JERRY OLEA
Ipagdiriwang ni Nonoy Zuñiga ang 50th anniversary niya bilang professional singer sa concert na Beyond Gold: Songs Of A Lifetime.
Gaganapin ito sa Setyembre 5, 2025, Biyernes ng 8:00 P.M., sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts, Pasay City.
Panauhin niya sina Kuh Ledesma, Lani Misalucha, at ang kapwa Hitmakers na sina Marco Sison at Rey Valera.
“Matagal ko nang iniisip itong solo concert na ito,” sabi ni Nonoy sa mediacon nitong Agosto 7, Huwebes ng hapon, sa The Whisky Library ng Newport World Resorts.
“Titiyempuhan lang yung 50th — parang ang tanda na kasi, 50th year. Ha! Ha! Ha! Ha! Not in showbiz but as a professional singer in the singing profession.
“High school pa lang, I started singing na. Two years as a folk singer. Nung college ako, nagbanda ako. Five years, every night yon.
“And then, yun na nga, eto na, recording na. Kaya 50 years… dahil sa matinding pangangailangan!”
Read: Paolo Contis, muling nakapiling ang mga anak kay Lian Paz
RICO J. PUNO AND HAJJI ALEJANDRO TRIBUTE
Siyempre, may tribute dito sina Rey, Marco, at Nonoy sa mga yumaong kaibigan na sina Rico J. Puno at Hajji Alejandro.
Sa Marco Sison: Seasons of OPM concert noong Hulyo 25 sa The Theater at Solaire ay ang ganda ng a capella nilang tatlo sa kantang "Kapalaran" bilang tribute kay Rico J.
Kasunod niyon ay solong pagkanta ni Marco ng "Nakapagtataka" bilang tribute naman kay Hajji.
“We’re really friends so we are supporting each other’s concerts,” pahayag ni Nonoy.
“Pag si Rey naman, andoon din kami ni Marco. Ganoon lang.”
Patok ang mga biruan nila kahit paulit-ulit. Halimbawa, pag sinasabihan si Nonoy na bilisan ang paglalakad.
“Ganun ang magkakaibigan, nagbibiruan lagi. Parang mga seryoso, pero actually, OK lang sa amin yon,” saad ni Nonoy.
“We started 2003, Hitmakers, yung lima kami, with Rico J and Hajji.
"Magkakakilala kami before pero not really friends as in friends na you go out at night, na pag walang gigs, lumalabas kami. Walang ganun.
“Ngayon we do that. Talagang friends yon, di ba?”

Sa presscon noon ng Ang Guwapo at Ang Masuwerte (2024) concert, ipinagtapat nina Rey at Marco na madalas mag-clash before sa Hitmakers sina Rico J at Hajji.
“Kasi ang dalawa na yun, sila ang pinakamatanda sa amin,” napangiting sambit ni Nonoy.
“So kami, mas bata, respeto na lang namin sa matatanda. Let them talk. Kasi pag nagkakaedad, nagiging madaldal, e. Joke din yun siyempre.
“Pero talagang whenever we perform together, lagi naming iniisip, nandiyan silang dalawa sa likod namin.
“Yung spirit nila, kasama namin. Kaya pag nagpapatawa kami, kasama sila. Actually, yung ibang jokes dun, karamihan ng jokes, si Hajji Alejandro ang gumawa.
“I would say 70 percent siguro kay Hajji, 30 percent kay Rico. Pero most of the time, pinapa-deliver namin kay Rico, lalung-lalo na yung green jokes.
“Bagay na bagay sa hitsura niya! Sa akin, hindi bagay. So yun, ganun lang. Tapos hinati-hati namin yung mga jokes.”
Read: Rico J. Puno, "nilaglag" nina Hajji Alejandro, Rey Valera, Nonoy Zuniga, at Marco Sison
KUH LEDESMA AND LANI MISALUCHA
Ano naman ang koneksyon nina Kuh at Lani sa musical journey ni Nonoy?
