PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Amazing Earth at TBATS ng GMA-7, magsi-season break muna

Isa ba sa mga programang ito ang naba-blind item na titigbakin na?
by PEP Troika
Published Aug 5, 2025
dingdong dantes tbats
Dingdong Dantes's Amazing Earth (left) and Boobay and Super Tekla's The Boobay And Tekla Show (right) will both have a season break, according to reports.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

May mga usap-usapang ang Amazing Earth na hinu-host ni Dingdong Dantes yung naba-blind item na show na titigbakin na umano.

Kaugnay nito, isang taga-Amazing Earth ang nakatsikahan ng PEP Troika.

Aniya, magsi-season break lang ang Amazing Earth umpisa Oktubre, pero hindi ito sisibakin.

Ginawa na rin ito ni Dingdong sa Family Feud noong 2023 nang mag-taping siya para sa teleseryeng Royal Blood, na umere noong Hunyo-Setyembre 2023.

DINGDONG'S NEW PRIMETIME SERIES

Sisimulan na kasi ni Dingdong ang isang malaking series na may tentative title na Master Cutter kaya kailangan muna niyang magbawas ng workload.

Pero tiniyak ng production staff ng Amazing Earth na babalik ang programa dahil commitment ito ng Kapuso Network sa mga kabataan.

Read: Seven-year-old TV program, magpapaalam na sa ere; papalitan ng reality show

NOEL FERRER

Napag-alaman ng PEP Troika na magsi-season break din ang The Boobay and Tekla Show (TBATS) nina Boobay at Super Tekla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang linggo nang replay episodes ang napapanood dito.

Nag-umpisa ito bilang streaming TV show sa YouTube noong Marso 2018, bago naging ganap na TV show noong Enero 2019 dahil maganda ang feedback.

Yung online show nina Chariz Solomon at Buboy Villar na Your Honor ay maraming sumusubaybay, kaya hindi kagulat-gulat kung magiging TV show na rin ito.

Read: Rica Peralejo meets family of late ex-boyfriend Red Sternberg

JERRY OLEA

"Kapuso Primetime King" ang title ni Dingdong Dantes, kaya marapat lang na magbida siya sa isang primetime series.

OK lang na mag-season break muna ang Amazing Earth, kesa naman yung Family Feud ang magpahinga muli.

E, patuloy na rumaratsada ang Family Feud, na nasa timeslot noon ng game show ni Willie Revillame, remember?

Read: Will Ashley speaks up on WillCa-DustBia fan war

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes's Amazing Earth (left) and Boobay and Super Tekla's The Boobay And Tekla Show (right) will both have a season break, according to reports.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results