PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Klasiko, magagandang Pelikulang Pilipino for only PHP49 a month!

Grabe ang mga pauga at payugyog ng FDCP para sa PFIM 2025 celebration!
by PEP Troika
Published Aug 16, 2025
Jose Javer Reyes
Ibinalita ni FDCP Chair Jose Javier Reyes ang mga aktibidades at pangyayaring magaganap sa selebrasyon ng Philippine Film Industry Month 2025, kabilang na rito ang paglu-launch ng Juanflix app na aniya'y pangtapat daw ng FDCP sa Netflix.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Siksik, liglig, hitik, at nag-uumapaw ang mga pauga at payugyog ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month (PFIM) 2025 sa Setyembre.

“Pelikula at Pilipina” ang tema ng PFIM. Iha-highlight dito ang female icons ng Pinoy cinema noon at ngayon.

“Bibigyan ng parangal ang mga importanteng Pilipina sa likuran ng kamera,” pahayag ni FDCP Chair Jose Javier Reyes sa mediacon noong Agosto 15, 2025, Biyernes sa Limbaga 77 restaurant, Sct. Limbaga St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.

“Kung ating tutuusin, sa buong kasaysayan ng pelikulang Pilipino, ang babae, ang Pilipina ay pinakaangkla na siyang gumawa ng kahubugan ng industriya.

“Paano maikukuwento ang kasaysayan ng pelikulang Pilipino na hindi mo babanggitin si Emilia Blas, si Mother Lily, si Doña Sisang, si Boss Mina?

“Pagkatapos nun, dumating si Ma’am Charo, si Miss Malou."

Sina Emilia Blas ng Lea Productions, Mother Lily Monteverde ng Regal Films, Doña Narcisa De Leon ng LVN Pictures, Mina Aragon ng Viva Films, at ang magkapatid na producers na sina Charo Santos-Concio at Malou Santos ng ABS-CBN ang mga tinutukoy ni FCDP Chair Joey Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mga babaeng may malalaking naiambag sa industriya ng Pelikulang Pilipino.

Patuloy ni Chair Joey, "So all throughout, makikita natin ang kahalagahan ng Pilipina as producer, also as actors, directors.”

OPENING CEREMONY

Setyembre 1, Lunes ng 4:00 P.M. ang opening ceremony sa Red Carpet Cinema 1 ng Shangri-La Plaza, Mandaluyong City. Smart casual ang attire sa event na ito, kung saan may special screening ng restored version ng pelikulang Ikaw ay Akin (1978) ni National Artist Ishmael Bernal.

Tampok sa pelikula sina National Artist Nora Aunor, Star for All Seasons Vilma Santos, at Drama King of Philippine Movies Christopher de Leon.

Dadalo ba rito si Ate Vi?

“We will try, kasi kaka-elect lang sa kanya. She’s so busy because she’s just been elected governor of Batangas,” tugon ni Direk Joey Reyes.

Ipapalabas sa opening ceremony ng Philippine Film Industry Month 2025 ang digitally restored classic movie ni Ishmael Bernal na
Ipapalabas sa opening ceremony ng Philippine Film Industry Month 2025 ang digitally restored classic movie ni Ishmael Bernal na "Ikaw Ay Akin" (1978) starring Nora Aunor and Vilma Santos.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GALA NIGHT

Gabi ng glitz and glamour ang PFIM Gala Night sa Setyembre 11, Huwebes, sa Seda Vertis North, Quezon City. Iho-host ito ni Yanah Laurel.

Kabilang sa performers sina Kuh Ledesma, Bituin Escalante, Lara Maigue, Zephanie, at 92 AD.

“Pararangalan ng FDCP ang limang Pilipina na inaakala namin na siyang napakaimportante para maintindihan ang mga Filipino movies today,” pagmamatwid ni Direk Joey.

“Ang limang ito ay sina Raquel Villavicencio, production designer and scriptwriter. Lee Briones Meily, cinematographer.

“Gina Alajar, actress, director, and acting coach. Olivia Lamasan, hindi ko na kailangang ipakilala si Olivia Lamasan dahil isa siyang premyadong direktor na babae.

“And the legendary Malou Santos, na siyang humubog sa lahat ng pelikulang ginagawa ng komersyal ngayon."