“Si Kuh, matagal ko nang kilala, ‘70s pa. Kasi, nasa banda rin siya, yung Ensalada, saka ako, Family Birth,” lahad ng veteran singer.
“Nag-alternate kami sa Holiday Inn sa El Camarote Bar. One of the singers si Kuh, ako, one of the singers din.
“So mga bata pa kami, magkakilala na kami. So, yun ang aming ire-recall sa show.
“Si Lani naman, ‘80s ko siya nakilala, sa recording na. Kasi, at the height of my career, si Lani, she was doing covers. Mga Natalie Cole, Mariah Carey, mga ganyan.
“Doon ko siya nakilala sa recording.”

GORGY RULA
Nagkatambal sina Nonoy Zuñiga at Vilma Santos sa pelikulang Never Ever Say Goodbye (1982) na idinirek ni Gil Portes.
Posible bang manood si Ate Vi sa Beyond Gold concert?
“Posible, depende sa schedule niya. Actually, marami akong in-invite na mga nasa entertainment pero karamihan, nasa abroad by September,” sabi ni Nonoy.
Hindi raw alam ni Nonoy kung nakaabot sa Star for All Seasons ang kanyang paanyaya. Hindi raw niya alam ang mobile number nito.
“Through channels lang,” pakli ni Nonoy.
DREAM COLLABS
Si Nonoy ang orig na kumanta ng "Araw Gabi," na komposisyon ni Maestro Ryan Cayabyab, at ni-revive ni Regine Velasquez.
Inaasam ni Nonoy na maka-duet si Regine ng "Araw Gabi," habang nagpi-piano si Maestro Ryan.
Ang isa pang inaasam ni Nonoy ay maka-duet sana muli si Sharon Cuneta sa kantang "Init sa Magdamag."
Siyangapala, may special participation sa Beyond Gold: Songs Of A Lifetime sina Andrea Gutierrez, Isha Ponti, at Raymond Gorospe.
Ang musical director ay si Bobby Gomez, at ang concert director ay si Calvin Neria.
Read: Enzo Almario realizes his purpose after surviving sexual abuse
NOEL FERRER
Kakantahin ni Nonoy Zuñiga sa Beyond Gold ang "Basang-basa sa Ulan," na ni-record niya noong 1981.
Yes, si Nonoy ang OG singer ng "Basang-basa sa Ulan" na identified sa Aegis.
“Hindi ko naman na-promote yon, e. Pero ako ang original ng 'Basang-basa sa Ulan,' and 'Araw Gabi,'” sey ni Nonoy.
Kaabang-abang din ang pag-awit ni Nonoy ng "Ako Ay Ikaw Rin."
Aniya, “It’s a song na very personal, aside from Never Say Goodbye. I’ll be doing the song for the disabled, which I don’t normally sing.
“Doon ako na-discover ni Willy Cruz, when I sang the song in the 4th Metropop, which I didn’t join. Guest lang po ako dun, sa 4th Metropop.
“Gusto kasi nila, may specific singer. Gusto nila, yung singer na may kapansanan.
“Tamang-tama, nandoon ako, kaya kinuha ako ni Ka Doroy Valencia, ‘Puwede kang mag-guest? Sige na!’ Ayun.
“Tamang-tama, one of the judges, andoon si Willy Cruz. That’s where Willy Cruz discovered me.
“It’s also a milestone in my career. I’ll do that song backed up by deaf children. Iyon ang ating beneficiary.”
Bahagi ng lyrics ng "Ako Ay Ikaw Rin":
“Batid ko ang tindi ng awa nyo/ Pag-ibig at kalinga ay sapat na
“Huwag nyo na akong akayin/ Pagka’t kaya ko ring mabuhay tulad nyo
“Ipahayag ninyo sa buong mundo/ Na limutin itong kapansanan ko
“Ang tangi kong adhikain/ Ituring mong ako ay ikaw rin…”
Read: Elias J. TV files petition to cancel contract with talent manager
