PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Life story ni Shuvee Etrata sa Magpakailanman, wagi sa ratings

Shuvee Etrata, bagong paborito ng Sparkle?
by PEP Troika
Published Aug 12, 2025
shuvee etrata gabby eigenmann magpakailanman
Shuvee Etrata with Gabby Eigenmann in a scene from her life story on Magpakailanman
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Maganda ang rating ng Magpakailanman noong nakaraang Sabado, August 9, 2025.

Tampok dito ang kuwento ng buhay ng Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition ex-housemate na si Shuvee Etrata.

Nakapagtala ito ng 8.3% na rating.

Ang katapat nitong Idol Kids Ph ay 5.2%, at 2.7% naman ang MMK.

Read: Veteran actress Odette Khan, hindi pa handang "ibaon sa lupa"

magpakailanman ratings
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SPARKLE'S NEW FAVORITE?

Kapansin-pansing naka-focus ngayon ang Sparkle GMA Artist Center kay Shuvee dahil sa lakas ng dating niya pagkatapos lumabas sa Bahay Ni Kuya.

Sunud-sunod ang endorsements niya, at ang lakas din niya sa social media.

Binigyan siya agad ng magandang project kung saan kasali siya sa bagong primetime series ni Dingdong Dantes na Master Cutter.

Kasama rin ni Shuvee rito ang kapwa PBB housemate na si Charlie Fleming.

Marami ang nagtatanong kung mabibigyan din ng magandang projects ang ibang Kapuso PBB housemates.

Mukhang isa kasi sa mga paborito at alagang-alaga ngayon ng GMA-7 ang Cebuana actress-TV host.

Noong Sabado ay itong Magpakailanman ni Shuvee ang pinakamataas na rating sa primetime.

Ang 24 Oras Weekend ay naka-6%, at ang sumunod na Pepito Manaloto ay 7.2%, at ang Stars on the Floor ay 7.6%.

Read: Iwa Moto fumes at bashers of her online selling: "Huwag na huwag niyong mamaliitin."

NOEL FERRER

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Patuloy pa ring namamayagpag ang Cruz vs. Cruz sa afternoon drama kaya nagtatanong na kami kung posibleng ma-extend ba ito.

Pero wala pang sagot ang mga taga-Cruz vs. Cruz.

Noong Lunes, August 11, ay itong afternoon drama nina Vina Morales at Gladys Reyes ang pinakamataas sa afternoon drama.

Ang It’s Showtime ay 4.4%, at ang Eat Bulaga! ay 3.3%.

Sumunod ang My Father’s Wife na naka-5.6%, at ang Cruz vs. Cruz ay naka-6.2%.

Ang Akusada naman ay 5.3%, at ang sumunod na Fast Talk With Boy Abunda ay 4.1%.

Okay ang rating na ito na kung saan guest ang nagbabalik na si Kim delos Santos.

Ang Lovely Runner ay 3%, at okay rin ang Family Feud na naka-8.1%.

Read: NETIZENS REACT: Vice Ganda's Duterte joke at concert

JERRY OLEA

Ilang araw ring natalo ng Sang’gre ang Batang Quiapo sa primetime.

Pero noong Lunes, Agosto 11, ay bumawi si Tanggol! Hindi lang sa single channel kundi pati sa aggregated ratings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simulan muna natin noong Biyernes, August 8, kung saan naka-12.7% ang 24 Oras. Ang Frontline Pilipinas ay 1.9%, at ang TV Patrol ay 2.6%.

Ang Sang’gre ay naka-12.7%, at ang Batang Quiapo ay 11.6%.

Sumunod ang Sanggang Dikit FR na naka-9%, at nahihirapang humabol ang It’s Okay To Not Be Okay na naka-5.3%.

Noong Lunes, August 11, ay bumawi ang Batang Quiapo.

Simulan muna natin sa 24 Oras na 13.9%, ang TV Patrol ay 2.8%, at ang Frontline Pilipinas ay 1.6%.

Bahagyang bumaba ang Sang’gre na naka-10.9%, at ang Batang Quiapo ay 12.7%.

Ang Sanggang Dikit FR naman ay 7.6%, at ang It’s Okay To Not Be Okay ay 5.2%.

Ang Beauty Empire ay 3.9%, at ang Sins of the Father ay 2.3%.

ACTING SHOWDOWN IN BATANG QUIAPO

Inaabangan ng mga Kapamilya ang pangmalakasang acting showdown sa FPJ’s Batang Quiapo kung saan magsasama-sama sa isang pasabog na eksena ang mga bigating artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Royal rumble showdown!

Matinding bakbakan ang muling paghaharap ng magkaribal na pamilya sa politika, ang mga Montenegro at Guerrero, pagkatapos isiwalat sa publiko ang mga eskandalong sikreto na nag-uugnay sa kanila.

Umaatikabong ratratan ang inaabangan kay Tanggol (Coco Martin) nang sugurin siya ng mga suntok ng magkapatid na sina Miguelito (Jake Cuenca) at Roberto (Albert Martinez), na siya ring mapapahiya nang ilantad ang sikreto niya bilang bakla.

Nagbabadya ang komprontasyon nina Tanggol at Rigor (John Estrada) dahil magbabanta si Rigor na tapusin ang buhay ni Tanggol sa harap ng maraming tao.

fpj's batang quiapo
John Estrada, Coco Martin, and Cherry Pie Picache in a scene from Batang Quiapo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makakatikim ng sampal at suntok si Gustavo (Dante Rivero) mula kina Tindeng (Charo Santos) at Al (Juan Rodrigo) bilang ganti sa pagsira ng buhay nila noon, at magkakainitan din ang mga babae sa pamilya na sina Marites (Cherry Pie Picache), Jackie (Angel Aquino), at Olivia (Chanda Romero).

dante rivero charo santos batang quiapo
Dante Rivero and Charo Santos
Photo/s: Kapamilya Channel
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sino ang madedehado sa mainit na bakbakan?

Sino sa dalawang pamilya ang magwawagi sa eleksyon?

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo gabi-gabi ng 8:00 P.M. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWant, at Kapamilya Online Live.

Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shuvee Etrata with Gabby Eigenmann in a scene from her life story on Magpakailanman
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results