GORGY RULA
Tama ang desisyon ng writer-director-producer na si Fifth Solomon na iurong ang playdate ng pelikulang Lasting Moments starring Sue Ramirez and JM de Guzman.
Unang napabalita na Mayo 21, 2025 ang playdate nito, kasabay ang Lilo & Stitch.
Noong Mayo 17 naman nag-start ipalabas sa local cinemas ang Mission: Impossible - The Final Reckoning.
Inilipat sa June 4 playdate ang Lasting Moments.
Sa premiere night noong Hunyo 2, ini-announce ni Direk Fifth na iniurong sa July 30 playdate ang Lasting Moments para mabigyan ng mas maraming sinehan.
Read: Tatlong local films, paurong nang paurong ang playdates

LASTING MOMENTS BOX-OFfICE PERFORMANCE
Pinalipas na muna ni Direk Fifth ang showing ng How To Train Your Dragon (Hunyo 11), F1 The Movie (Hunyo 25), Jurassic World Rebirth (Hulyo 2), Superman (Hulyo 9), at The Fantastic Four: First Steps (Hulyo 23).
Nakasabay ng Lasting Moments ang showing ng P77 ni Barbie Forteza, at ng exclusive sa SM cinemas na How To Get Away From My Toxic Family starring Zanjoe Marudo.
Mas marami ngang sinehan ang naibigay sa Lasting Moments.
Ibinalita ni Direk Fifth sa Facebook na naka-PHP15M ito sa loob ng limang araw.
Bahagi ng FB post niya: “Lasting Moments is now showing in over 150 cinemas nationwide — with some malls like SM North Edsa giving us TWO cinemas due to high demand!
“In a time dominated by foreign films and streaming platforms, this is already a huge win for Filipino cinema.
“Your support made this happen. Your word of mouth is our fuel.
“Keep it going. Bring your friends, your families, your jowas, and even your exes — “Let’s show the world that Filipino stories deserve the spotlight.”
Ang sabi ng source ng PEP Troika ay naka-P14M ang Lasting Moments in six days.
Magkaiba ng figures, pero ang importante, kumikita ang Lasting Moments sa takilya.
Read: South Korean actor Song Young Kyu dies at 55
NOEL FERRER
Ni-repost ni Fifth Solomon sa Facebook ang review ni Alex Calleja sa Lasting Moments.
Ani Alex: “Kakalabas ko lang sa sinehan. Pinanuod ko ang Lasting Moments. Kailangan ko magpost agad baka makalimutan ko.
“Ang dami kong iyak, nakalimutan ko na komedyante ako! Ilang beses ako uminom ng tubig mula sa bottled water, nakalimutan ko na sa katabi ko pala yun!
“Ilang beses ako nagpunas ng luha sa tissue, nakalimutan ko na may sipon pala yun!
“Mahirap kalimutan ang pelikulang ito! Ganda ng arte ni JM at Sue, very unforgettable! At bago ko makalimutan, galing ng pagkaka-direk ni Fifth Solomon! Ang linis!
“Nasa parking lot pa ako pero hindi ako makaalis kasi parang may nakalimutan ako! Saka hindi ko alam kung paano start ang kotse. Anyway, makainom na nga lang ng beer!
“Wag niyo kalimutan panuorin ang Lasting Moments! Hindi sayang ang binayad niyo, promise!
“Lastly, punyeta yang kantang 'How Did You Know,' kahit wala ka problema, magkakaproblema ka! Nakaka-LSS!”
HOW TO GET AWAY FROM MY TOXIC FaMILY REVIEW
Ni-repost naman ng producer na si Ogie Diaz ang review ni Alex sa How To Get Away From My Toxic Family.
Ani Alex: “Napanuod ko to kagabi! Hindi siya horror pero ayaw ko na mapanuod yung next na eksena dahil natatakot ako sa gagawin kay Zanjoe Marudo!
“Hindi siya action pero gusto ko magwala at manakit si Zanjoe! Hindi siya comedy pero natawa ako sa kapal ng mukha ng mga tao sa paligid ni Zanjoe!
“Hindi siya travel show pero gusto ko na ulit pumunta sa ibang bansa si Zanjoe!
“Hindi siya romantic film pero gusto ko yakapin si Zanjoe! Drama siya pero naiyak ako sa stress Mama Ogie Diaz.
“Manuod kayo! Baka maka-relate kayo kay Susan Africa na gusto mo padala sa Africa para palapa sa mga leon!
“Paalala lang! Ingatan niyo ang titulo ng lupa at bahay niyo! Saka wag kayong magsabit ng kung ano-ano sa kisame!
“And finally, God Bless Our Home How To Get Away From My Toxic Family is NOW SHOWING NATIONWIDE exclusively at SM Cinemas.”

JERRY OLEA
Very good decision na iwasan ng Lasting Moments na makipagbardagulan sa Hollywood blockbusters na Mission: Impossible - The Final Reckoning, Lilo & Stitch, How To Train Your Dragon, F1 The Movie, Jurassic World Rebirth, Superman, at The Fantastic Four: First Steps.
Ayon sa Box Office Mojo, iyang pitong pelikulang yan ay kasama na sa Top 11 na pinakamalalakas na pelikula worldwide this year!!!
SUNSHINE WORD OF MOUTH
Yung Sunshine ni Maris Racal ay nakipagsalpukan sa The Fantastic Four: First Steps noong Hulyo 23. Exclusive iyon sa SM cinemas.
Bongga ang word of mouth sa pelikula na naso-sold out ang mga screening.
Sabi-sabi, tatlong SM cinemas na lang ang maiiwan dito starting July 30, pero dahil may hatak sa mga manonood ay nabigyan ito ng 37 cinemas on its second week.
Ang lakas nito last Saturday, August 2. Pero mas malakas daw ito the next day, August 3.
And on its third week, umpisa Agosto 6, Miyerkules, ay meron itong 65 sinehan. Ang saya-saya!

MEG & RYAN AND MUDRASTA
This Wednesday ay showing na rin in at least 95 cinemas ang Meg & Ryan nina JC Santos at Rhian Ramos.
Just like Lasting Moments ay humahaplos at kumukurot ito sa puso.

At para sa mga nag-aabang ng bonggacious na comedy, nakapuwesto sa August 20 playdate ang Mudrasta: Ang Beking Ina! starring Roderick Paulate.
Ibang-iba sa Madrasta (1996) ni Megastar Sharon Cuneta itong Mudrasta… are you yourself?!

