PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tonton Gutierrez, favorite "leading man" ni Roderick Paulate

Roderick Paulate, hindi pumayag sa kissing scene nila ni Tonton Gutierrez?
by PEP Troika
Published Aug 8, 2025
roderick paulate tonton gutierrez mudrasta
Roderick Paulate (left) on Tonton Gutierrez (right): “Unang-una, kalimutan muna natin ang pagiging kaibigan, Tonton is a good actor, di ba? Hindi naman natin maiaalis yon. And yung experience ko sa kanya sa Maalaala Mo Kaya, mahirap, e. Sabihin nating sa comedy, pag sinabing comedy, ‘P’re!’ — Aga Muhlach yon. Pero pagdating dito sa ganitong mga scenes, Tonton Gutierrez yon! Makikita yon sa pelikula.”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Kabit ni Enrique Santillanes (Tonton Gutierrez) si Victor "Beki" Labrador (Roderick Paulate) sa pelikulang Mudrasta, Ang Beking Ina!.

Bakit si Tonton ang piniling leading man ni Roderick sa pelikulang ito? Meron ba silang kissing scene?

“Ahhh meron, hindi lang ako pumayag!” hirit ni Roderick sa mediacon noong Agosto 5, 2025, Martes, sa Max’s restaurant, Sct. Tuason St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.

“Kasi yung limitations, siyempre pinag-iingatan natin… at ako ang umayaw, ha?! Gusto mo yun?! Ang weird kasi, ano.

“Wala, wala namang kissing scene. Gusto ko namang manood yung mga bata, di ba? Gusto ko naman lagi, family movie.”

Read: Lian Paz speaks about Paolo Contis reconciliation with daughters

NOT THE FIRST RODERICK-TONTON PAIRING

Bago ang mediacon proper ay nakapanayam na ng ilang vloggers si Roderick.

Sinabihan daw siya ng mga itong hindi na sila nagulat na si Tonton ang katambal niya sa Mudrasta, dahil nagkasama na sila sa “Wristwatch” episode ng Maalaala Mo Kaya? (MMK) noong 1999.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inuulit-ulit daw ng vloggers ang panonood ng nasabing episode, at kilig na kilig daw sila.

roderick paulate tonton gutierrez mmk
Tonton Gutierrez and Roderick Paulate in a scene from "Wristwatch" episode of Maalaala Mo Kaya in 1999.
Photo/s: ABS-CBN YouTube

Lahad pa ni Roderick: “Alam nila na si Tonton, nakasama ko na sa ganitong role. And why Tonton?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Unang-una, kalimutan muna natin ang pagiging kaibigan, Tonton is a good actor, di ba? Hindi naman natin maiaalis yon.

“And yung experience ko sa kanya sa Maalaala Mo Kaya, mahirap, e. Sabihin nating sa comedy, pag sinabing comedy, ‘P’re!’ — Aga Muhlach yon.

“Pero pagdating dito sa ganitong mga scenes, Tonton Gutierrez yon! Makikita yon sa pelikula.”

Hindi pa napapanood ni Tonton ang kabuuan ng Mudrasta. Pero tiniyak ni Roderick kay Tonton na marami ang magre-react sa isang eksena nito sa pelikula.

“Very, very sincere yung scene,” pakli ni Roderick.

Read: Debbie Garcia, naka-move on na sa legal battle nila ni Barbie Imperial

roderick paulate tonotn gutierrez mudrasta
Roderick Paulate and Tonton Gutierrez in a scene from Mudrasta (2025)
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Very flattered si Tonton Gutierrez na favorite leading man siya ni Roderick Paulate.

“Honestly, sabi ko nga, makasama ko lang si Kuya Dick in a movie, kasi nakasama ko siya sa MMK, only for television,” lahad ni Tonton.

“Ito, tatatak ito. Ito, tatagal ito for ages, I mean, you know. Mapapanood ito ng mga apo ko, apo ng apo ko, kasama ko si Roderick Paulate.

“Nag-iisa, the OG. Ang totoong isa sa mga hari ng komedya.

“Unang-una, well, I’m thankful sa mga sinabi niya tungkol sa akin. I’m really thankful. Maraming-maraming salamat, Kuya Dick.

“Maraming-maraming salamat at you chose me to be a part of this movie. It’s an honor.”

Ni-rehearse pa ba nila iyong pakilig nila?

“Wala, wala. Spontaneous kami. Spontaneous kami!” bulalas ni Tonton.

Ang Mudrasta, Ang Beking Ina! ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide umpisa Agosto 20.