Inanunsiyo ni FDCP Chair Joey Reyes ang limang Pilipinang paparangalan ng FDCP. Ito ay sina Lee Briones Meily, Racquel Villavicencio, Gina Alajar, Olivia Lamasan, at Malou Santos.
Inanunsiyo ni FDCP Chair Joey Reyes ang limang Pilipinang paparangalan ng FDCP. Ito ay sina Lee Briones Meily, Racquel Villavicencio, Gina Alajar, Olivia Lamasan, at Malou Santos.
Photo/s: Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ia-announce sa Gala Night ang opisyal na panlaban natin sa kategoryang Best International Feature ng 98th Oscars o Academy Awards.

Ang pitong pagpipilian ay Magellan, Sunshine, Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea, Green Bones, Hello, Love, Again, Some Nights I Feel Like Walking, at Song of the Fireflies.

FILM SCREENINGS

Ang dami pang activities ng FDCP kaugnay sa PFIM.

“Intramuros, Manila will be a center of cinematic activities, OK. Ito ay mga activities na magaganap sa Baluarte de San Diego, sa Fort Santiago, at saka sa Centro Turismo,” lahad ni Direk Joey.

“Diyan magpapalabas kami ng iba’t ibang mga pelikula, libre! OK, iba’t ibang pelikulang libre celebrating the Filipina.”

Setyembre 5, Biyernes, ipapalabas sa Centro de Turismo ang Brutal (1980) at Karnal (1983) ni National Artist Marilou Diaz-Abaya.

Setyembre 10, Miyerkules, ipapalabas sa Baluarte de San Diego ang Love You to the Stars and Back (2017) ni Antoinette Jadaone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Setyembre 12, Biyernes, ipapalabas sa Teatro, Fort Santiago, ang Anak Dalita (1956) ni National Artist Lamberto Avellana.

Malapit lang sa Intramuros ang Metropolitan Theater, kung saan ipapalabas sa Setyembre 21, Linggo, ang restored version ng Sisa (1951) ni National Artist Gerardo de Leon.

May tribute screenings sa SM North EDSA at FDCP Cinematheque Centers ng Tanging Yaman (2000), Hihintayin Kita Sa Langit (1991), Moral (1982), Madrasta (1996), at Anak (2000).

Nagbabalik ang mga Pelikula ng Bayan sa abot-kayang SINE50 screenings sa SM Mall of Asia, TriNoma, Robinsons Galleria Ortigas, at Gateway.

Mapapanood sa sinehan sa halagang PHP50 ang mga pelikulang Big Night! (2021), Gusto Kita With All My Hypothalamus (2018), Miss Bulalacao (2015), Dagitab (2014), Patay Na Si Hesus (2016), at Apocalypse Child (2015).

CLOSING CEREMONY

Open to the public ang closing ceremony ng PFIM 2025 na magaganap sa Setyembre 27, Sabado, sa Robinsons Manila.

Makikisaya rito sina River Joseph, Will Ashley, Michael Sager, at Esnyr ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition, plus Mr. Fu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kabilang sa makikisaya sa closing ceremony ng PFIM 2025 sa Robinsons Manila sina River Joseph, Esnyr, Will Ashley, at Michael Sager.
Kabilang sa makikisaya sa closing ceremony ng PFIM 2025 sa Robinsons Manila sina River Joseph, Esnyr, Will Ashley, at Michael Sager.
Photo/s: Jerry Olea

“Ang aming closing event ay magiging launch ng Juanflix app,” pagbabalita ni Direk Joey.

“Meron nang app ang FDCP kung saan puwede kayong manood sa cellphone ng mga pelikula sa madugong halagang PHP49 a month!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“OK, ito’y mga pelikulang Pilipino na klasiko at ilang pelikulang bago, at higit sa lahat, mga pelikulang pina-franchise namin mula sa US at sa Europe tuwing kami’y nagbibiyahe…

“Ang Juanflix ang pinaka-Netflix namin.”

NOEL FERRER

Bakit kamo ang iconic Ikaw Ay Akin ang ipapalabas sa opening ceremony ng PFIM 2025?

“This is a seminal film. Kasi ito more or less embodies two of the greatest Filipina actresses ever, OK,” sabi ni Direk Joey Reyes.

“So what is the best way to start this whole event than to highlight Nora and Vilma?”

Nagbida rin sina Nora at Vilma sa pelikulang T-bird at Ako (1982) ni Danny Zialcita.

SINE KABATAAN

Sampung short films ang itatanghal sa 8th Sine Kabataan (SineKab) Short Film Festival and Laboratory sa Setyembre 5-7 sa Red Carpet Cinemas ng Shangri-La Plaza.

