GORGY RULA
Naghihinanakit ang sikat na aktres sa kanyang kapatid na pinagkatiwalaan niya nang lubos.
Ipinaubaya ng aktres sa kanyang kapatid ang finances, lalo na ang itinayo nilang negosyo.
Recently lang natanto ng aktres na malaki na pala ang nakuhang pera sa kanya ng kapatid.
Meron silang itinayong negosyo kung saan milyones ang ipinuhunan ng sikat na aktres. Maganda ang takbo ng negosyo at kumikita ito.
Read: Bea Borres, 22, confirms pregnancy: "I'm not ready... I'm so happy."
THE DISCOVERY AFTER AUDITING
Nagkaroon ng auditing, na inayos ng kanilang accountant.
Nagulantang si Aktres na halos PHP10,000 na lang ang natira sa kanilang negosyo.
Nadiskubre rin daw ni Aktres na may mga bayaring ipinagkatiwala niya sa kanyang kapatid, pero hindi pala ibinayad.
Kailangang bayaran ni Aktres ang mga iyon forthwith or else, mapapahamak siya.
JERRY OLEA
Sobra-sobra, labis-labis ang hinampo ng sikat na aktres sa kanyang kapatid.
Hindi ito tampong pururot lamang.
Napakasakit, Ma’am Charo!
Litung-lito ang aktres kung anong hakbang ang dapat niyang gawin.
Dapat ba niyang ihabla ang kanyang kapatid?
Maaatim ba niyang pagbayarin ito sa kasalanan?
Hindi maubos-maisip ni Aktres na aabot sa ganito dahil buung-buo ang tiwala niya sa kapatid.
May nakakarating pang kuwento sa amin kung bakit nagawa yon ng kapatid sa aktres. Pero haka-haka pa lamang yun.
Bigyan natin ng pagkakataong makapagpaliwanag yung kapatid.
Read: Will Ashley confesses Mika Salamanca is his type among PBB housemates
NOEL FERRER
Ang sakit...
Pero ang mas malinaw na katotohanan ay kebs ba nating lahat sa isyung ito. Napakapersonal nito kung tutuusin.
Sa mga talents na hina-handle ko, ang unwritten rule sa mga ganito ay, una, hindi dapat nakakaapekto ito sa trabaho.
Ikalawa, kung isyu sa tahanan o personal, inaayos na yan doon din mismo at hindi na isinasapubliko.
Ni hindi na nga kailangan ang publiko sa isyu dahil mas gugulo pa kapag nag-opinyon na ang lahat! (Maliban na lamang kung sangkot na ito ng batas sa lipunan.)
Kaya bigyan natin ng panahong magkalinawagan ang magkapatid, at sana sa kalaunan, makapagpatawaran at maayos din ang lahat.
Sana. Kasi, pamilya yan, ano?!
Read: What Ralph de Leon said about Team AzRalph and Team RalpVee
