JERRY OLEA
Pitong pelikula ang pagpipilian para panlaban ng Pilipinas sa kategoryang Best International Feature ng 98th Oscars o Academy Awards.
Ang mga ito ay:
Magellan
Sunshine
Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea
Green Bones
Hello, Love, Again
Some Nights I Feel Like Walking
Song of the Fireflies.
Ia-announce ang opisyal na panlaban natin sa Gala Night ng Philippine Film Industry Month (PFIM) 2025 sa Setyembre 11, 2025, sa Seda Vertis North.
Read: Anong pelikula ang magiging entry ng Pilipinas sa Oscars 2026?
JOSE REYES ON CHOOSING PH ENTRY TO OSCARS
Kasama sa committee na pipili si Direk Jose Javier Reyes na chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Ang FDCP ang punong-abala sa PFIM 2025 na ang tema ay “Pelikula at Pilipina.”
“Sometime before the end of the month, iko-convene na iyong committee to choose the Oscar entry for the year,” sabi ni Direk Joey sa mediacon ng PFIM 2025 ngayong Agosto 15, Biyernes, sa Limbaga 77 restaurant, Sct. Limbaga St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.
“I’m part of that committee, OK, together with six others, OK, which are made up of film directors, heads of other organizations, and the likes.”
Sa Araw ng Pagkakaisa ng Pelikulang Pilipino noong Agosto 9, 2025, Sabado, sa Valencia Events Place, Quezon City, inasam ni Film Academy of the Philippines (FAP) Director General Paolo Villaluna na mai-announce by August 20 ang panlaban nating full feature film sa Oscars.
“Masalimuot yan, e. Kasi, ang Film Academy ang authorized na pumili,” paliwanag ni Direk Joey.
“Pero bago ka pumili, isa-submit mo muna sa AMPAS (Academy of Motion Picture Arts and Sciences) kung sino yung mga pipili.
“Kailangang i-vet nila at i-approve nila yung pito na pipili, OK, ng official entry. E hindi naka-respond agad ang AMPAS.
“So, hindi pa kami ma-convene. Pero kailangan by the end of the month, mag-convene na kami…
“Ipinapanalangin ko na ako ang chairman. Kasi as the chairman, you don’t vote. Ikaw lang ang nagmo-moderate.
“Boboto lang ang chairman if there’s a tie.”
Read: Liza Soberano finally confirms breakup with Enrique Gil

Ang mapipiling panlaban ay tutulungan ng FAP at FDCP.
“Oras na mapili ka, magbibigay ng pera ang FAP, OK, na to help market. Ang FDCP has already committed to give, maliit lang, PHP1M, because when you put that in U.S. dollars… di ba?” pagtatapat ni Direk Joey.
“Pero tutulong din ang FDCP sa marketing. Alam mo, masalimuot yan, e. It’s not enough that you’re the best movie. Kailangan may machinery ka to promote.
“Labanan ito, strategy, e. Kung aling pelikula ang pinakamagaling mag-strategize para mapansin.
“Imagine mo naman, ilan yung foreign films na nandidiyan, pipiliin yung lima. Importante na kilala ka na sa festivals.
“Dahil ibig sabihin, pagdating mo doon, familiar na sila sa title mo. Importante yun. So, may iba diyan, may advantage.”
Sa Magellan, bida si Gael Garcia Bernal, sa direksiyon ni Lav Diaz. Nakakuha ito ng standing ovation sa Cannes last May.

Umiikot sa mga festival ang Sunshine kung saan bida si Maris Racal, sa direksiyon ni Antoinette Jadaone.

Kontrobersiyal ang trailer ng documentary na Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea, sa direksyon ni Baby Ruth Villarama. Pinag-usapan pati sa U.S.

Ang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay nagpakitang-gilas sa takilya ng North America.
Read: Wild Boys producers share "tragic experience" working with Aljur and Vin Abrenica

NOEL FERRER
Ang Film Academy of the Philippines (FAP) sa pamumuno ng Director-General nito na si Paolo Villaluna ang mangunguna sa kampanyang ito para magkaroon tayo ng kauna-unahang Oscar nomination sana.
Tama si Direk Joey Reyes, pipiliin nila kung ano ang puwedeng meron ang appeal sa broader base ng Oscar jury.
Malaking tulong na meron nang paunang international prominence ang iba sa mga pagpipilian — dahil ganun yun.
Ang mga makakalaban nila ay maaaring nag-compete na rin sa mga major international festivals abroad.
At ang magandang balita ay bubuhusan na raw ng malaking resources at effort ang pelikulang mapipili, para naman makamit na natin ang noo’y inaasam-asam na Oscar nomination.
Maraming chances — sa feature film, sa documentary, sa shorts.
Kahit saan pa man, umaasa tayong mas makikilala pa ang galing ng mga Pilipinong manlilikha sa buong mundo.
Read: Will Ashley confesses Mika Salamanca is his type among PBB housemates
GORGY RULA
Matagal na nating inaasam na makapasok tayo sa Oscars.
Malaking bagay itong may suporta ng gobyerno mula sa mga masigasig nating film leaders na kagaya nina FDCP Chair Joey Reyes at FAP Director General Paolo Villaluna.
Sana, mapansin na tayo.
Pero sa tingin ko riyan ay baka simpleng pelikula at Pinoy na Pinoy ang mapansin ng Academy.
Maganda rin itong ginawa para makapasok tayo sa Oscars.
Pero doon pa rin ako sa kung paano natin palalakasin ang mga pelikula nating ipinapalabas sa mga sinehan.
Maraming magagandang pelikula ang ipinalabas nitong mga nakaraang linggo.
Pero ang nakagiliwang panoorin ng mga manonood ay ang Sunshine na mas dumami pa ng sinehan, at ang Lasting Moments na ang tantiya ng ating reliable source ay makaka-PHP30M sa tatlong linggo.
Sana, may kasunod pang pelikulang atin na mapansin ng manonood para makabawi lalo na ang mga maliliit nating film producers.
Read: Liza Soberano painfully recalls trauma caused by parents, foster family