“Ito yung isa sa pinakamagandang programs ng FDCP, OK,” saad ni Direk Joey.

“Kasi, ang nakuha naming mga pelikula ng mga kabataan ay galing sa regions. Like last year, ang nanalo ng best film, would you believe, is from Nabunturan, OK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, makikita mo na sa kasuluk-sulukan ng ating bayan, may mga young filmmakers na may mga kuwento na ang gaganda.

“Ibang-iba ang mga kuwento nila sa mga kuwento ng mga taga-Maynila, OK. Ibang-iba.

“In the same manner sa Maynila, ibang-iba ang kuwentong gawa ng College of St. Benilde sa gawa ng FEU, sa gawa ng Mapua.

“So nakikita natin yung diversity ng next generation of Filipino filmmakers, but now we want to extend it to the regions.

“And Sine Kabataan is the best venue for that.”

Magko-collab ang Netflix at SineKab para sa bagong set ng masterclasses sa Setyembre 9 sa Alaminos, Pangasinan, at sa Setyembre 11 sa Iloilo.

Sabi pa ni Direk Joey: “In fairness to Netflix, ang kanilang pag-compensate sa pagkuha nila ng Filipino films, di ba?

“They’re offering masterclasses and extension training classes to Filipino filmmakers. I guess to make more movies for Netflix, OK.”

FILMS FOR PEACE

Magpe-premiere ang inaugural Films for Peace competition sa Setyembre 13 at 14 sa SM North EDSA, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Short films ang magtatagisan. Meron itong talk back sessions.

“Nung ginawa namin ang Films for Peace, we had about 20 entries, and talagang ngayon, dyina-judge na sila, OK,” sabi ni Direk Joey.

“I’ve seen all of them. Ang gaganda yung paano ang interpretation nila kung paano ang ibig sabihin ng film being used for greater understanding ng peace.

“Merong mga kaso ng mga foundlings. May mga kaso ng mga illiterate people, and how they’re being taught… So, ang ganda! Ang ganda! Highly diverse.”

GORGY RULA

Dalawang international filmfest ang pupuntahan ng FDCP sa Setyembre — Toronto sa Canada, at Busan sa South Korea.

“Sa Setyembre 6-10, OK, may delegation kaming pupunta sa Toronto International Film Festival,” pagbabalita ni Direk Joey.

“Unfortunately hindi ako makakasama dahil kung sasama ako, dalawang araw lang ako sa Toronto, ikamamatay ko iyon, 'tapos uuwi na ako.”

Hindi pa puwedeng i-announce ni Direk Joey kung ano yung short film at full-length Filipino film na napiling mag-Toronto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Setyembre 19-23, magpa-participate ang FDCP sa Asian Contents Film Market ng Busan International Film Festival.

“Merong pavilion ang FDCP diyan sa Busan. We will showcase Filipino films,” sey ni Direk Joey.

“We already have 12 producers na pupunta para magbenta ng pelikula nila.”

Hindi pa rin puwedeng sabihin ni Direk Joey ang pelikulang Pinoy na ipapalabas sa Busan filmfest.

“Alam niyo, pangarap namin, sana pag may ganyan, hindi lamang isa o dalawa. Sana ang daming napipili,” sambit ni Direk Joey.

“So, kailangan talagang itulak pa si Antoinette Jadaone, itulak pa si Lav Diaz.

“Itulak pa itong si Baby Ruth Villarama, OK, na gumawa pa ng marami, para mas maganda yung problema mo. Ang dami-dami, hindi mo alam ang papanoorin, hindi ba?”

Ibinalita rin ni Direk Joey na sa Setyembre ay ipapalabas na sa local cinemas ang pelikulang Magellan ni Lav Diaz, kung saan bida si Gael Garcia Bernal.

Malamang daw na ang opening film sa 21st Cinemalaya sa Oktubre 3, 2025 ay ang Quezon ni Jerrold Tarog, kung saan title role si Jericho Rosales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Direk Joey, napakatapang ng historical film na Quezon!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinalita ni FDCP Chair Jose Javier Reyes ang mga aktibidades at pangyayaring magaganap sa selebrasyon ng Philippine Film Industry Month 2025, kabilang na rito ang paglu-launch ng Juanflix app na aniya'y pangtapat daw ng FDCP sa Netflix.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results