JERRY OLEA
Masama ang pakiramdam ni Paolo Gumabao.
Pero nairaos niya ang matinee ng psychological play na Walong Libong Piso nitong Agosto 1, 2025, Biyernes sa Teatrino ng Greenhills, San Juan City.
Isa itong one-character play na may tagal na one hour and 40 minutes. Ka-alternate niya sina Jhon Mark Marcia, Drei Arias, at Juan Paulo Calma.
“To be honest, ito yung scariest moment sa buong showbiz career ko,” pagsisiwalat ni Paolo.
“Inuubo po ako, pineplema. Maraming limits yung boses ko today. Pero sana, sa next shows, maka-recover ako nang maayos. So far, so good," saad ni Paolo.
Salamat sa Strepsils, naitawid daw ni Paolo ang mapangahas na dula.
Babad ang kanyang butt exposure at pa-Felix Bakat. The show must go on, 'ika nga.
“Two days ago pa po masama ang pakiramdam ko. Nag-shoot po kasi ako nang medyo nilalagnat na ako,” dagdag ni Paolo.
“Tapos nag-swimming pa ako sa eksena. Pinag-swimming ako… hindi naman sila aware na nilalagnat na ako noon.
“Lumala nang konti hanggang nag-evolve na.”
Read: Rufa Mae clarifies late husband Trevor did not file for divorce
DIREK JOEL LAMANGAN WOWED BY PAOLO GUMABAO
Kabilang sa mga nanood ng unang palabas ng Walong Libong Piso si Direk Joel Lamangan, na nagdirek ng launching film ni Paolo na Lockdown (2021).
Sabi ni Direk Joel, “It was a very, very hard thing to do for an actor. Very demanding role! And Paolo Gumabao passed with flying colors. So I would have to congratulate him.”

Ibinalita sa amin ni Direk Joel na naghahanap siya ng mga artista para sa stage play na ididirek niya. Mapangahas din ang nasabing dula na inspired ng pelikulang Scorpio Nights (1985) nina Anna Marie Gutierrez, Orestes Ojeda, at Daniel Fernando.
Kabilang din sa mga nanood sa unang matinee ng Walong Libong Piso sina Direk Louie Ignacio, Jeric Gonzales, at Royce Cabrera.
Komento ni Royce, “Talagang all out, although siyempre ahh hindi ko sure pero like sa nabanggit naman, e, istorya ni Dante Balboa.”
Si Dante ang writer-director ng Walong Libong Piso. Ang producer ay si Engr. Benjie Austria ng Bentria Productions.
Ngayong Agosto 2, Sabado ang ikalawang araw ng pagtatanghal. Tampok sa 5:30 P.M. matinee si Drei Arias, samantalang magpapainit muli si Paolo Gumabao sa 8:30 P.M. evening show.

Read: Yen Santos claims her last relationship was a “nightmare”
NOEL FERRER
Mas mapangahas si Jhon Mark Marcia sa evening show ng Walong Libong Piso.
Palakpakan ang audience sa macho dancing scene kunsaan nag-hello ang private part nito.
Ano ang pakiramdam niya matapos ang kanyang theater debut?
“Sobrang saya po! Sobrang masayang-masaya ako at siyempre po, nagpapasalamat ako sa mga pumunta,” tugon ni Jhon Mark.
“Sana po, iyong mga nakanood, ipaalam po natin sa mga tao na mayroon tayong napakagandang ginawa.”
Ano ang pakiramdam niya sa daring scenes sa stage na may live audience?
“Parang ano po, e, kasi parang inisip ko na lang na wala talagang tao, nasa kuwarto lang ako,” sabi ni Jhon Mark.
“Parang ganoon na lang po ang inisip ko kanina.”
Sinadya ba niya na ipakita ang maselang bahagi ng kanyang katawan?
Ngumiti si Jhon Mark, “Hindi ko po alam. Hindi ko po talaga alam na may nakita. Basta ginagawa ko po yung tama, yung mapapasaya ko yung audience.
“Gaya po ng sinabi ko noong presscon — uuwi po kayong masaya.”
Nagwo-worry ba siya sa comparison with Paolo Gumabao, Drei Arias, and Juan Paulo Calma na ka-alternate niya sa dula?
Sagot ni Jhon Mark, “Hindi naman po. Kasi paiba-iba naman po kami ng atake. Iba po si Paolo kanina, iba ako. Yun po ang nangyari.”
Nanood ang mga kasamahan niya sa Magicvoyz. Ano ang feedback nila?
“Nakalimutan kong sabihin, yung sayaw na yun, bawat eksena ko dun, nagpatulong talaga ako sa Magicvoyz,” sambit ni Jhon Mark.
Dagdag ni Jhon Mark, “Yung macho dancing, kay Mhack (Morales). Yung kanta, kay Johan (Shane). Tapos yung pananalita kay Jace (Ramos).
“Parang hinati-hati ko po para maikutan ko nang maayos.”
Ang dalawa pang performance ni Jhon Mark ay ang matinee shows sa Agosto 9 at 16, Sabado ng 5:30 P.M.
Read: Fans wonder: Is Atasha Muhlach dating SMC scion Jacob Ang?
GORGY RULA
Pinanood ni Drei Arias ang performance nina Paolo Gumabao at Jhon Mark Marcia sa dress rehearsal, at nag-congratulate siya sa mga ito.
Ngayong Sabado, Agosto 2 ng 5:30 P.M. naman ang unang salang ni Drei sa dulang Walong Libong Piso.
“Mae-expect niyo sa atake ng karakter ko, iba. Walang magiging katulad sa ibang co-actors ko,” sabi ni Drei.
“Bibigyan ko ng ibang karakter si Dante Balboa. Nakaka-excite, kasi hindi ko alam ang magiging pagtanggap ng mga tao sa gagawin ko.
“Pero definitely, iba siya sa ginawa kanina nina Paolo at Jhon Mark.”
Mas may challenge ba sa kanya iyong daring scenes ngayong may basehan na ng comparison?
“Ayun nga, depende lang kung paano ko matatapatan itong pagka-daring nina Paolo Gumabao saka ni Jhon Mark,” sey ni Drei.
“Lalo na si Calma, reding-ready na iyon mag-all out. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Ang unang salang ni Juan Paulo Calma ay sa Agosto 8, Biyernes ng 5:30 P.M.
“Magkakaiba po talaga kami ng atake pero doon po ako sa mas daring tulad ng kay Marcia,” sabi ni Juan Paulo.
“Siyempre, hindi po natin kayang ipilit yung iba kung hanggang doon lang kaya nila kung may inhibition po.”
Sabi ni Drei, handang-handa na siyang mag-all out?
Natawa si Juan Paulo, “Hindi naman. Ha! Ha! Ha! Ayokong magsalita ng ano, ang gusto ko, manood na lang po kayo sa August 8 sa pagsasadula.”
Sa Agosto 22 ay streaming na sa VMX (dating Vivamax) ang pelikula niyang 69, kasama sina Aliya Raymundo, Ashley Lopez, Queenie de Mesa, Mhack Morales, at Paula Santos, sa direksyon ni Rodante Pajemna Jr.
Sa tunay na buhay ba, nakipag-69 na siya?
Natawa muli si Juan Paulo, “Ha! Ha! Ha! Siyempre, nagiging alam natin yan kapag mahal mo, di ba?”