Idinirek ito ni Julius Ruslin Alfonso, at nagtatampok din kina Carmi Martin, Celia Rodriguez, Elmo Magalona, Arkin Magalona, Odette Khan, Ruby Ruiz, Debbie Garcia, Awra Briguela, Joel Saracho, Sunshine Teodoro, Mel Kimura, at Emmanuel de la Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jak Roberto reacts to ex-girlfriend Barbie Forteza's rumored relationship with Jameson Blake

mudrasta

JERRY OLEA

May “experience” na si Roderick Paulate kay Tonton Gutierrez doon nga sa 1999 MMK episode na "Wristwatch," directed by the late Wenn Deramas.

Walang arte-arte si Tonton sa mga eksenang pakilig sa Mudrasta, Ang Beking Ina! dahil may ginawa na siya noon kay Roderick sa nasabing episode ng MMK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Roderick: “Si Ton, ang sarap niyang kasama! Kasi wala siyang kaarte-arte talaga.

“Kumbaga, kung ano yung dapat, ano yung nararapat sa eksena, kung kulang, dadagdagan niya.

“So, nung ginawa namin yung 'Wristwatch,' may eksena kasi dun na magkahiwalay na kami. Kasi nahuli na siya ni Eula Valdes.

“So, kailangan na kaming maghiwalay. So, alam ko, hindi na kami magkikita.

“Kaya lang naging tradisyon na sa nanay niya, na kapag birthday ko, nandodoon ang friends ko at nandodoon din ang mommy niya.

“So, hindi ko na siya in-expect. May bisita na may dalang cake. So, nung ibibigay na niya sa akin yung cake, may kumatok.

“Binuksan ang pinto. Pagbukas ng pinto, si Tonton yun.

“Bago kami pumunta ng take, ang blocking nun, makikita ko siya, halos maiiyak ako sa dibdib niya, which is nasa TV yon.

“Gusto ni Direk, e, masikip lang sa dibdib… so, yun lang ang ni-rehearse namin, ni Wenn Deramas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So take… ‘Happy birthday,’ bumukas ang pinto, dumating si Tonton. Tapos sabi niya sa akin, ‘Happy birthday,’ ang blocking ay nakatingin lang ako sa kanya, ‘Salamat.’

“OK. Nung iikot na akong ganun, hindi ako nakaikot. Hinalikan niya ako dito sa lips!

“So, ibig sabihin, gustung-gusto ni Wenn, yung paghalik sa akin, clinose-up. Kasi yung mukha ko talaga dun, na wala sa script yon, pero nag-register yung gustong makuha ni Direk Wenn…

“Hindi naman po sa pagmamayabang, yun ang second award ko sa Best Actor in Asia. So, nag-deliver naman yun and I’m very proud na ganun ang eksena namin.

“Si Tonton ang nagpu-push ng mga eksena. Matapang siya. Ako nga yung duwag pa, tumatawa pa.

“Pero gagawin niya what will help the scene. Hindi ko makalimutan yon.”

Read: Dustin Yu, nililigawan na nga ba si Bianca de Vera?

tonton roderick mmk
Tonton Gutierrez and Roderick Paulate's unscripted kiss in MMK
Photo/s: ABS-CBN YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SURPRISE KISS FROM TONTON

Pagsisiwalat ni Tonton, kinausap siya ni Direk Wenn na halikan si Roderick.

“Sige!” mabilis daw na sagot ni Tonton, sabay tanong, “Saan?”

“Sa lips.”

“O, sige.”

“Huwag mong sasabihin, basta gawin mo lang,” bilin pa raw ni Direk Wenn.

“Sige, Direk. OK,” sey raw ni Tonton.

Kitang-kita raw ni Tonton ang reaksiyon ni Roderick nang halikan niya ito.

Sabi naman ni Roderick, naisip niya ang MTRCB, kung puwede ba iyong kiss ni Tonton sa kanyang labi.

Inaprub iyon ng MTRCB.

“Smack lang naman,” sambit ni Tonton.

Read: Bretman Rock announces breakup with Justice Fester

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Roderick Paulate (left) on Tonton Gutierrez (right): “Unang-una, kalimutan muna natin ang pagiging kaibigan, Tonton is a good actor, di ba? Hindi naman natin maiaalis yon. And yung experience ko sa kanya sa Maalaala Mo Kaya, mahirap, e. Sabihin nating sa comedy, pag sinabing comedy, ‘P’re!’ — Aga Muhlach yon. Pero pagdating dito sa ganitong mga scenes, Tonton Gutierrez yon! Makikita yon sa pelikula.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results