PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dustin Yu, nililigawan na nga ba si Bianca de Vera?

Dustin Yu, tutuparin daw ang ipinangako kay Bianca de Vera sa PBB.
by PEP Troika
Published Aug 5, 2025
dustin yu bianca de vera
Dustin Yu on Bianca de Vera: “Well, same pa rin ako. Hindi ako nagbabago sa kanya. Kung ano ako noon sa loob ng Bahay, ganun pa rin ako ngayon! Hindi ako magbabago. Prinamis ko yun. Lahat ng promises ko sa kanya, e, tutuparin natin."
PHOTO/S: Jerry Olea / paulolazaro.studio on Instagram

JERRY OLEA

Iba-iba ang nararamdaman ni Dustin Yu sa mga napapanood niyang video clips ng Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition.

Merong nakakakilig, nakakalungkot, at nakakainis minsan.

“Pero one thing is for sure, nakaka-miss sa loob ng Bahay Ni Kuya. Yun yung talagang napi-feel ko,” sabi ni Dustin nang makatsikahan ng PEP Troika sa babang-luksa kay Mother Lily Monteverde nitong Agosto 4, 2025, Lunes ng gabi, sa Valencia Events Place, Quezon City.

Level up ang popularity ng housemates sa nakaraang edisyon ng PBB.

Read: Will Ashley speaks up on WillCa-DustBia fan war

Pag-ayon ni Dustin: “Yeah, of course. Grabe. Ahh... binago niya ang buhay ko. Super, super talaga…

“No. 1 siyempre sa career. Laking tulong talaga ng PBB.

"Lalo na ngayon, parang every day may trabaho. May mga guestings. So, positive naman.

“Pangalawa sa business. Ang laki, ang daming kumakain.

"Nagulat ako paglabas ko, grabe, lagi kaming full house sa restaurant. So, nakakatuwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And dahil naman yun sa PBB. Hindi naman natin maitatanggi na lahat naman ng housemates, e, talagang malaki ang nakuhang tulong.”

DAVID LICAUCO AS DUSTIN YU'S MENTOR

Ang restaurant business ni Dustin ay ang Eraya, na nasa Wilson St. cor. P. Guevarra St., San Juan City, Metro Manila.

Wala pa itong isang taon. Fusion ng Southeast Asian cuisine ang menu.

Sa Sanskrit, ang ibig sabihin ng “eraya” ay fortune’s favorite o masuwerte. Araw-araw raw na nagpupunta si Dustin sa Eraya.

Ang mentor niya sa pagnenegosyo ay ang kaibigang si David Licauco.

“Kasi dati, noong sobrang vacant pa ako sa showbiz, e, wala akong ginagawa,” pagtatapat ni Dustin.

“So, kinukulit ko lang yung mga negosyo niya. Kumbaga, nakikialam ako. Interesado talaga ako.”

Before Eraya ay may naunang negosyo si Dustin, mga fried chicken stall sa schools. Isinara na niya iyon. Ang pangalan ng una niyang negosyo ay Una.

Plano ni Dustin na magtayo ng iba pang restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“For sure, tuluy-tuloy lang. Hindi porke’t nakapagtayo tayo ng isa ay hihinto na tayo,” sambit ni Dustin.

“Tuloy lang sa career, tuluy-tuloy lang. Tuluy-tuloy lang hangga’t bata pa.”

NAUGHTY QUESTIONS

Siyangapala, meron pa rin bang naughty questions sa kanya kaugnay sa paglabas sa Bahay Ni Kuya?

Iyong mga lalaking housemates, e, natatanong tuwi-tuwina ng mga pilyong eme. Ano ang reaksiyon niya?

“Katulad ng… magbigay ka ng example.”

Basta, yun na yon! Nakaka-shy i-spell out!

“Pag may natatanggap akong ganyang mga question, of course nakakatuwa,” sey ni Dustin.

“Di ba? For fun lang, enjoy lang. Nakakatuwa, nakaka-happy, positive lang.”

Read: River Joseph stands by girlfriend Gela Alonte amid online hate

GORGY RULA

Nabuo ang DustBia tandem nina Dustin Yu at Bianca de Vera sa PBB: Celebrity Collab Edition. Lover boy ang dating noon ni Dustin sa Bahay Ni Kuya.

Talaga bang ipu-pursue niya si Bianca?

Natigilan si Dustin bago sumagot, “Ahhh… well… ako naman, ever since, lover boy naman talaga ako…”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maraming kinilig sa proposal niya para maka-date si Bianca sa GMA Gala 2025.

