PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda, hindi totoong "nagsumbong" sa entertainment editors

Balik-It's Showtime na uli si Vice matapos na magpahinga.
by PEP Troika
Published Aug 16, 2025
Vice Ganda
“Nakapagpahinga na ako. Gumagalaw na yung legs ko ulit. Humaba yung tulog ko, nakapagpahinga ako," sabi ni Vice Ganda nang bumalik ito sa "It's Showtime" kanina. Nagpahinga muna si Vice pagkatapos ng kontrobersiyal na "Super Divas" concert nila ni Regine Velasquez noong August 8 at 9, 2025.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Ngayon lang Sabado, August 16, 2025, bumalik si Vice Ganda sa It’s Showtime, pagkatapos ng kontrobersyal na Super Divas concert nila ni Regine Velasquez noong August 8 at 9 sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

Read: NETIZENS REACT: Vice Ganda's Duterte joke at concert

“Nakapagpahinga na ako. Gumagalaw na yung legs ko ulit. Humaba yung tulog ko, nakapagpahinga ako.

“Yun nga, nai-relax ko yung legs ko. Yung tuhod ko lumambot na ulit. Yung daliri ko sa paa, gumagalaw na ulit,” bulalas ni Vice Ganda.

Pawang pasasalamat lang si Vice Ganda at sa buong programa ay wala siyang patutsada sa isyung naglabasan mula sa nakaraan nilang concert.

Pati sa FAMAS ay nagpasalamat din siya sa nomination sa Best Actor category, at iba pang kategorya mula sa pelikula nilang And The Breadwinner Is…

Inaabangan kung may pitik ba siya sa mga tumutuligsa sa kanya, pero dedma ang Unkabogable Star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi lang niya, “Sa lahat ng mga tao, sa lahat ng mga madlang pipol na nagmamahal sa akin, araw-araw ko pong ipinagdiriwang ang pagmamahal niyo sa akin, maraming salamat.”

Inintriga pa ang pagpasok ni Heart Evangelista bilang bagong endorser ng McDonalds. Pero pinatunayan ni Vice Ganda na bahagi pa rin siya ng naturang fastfood chain.

Aniya, “At dahil sa pasasalamat ko sa pagmamahal niyo, lahat kayo rito ay ililibre ko sa McDonalds mamaya.

“After Showtime, dederetso tayo sa McDonalds mamaya. Gusto niyo yun?

“Dahil love niyo ako, at love ko kayo, love ko 'to!”

Pagkatapos ng It’s Showtime ay niyaya niya ang audience na mag-McDo na sila katabi ng ABS-CBN.

At any rate, nitong mga nakaraang araw ay kapansin-pansin ang mababang ratings ng It’s Showtime.

Dahil kaya sa wala si Vice Ganda?

Noong August 12, Martes ay 4.4% lang ito at ang Eat Bulaga! ay 3.7%. Noong Miyerkules, August 13 ay 4.6% ang It’s Showtime, at 3.7% pa rin ang Eat Bulaga!.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong Huwebes, August 14 naman ay bahagya pang bumaba sa 4.5% ang It's Showtime at ang Eat Bulaga! ay bumaba rin sa 3.3%.

Tingnan natin itong Sabado, dahil umapir na si Vice Ganda, at grand finals din ng kanilang "Breaking Muse" at "Escort Mo 'To."

Tinapatan iyon ng Eat Bulaga! ng grand finals ng "Gimme 5" ng Dabarkids, at ang "The Clones."

JERRY OLEA

Pasabog ang Super Divas concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda noong Agosto 8 at 9.

Read: Pokwang defends Vice Ganda's mother from Duterte supporters

Sandahutay ang mga na-trigger sa mga payanig at pasiklab ng Unkabogable Superstar.

Kung anu-anong anggulo ang dinalirot, hinimay, inimbento, o pinagkakitaan sa social media.

Fiesta bonanza!

Hindi na kailangang magsalita si Vice. Nasa tugatog siya ng tagumpay, at deserve niyang magpahinga for a while.

Natuloy ang bonding ni Vice with SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) and some vloggers noong Agosto 14, Huwebes ng gabi sa Vice Comedy Bar sa Sct. Albano St., Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Vice Ganda bonding time with SPEEd members and RS Francisco (6th from left).
Vice Ganda bonding time with SPEEd members and RS Francisco (6th from left).
Photo/s: Jerry Olea

Kabilin-bilinan ng publicist na si Chuck Gomez na walang interbyuhan, enjoy-enjoy lang at casual na chikahan.

Si Vice ay isa sa pinarangalang Box Office Heroes sa 8th EDDYS awards ng SPEEd noong Hulyo 20 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Hulyo 23 pa dapat ang bonding na iyon. Paanyaya ni Chuck noong Hulyo 21, bonding dinner chikahan iyon with Vice and RS Francisco.

“From dinner, gusto ni Vice ma-experience ninyo ang Vice Comedy Club at tumawa lang kayo nang tumawa nang malala,” sey ni Chuck.

Matatandaan na sunud-sunod ang bagyo noon. Kaya noong Hulyo 22 ay nagsabi si Chuck: “As per Vice, play by ear daw tayo bukas kasi pina-close muna niya Vice tonight dala ng baha.

“Pag Bahamas pa rin bukas, resked tayo. Ganda will message me if tuloy. We are monitoring the weather now.”

Ipinagpaliban na muna ang bonding ni Vice with SPEEd. Kaya malaking kabalintunaan yung chuwariwap na kesyo “nagsumbong” si Vice sa SPEEd dahil sa mga pamba-bash dito dulot ng mga payugyog nito sa controversial concert.

Hello?! Hindi natinag si Vice! Hindi siya kailangang magsumbong!

Makakapagpatunay riyan ang SPEEd officers and members na present doon, kabilang sina Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa, Tessa Mauricio-Arriola ng The Manila Times, Gerardine Fe Trillana ng Malaya Business Insight, Maricris V. Nicasio ng Hataw, Dondon Sermino ng Abante, at Dinah Ventura ng Daily Tribune.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Present din sina Ervin Santiago ng Bandera, Rohn Romulo ng People’s Balita, Eugene Asis ng People’s Journal, Ian Fariñas ng People’s Tonight, Nestor Cuartero ng Tempo at Manila Bulletin, Neil Ramos ng Tempo, Nathalie Tomada ng Philippine Star, Bobby Requina ng Manila Bulletin, Janiz Navida ng Bulgar, Anna Pingol ng Pika Pika, at ang inyong lingkod.

NOEL FERRER

Tuloy ang buhay kay Vice Ganda at may mga bagong natutunan sa mga nangyari.

Alam naman na niya siguro ang mga sumusuporta sa kanya. I’m sure may mababago, lalo pa’t may pressure lalo na sa isang Senador.

Pero this will just make Vice stronger and wiser.

In the end, the best weapon is always a good work. I’m sure marami pang magagawang maganda at kapaki-pakinabang at masaya si Vice Ganda.

Aabangan natin iyan! At oo, tuloy pa rin ang suporta natin sa McDo anuman ang mangyari!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Nakapagpahinga na ako. Gumagalaw na yung legs ko ulit. Humaba yung tulog ko, nakapagpahinga ako," sabi ni Vice Ganda nang bumalik ito sa "It's Showtime" kanina. Nagpahinga muna si Vice pagkatapos ng kontrobersiyal na "Super Divas" concert nila ni Regine Velasquez noong August 8 at 9, 2025.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results