PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mayor Ina Alegre desididong sampahan ng reklamo si Michole Sorela

"Hustisya para sa aking player." - Mayor Ina Alegre
by PEP Troika
Published Aug 17, 2025
Ina Alegre, Michole Solera
Ipinahayag ni Pola, Oriental Mindoro Mayor at Mindoro Tamaraws owner/manager Ina Alegre (kaliwa) na desidido silang sampahan ng reklamo ang GenSan Warriors basketball player na si Michole Sorela (kanan) dahil sa ginawa nitong pananakit (inset, kaliwa) sa Tamaraws player na si Jonas Tibayan.
PHOTO/S: Jennifer Mindanao Cruz Facebook / @officialgensanwarriors Instagram / Screenshot KaTambay TV

GORGY RULA

Sa Lunes, August 18, 2025, ay isasampa na ng grupong BINI ang reklamo laban sa ilang bloggers.

Hindi sila nagbigay ng detalye kung saan sila magsusumite ng reklamo at kung sinu-sino ang kakasuhan nila.

Bukas din ay dudulog na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang basketbolistang si Jonas Tibayan ng Mindoro Tamaraws ng MPBL o Maharlika Pilipinas Basketball League.

Si Tibayan ang basketbolistang sinapak ng taga-Gensan Warriors na si Michole Sorela.

Ilang araw ring na-confine sa hospital si Tibayan dahil sa malaking pinsala sa kanyang bibig, kung saan nasira ang panga nito at ilang ngipin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng PEP Troika ang may-ari at manager ng Mindoro Tamaraws na si Mayor Ina Alegre ng Pola, Oriental Mindoro.

Kinumpirma niyang ipa-file na nila sa NBI ang reklamong serious physical injury laban kay Sorela.

Tinanong namin si Mayor Ina bakit sa NBI nila isasampa ang reklamo.

“Mas convenient kay Jonas kung dun sa NBI,” pakli ni Mayor Ina o Jennifer Cruz ng Pola, Oriental Mindoro.

Nakalabas na ng hospital si Jonas Tibayan kaya kasama na raw ito sa magsasampa ng reklamo.

“Kasama siya namin, pero hindi pa siya puwede magsalita nang matagal,” sabi pa ni Mayor Ina.

NOEL FERRER

Pursigido si Mayor Alegre at ang buong team ng Mindoro Tamaraws na isampa ang reklamo kahit pinatawan na ng MPBL ng lifetime ban si Michole Sorela.

Sabi ni Mayor Ina, kailangan nilang mabigyan ng hustisya itong nangyari sa kanyang player. Nakakaawa raw si Tibayan dahil hindi pa masasabi kung kailan siya makakabalik sa paglalaro.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tumutulong pa naman daw ito sa pamilya, lalo na’t nasa hospital din daw ang bunsong kapatid nito.

“Ang ipinaglalaban namin dito ay ang hustisya para sa aking player at walang ibang kahit anong agenda para maging isang aral sa lahat, lalo na sa mga gustong maging professional basketball player,” bahagi ng Facebook post ni Mayor Ina.

Mayor Ina Alegre post
Facebook post ni Pola, Oriental Mindoro Mayor Ina Alegre tungkol sa insidente ng pananakit sa player ng kanyang team na Mindoro Tamaraws na si Jonas Tibayan.
Photo/s: Jennifer Mindanao Cruz Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Isa ito sa challenges kay Mayor Ina bilang manager ng isang basketball team na kailangan niyang harapin.

Noong una ay ayaw raw niyang mag-manage ng isang basketball team. Napilitan lang daw siya dahil walang gustong humawak ng Mindoro Tamaraws. Tinanggap na lang daw niya para sa Mindoro, kahit wala naman daw siyang hilig sa larong basketball.

“Never ako nanood ng basketball, e. 'Tapos dun ako napunta. Parang napuwersa ka na lang.

"Ang maganda lang dun, kahit busy ako, Mayor ako at the same time, babae ako.

“Yung mga basketball players natin, they respect me that much, kahit babae ako.

“Yun yung nakuha ko sa players, yung respect nila, sumusunod sila kahit lalaki sila,” pakli ni Mayor Ina Alegre.

Nagpahayag siya ng all-out na suporta sa pinagdaanan ngayon ng kanyang player na si Jonas Tibayan. Kaya baka kakasuhan din niya mismo si Michole Sorela ng Gensan Warriors.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinahayag ni Pola, Oriental Mindoro Mayor at Mindoro Tamaraws owner/manager Ina Alegre (kaliwa) na desidido silang sampahan ng reklamo ang GenSan Warriors basketball player na si Michole Sorela (kanan) dahil sa ginawa nitong pananakit (inset, kaliwa) sa Tamaraws player na si Jonas Tibayan.
PHOTO/S: Jennifer Mindanao Cruz Facebook / @officialgensanwarriors Instagram / Screenshot KaTambay TV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results