Napangiti si Dustin: “Si Bianca naman talaga, parang she’s really one of the genuine persons na nakilala ko sa Bahay Ni Kuya.

“For me, deserved niya yon, yung mga ganyang surprises. Deserved niya na ma-treat na special. Kasi napakabuting tao niya.”

Read: Bianca de Vera says "yes" to Dustin Yu as his GMA Gala 2025 date

Bianca de Vera says
Bianca de Vera said "yes" to Dustin Yu as his GMA Gala 2025 date.
Photo/s: Dustin Yu on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DUSTIN'S REAL FEELINGS FOR BIANCA

Parang nagkagusto talaga siya kay Bianca sa loob ng Bahay Ni Kuya, at paglabas ay ganoon pa rin ang feelings?

“Of course, yeah. Kasi, ang PBB, reality show naman yan.”

Naku, huh?! Merong nagkainlab-inlaban before sa loob ng Bahay, pero paglabas ay waley na. Iba na ang dynamics.

“Ahh, totoo ba? Well siguro, deep lang talaga yung nabuo namin ni Bianca,” saad ni Dustin.

“Kaya siguro kahit anong mangyari, magiging friends pa rin talaga kami.”

Friends lang?

“I mean, kung mangyari yung hindi natin inaasahan na hindi namin ma-continue yung gusto namin, for sure dahil sa nabuo namin sa PBB, e, talagang magiging magkaibigan ulit kami,” sey ni Dustin.

As of now, meron ba siyang seryosong hakbang para tuluyang magkamabutihan sila ni Bianca?

“Well, same pa rin ako. Hindi ako nagbabago sa kanya. Kung ano ako noon sa loob ng Bahay, ganun pa rin ako ngayon!” bulalas ni Dustin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ako magbabago. Prinamis ko yun. Lahat ng promises ko sa kanya, e, tutuparin natin.

“Pag may problem siya, andito ako para damayan siya always siyempre. Ganun pa rin.

“Basta kung ano yung promises ko sa loob ng Bahay Ni Kuya…”

NOEL FERRER

Interesting kung may project together sina Dustin Yu, Bianca de Vera, at Will Ashley. Love triangle!

OK daw iyon kay Dustin.

“Kahit anong projects yan, tatanggapin natin,” sambit niya.

Sakaling magbibida sila ni Bianca sa pelikula, anong tipo ang gusto niyang gawin?

“Oh, wow. Siguro ako, fan kasi ako ng KathNiel, e. Yung mga ganung romcom na story,” sabi ni Dustin.

Read: Vice Ganda calls out "toxic" fans of PBB housemates

SHAKE, RATTLE & ROLL: EVIL ORIGINS

Kasama si Dustin sa MMFF 2025 official entry ng Regal Entertainment, yung horror trilogy na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.

Nandoon siya sa third episode (“future”) with Richard Gutierrez and Ivana Alawi, sa direksiyon ni Ian Loreños.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa alam ni Dustin kung ano talaga ang role niya rito dahil mag-i-storycon pa lang sila.

Nagkasama noon sina Dustin at Ivana sa PBB. Anong feeling niya na makakasama niya si Ivana sa movie?

“Well, Ivana Alawi yan siyempre. Sabi ko nga sa kanya sa loob ng Bahay Ni Kuya, idol ko na siya,” lahad ni Dustin.

“Napakagandang babae ni Ivana Alawi at napaka-humble, as in. Yun yung isa sa hinahangaan ko sa kanya.

“So ngayon na makaka-work ko siya sa Shake, Rattle & Roll, of course sobrang excited ako.”

Baka mag-worry ang DustBia fans dahil makaka-work niya si Ivana…

“Bakit? Well, tingin ko, hindi naman. Hindi naman," pahayag ni Dustin.

"Kasi, yung story naman, hindi naman siya love story.

“Ano siya, action. Tama ba? Basta, yun ang sabi sa akin — action. Tapos makakasama ko nga si Richard Gutierrez saka si Miss Ivana.”

Read: Will Ashley on GMA Gala date with Klarisse de Guzman: "Bring your mom to school ang atake."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dustin Yu on Bianca de Vera: “Well, same pa rin ako. Hindi ako nagbabago sa kanya. Kung ano ako noon sa loob ng Bahay, ganun pa rin ako ngayon! Hindi ako magbabago. Prinamis ko yun. Lahat ng promises ko sa kanya, e, tutuparin natin."
PHOTO/S: Jerry Olea / paulolazaro.studio on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results