PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Herras bigay-todo sa sexy drama na Sariwa

Mark Herras, willing mag-perform muli sa gay bar.
by PEP Troika
Published Aug 5, 2025
mark herras sariwa
Mark Herras says he's open to performing in a gay bar again: “Trabaho naman siya. Hindi naman ako sumasayaw nang hubo’t hubad. Lalo na ngayon, dalawa na ang anak ko. So, gagawin ko lahat ng trabaho na puwede kong gawin as long as legal and wala akong tinatapakang iba.” Right photo: Mark with Sariwa co-star Marga Montes.
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

JERRY OLEA

Naintriga ako sa Facebook post ng Star SineMax nitong Agosto 3, 2025, Linggo, kaugnay sa sexy drama na Sariwa.

Tampok dito sina Mark Herras, Marga Montes, at Kyla Arellano, sa direksyon ni Sigrid Polon.

Si Sigrid ang nagdirek ng VMX (dating Vivamax) films na Kulong, Undergrads, Sorority, Hibang, Kabitan, Pihit, Teacher’s Pet, at isang episode ng erotic trilogy na Eks.

Read: Will Ashley speaks up on WillCa-DustBia fan war

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DIREK SIGRID ON WORKING WITH MARK HERRAS

Nitong Agosto 4, Lunes, ay nag-message ako kay Direk Sigrid.

Kumusta ang pakikipagtrabaho niya kay Mark Herras?

“It’s my first time working with Mark Herras and, honestly, sobrang gaan niya ka-work, kalog sa set pero he takes acting really seriously,” sagot ni Direk Sigrid.

Gaano ka-daring si Mark sa Sariwa?

“In terms of daring scenes, of course there are certain limitations, but I’m sure hindi naman kayo madi-disappoint dahil binigay naman ni Mark yung best niya kahit first time niya ito doing such daring scenes.”

Meron bang butt exposure si Mark?

“Abangan na lang siguro if may butt exposure haha,” tugon ni Direk Sigrid.

“Ang masasabi ko lang ay grabe si Mark dito, bigay-todo. He enjoyed the role and every scenes most especially the intimate ones.”

Siyangapala, may isa pang upcoming sexy drama si Direk Sigrid sa Star SineMax, ang Hayok, starring Kurt Kendrick, Merab Soriano, and Aya Marie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

E, sa VMX, may gagawin pa ba siya?

Sey ni Direk Sigrid, “I’m not sure if puwede na i-disclose pero abangan na lang po.”

Read: Carla Abellana confirms she's dating someone

GORGY RULA

Pawang mapangahas ang mga pelikulang idinirek ni Sigrid Polon sa VMX.

Ang Hayok ay may tagline na, “May init na hindi kayang pigilan.”

Kaya para makasama si Mark Herras sa cast ng isang Sigrid Polon project titled Sariwa, asahan mo nang palaban siya.

MARK HERRAS ON PERFORMING IN A GAY BAR

Pinag-usapan ang pagsasayaw ni Mark sa male entertainment and KTV bar na Apollo noong Enero 11, 2025, Sabado ng madaling-araw.

Ang huli niyang pagsasayaw roon ay noong Hunyo 14. Okay ba sa kanyang mag-perform uli sa gay bar na gaya ng Apollo?

“Trabaho naman siya. Hindi naman ako sumasayaw nang hubo’t hubad,” sabi ni Mark nang makapanayam ng PEP Troika sa burol ni Manay Lolit noong Hulyo 7 sa Aeternitas Chapels and Columbarium, Commonwealth Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lalo na ngayon, dalawa na ang anak ko. So, gagawin ko lahat ng trabaho na puwede kong gawin as long as legal and wala akong tinatapakang iba.”

May mga natapos na indie movie si Mark. If ever ba, kaya niyang maging bold and daring sa indie movie?

Ang natatawang sagot noon ni Mark, “Puwede naman basta may limitation. Bottomless lang ako!”

Read: Mark Herras, nag-show sa isang male entertainment bar

NOEL FERRER

Siguro, itinuro na ng tadhana kung anong pelikula ang gagawin ng 38-anyos na si Mark Herras.

Lipas na ang panahong nakakagawa siya ng Blue Moon na MMFF 2006 entry ng Regal noon, Say That You Love Me (2005), at Eternity (2006).

Sana na lang, sariwa muli si Mark sa paggawa niya ng Sariwa.

Mahirap talaga kapag ang isyu ay survival versus artistry. Mapalad ang mga artist na may mas marami pang choices.

Read: Bea Alonzo confirms relationship with Vincent Co

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras says he's open to performing in a gay bar again: “Trabaho naman siya. Hindi naman ako sumasayaw nang hubo’t hubad. Lalo na ngayon, dalawa na ang anak ko. So, gagawin ko lahat ng trabaho na puwede kong gawin as long as legal and wala akong tinatapakang iba.” Right photo: Mark with Sariwa co-star Marga Montes.
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results