahin pa nila ang 'Salamin, Salamin,'” sabi ni Tito Nes.
Tumpak si Tito Nes, nag-encore ang BINI with "Salamin, Salamin," at sa pagtatapos ng awit ay naki-join sa kanila sa stage sina Gary V, Maki, Darren, at ang bandang Mayonnaise, plus the back-up dancers sa ibaba.
What a grand finale!
Ang thanksgiving concert na ito ay handog ng Alagang Unilab Rewards at Mercury Drug Suki Card sa loyal customers ng Unilab at Mercury Drug.
Siyangapala, ang official music video ng "Shagidi" ay mapapanood sa Agosto 8, Biyernes ng 8:00 P.M. (PH time). 8-8-8!
Shagidi, shagidi, shapopo!
Hindi pa sakop ng Ghost Month 2025 ang nasabing launch, kaya napaka-auspicious yun!
Read: Rufa Mae Quinto confirms husband Trevor Magallanes's death
NOEL FERRER
Tampok si Gary Valenciano sa penultimate portion ng Alagang Suki Fest 2025.
Ang kanyang segment ang pinakamahaba, halos isang oras. Mini-concert talaga.
At iyon ang pinakabongga ang production values.
Ang bandang Mayonnaise, silang limang members lang ang pumuwesto sa kaliwang bahagi ng entablado — apat na nakagitara kabilang ang lead vocals na si Monty Macalino, at iyong isa ay sa drums.
Nakaanim na kanta ang Mayonnaise.
Si Darren ay lima ang inawit.
May dalawa siyang back-up dancers kapag humahataw. Otherwise, solo lang siya sa entablado.
Mag-isa lang si Maki sa stage sa pitong hugot songs niya, at sila-sila rin lang ang BINI.
GARY V. FULL SET-UP
Pero si Mr. Pure Energy, may sariling set-up ng instruments sa gitna at kanang bahagi ng stage.
Sa pag-umpisa pa lang niya with "Shout for Joy" ay may sampu siyang back-up dancers, na sa ending ay may pa-confetti.
Bumaba siya sa stage at nakipag-interact sa audience.
Nakipag-jamming siya sa musical director na si Mon Faustino at dalawang back-up vocals.
Nag-duet sila ni RJ dela Fuente sa Christian song na "Blessings."
Todo hataw sa "Hataw Na," at pauga pa rin ang extended version ng "Di Bale Na Lang."

Bakit kamo kinuha si Gary V sa joint celebration ng Unilab at Mercury Drug ng 80th anniv?
Aniya, “Ahh siguro naman, obvious naman sa inyong lahat na kaya siguro ako nandirito ngayon — 80 years — medyo ako yung pinakamalapit sa mga artista, ako yung pinakamalapit ang edad doon sa 80.
“And I have been doing this, this is my 42nd year, and I’m so happy to be able to see all of you in something like this, in somewhere like this.
“Na parang hanggang ngayon, bakit?!”
Sa Agosto 6, Miyerkules, ay ika-61 kaarawan ni Gary V.
Happy birthday, Mr. Pure Energy!
Read: Shuvee Etrata revisits childhood marked by poverty and domestic violence
GORGY RULA
Bandang 6:30 P.M. nag-umpisa ang pre-show ng Alagang Suki Fest 2025.
Umariba ang KoolPals na sina GB Labrador at James Caraan para sa mga pauga kung saan eme-emeng BINI ang contestants.
Hindi raw ito Coldplay concert, kaya safe na safe ang mga manonood.
Sa Neurogen-E segment with Jolina Magdangal, “sense-sational challenge.”

Pahulaan kung ano ang laman ng mahiwagang kahon. May 15 seconds ang contestant para kumapa-kapa at hulaan ang content ng magic box.
Sa Kremil-S segment with Robi Domingo, pabilisan naman sa preparation ng dynamite lumpia.
Yung Biogesic segment ni Belle Mariano ay mistulang front act ng concert performers.
Sing and dance si Belle na bumaba sa stage at nakihalubilo sa audience.

MAYONNAISE
Nakaanim na kanta ang Mayonnaise — "Bakit Part 2," "Synesthesia," "Kapag Lasing Malambing," "Ipagpatawad Mo," "Tayo Na Lang Dalawa," at "Jopay."
Yung "Synesthesia" ay kanta raw para sa mga nagre-relapse, samantalang yung "Kapag Lasing Malambing" ay “para sa lahat ng mahilig uminom na mahilig ding lumandi.”

DARREN
Nakalimang kanta ang Asia’s Pop Heartthrob na si Darren — "Bibitaw Na," "Paalam Muna Sandali," "In Love Ako Sa ‘Yo," "Di Makaramdam," at "(Dying Inside) To Hold You."
Yung "Paalam Muna Sandali" ang eviction night theme song ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.

MAKI
Hugot kete hugot si Maki sa mga kantang "Namumula," "Bughaw," "Kailan?," "Kahel na Langit," "Dilaw," at "Saan?"
First time daw niyang kinanta sa Big Dome ang "Kahel na Langit."
Yung "Saan?" ay first performance niya sa Pilipinas.
Ibinalita ni Maki na yung first-ever studio album niyang Kolorcoaster na naglalaman ng sampung kanta ay nakatakdang ilabas sa Setyembre 19.
Read: Fans wonder: Is Jacob Ang courting Atasha Muhlach, or are they already a couple?

