JERRY OLEA
Pebrero 2021 nag-umpisang mag-shooting si Direk Adolf Alix Jr. ng pelikulang Kontrabida, kung saan bida si Nora Aunor.
Pumanaw si Nora noong Abril 16, 2025, Miyerkules Santo. Noong nakaraang Mayo 21 ay nag-post ang Ovation Productions ng teaser ng pelikulang Kontrabida.
Sabi ng Ovation Productions: “Finally, on the occasion of her 72nd birthday, the long-awaited unreleased film KONTRABIDA starring the Philippines’ one and only Superstar and National Artist NORA AUNOR.
“Coming to cinemas soon!”
Ang akala ko ay ipapalabas na ang Kontrabida noong Hunyo. Anong petsa na, wala pa tayong nababalitaang playdate nito?!
Kontrabida rin ang title ng action-comedy-drama film na bida sina Rez Cortez, Bembol Roco, at Dindo Arroyo.
Mapapanood na ito worldwide sa iWant umpisa Agosto 19, Martes ng 8:00 PM (PHT).
Gaganap si Rez bilang isang dating action star na gustong makuha ang loob ng kanyang apo.
Ang karakter ni Bembol ay isang dating movie syndicate boss na ngayon ay plantito at wellness advocate.
Si Dindo naman, ang role ay dating real-life kontrabida na naging public servant at ngayon ay panadero na inspirasyon ng kabataan.
Magbabago ang lahat nang madukot sila ng mga rebeldeng tagahanga ng kanilang pagiging kontrabida onscreen.
Idinirek ito ni JR Reyes, at hatid ng iWant at MAVX Productions.
Nasa cast din nito sina Pekto, Tito Abdul, Tito Marsy, Andrew Bongat, Denise Joaquin, Buchoy Ubaldo, Richmond Geraldo, Imy Bantog, at Papa Ahwel.

Samantala, ang Netflix original film na Kontrabida Academy ay mag-i-streaming na sa Setyembre 11.
Tampok dito sina Eugene Domingo, Barbie Forteza, Jameson Blake, Michael de Mesa, Ysabel Ortega, Xyriel Manabat, Carmina Villarroel, at Yasser Marta, sa panulat at direksyon ni Chris Martinez.
Magkakaiba ng kuwento ang Kontrabida ni Nora, Kontrabida nina Rez, Bembol, at Dindo, Kontrabida Academy nina Eugene at Barbie, pati ang My Kontrabida Girl (2012) starring Rhian Ramos and Aljur Abrenica, sa panulat at direksyon ni Jade Castro.
Before Kontrabida Academy, kabilang sa mga pelikulang Pinoy na magne-Netflix streaming ay One Hit Wonder sa Agosto 21 at Seklusyon sa Agosto 28.
Three consecutive days nang nangunguna ang horror movie na Isolated sa listahan ng Top 10 Movies ng Netflix Philippines — mula Agosto 15, Biyernes, hanggang Agosto 17, Linggo.
Tampok sa Isolated sina Yassi Pressman, Joel Torre, Candy Pangilinan, Yayo Aguila, Wilbert Ross, Rafa Siguion-Reyna, TJ Valderrama, Denise Esteban, Gwen Garci, at Andrea Babierra, sa direksyon ni Benedict Mique.
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
- Isolated
- KPop Demon Hunters
- The Last Goodbye
- Dog
- Night Always Comes
- 65
- My Oxford Year
- Home
- Elektra
- The Spiderwick Chronicles

GORGY RULA
Nagkasunud-sunod ang mga kontrabida movie na sinimulan pa ito ng Kontrabida ni Nora, pero hindi pa rin naipalabas hanggang ngayon.
Na-confuse kami nung ginagawa ng MAVX ang Kontrabida nina Bembol, Rez, at Dindo. Akala ko, ito rin yung ginagawa nina Eugene Domingo at Barbie Forteza para sa Netflix.
Ang dami ring kinuhang nagkokontrabida sa Kontrabida Academy para mag-guest. Na-enjoy ni Gladys Reyes ang special participation niya sa pelikulang iyon.
Iba rin pala itong Kontrabida ng tatlong veteran actors na ginawa ng MAVX Productions. Kinumisyon ito sa MAVX para sa iWant na mag-i-streaming na sa August 19.
Siyanga pala, happy na rin ang MAVX sa magandang performance ng pelikula nilang The Last Goodbye na nasa top ten pa rin dito sa atin.
Hindi ito nagpahuli sa ibang bansa, dahil kabilang din ito sa top ten trending sa Qatar, UAE, Bahrain, at Kuwait.
NOEL FERRER
Eleven consecutive days nang namamayagpag ang Wednesday sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines — mula Agosto 7, Huwebes, hanggang Agosto 17, Linggo.
Ang part 2 ng Season 2 ng Wednesday ay mag-i-streaming umpisa Setyembre 3, araw siyempre ng Miyerkules.
“Some secrets refuse to stay buried,” ika nga sa teaser ng American supernatural mystery comedy series na bida si Jenna Ortega.
Ang tanong: Makakabalik pa kaya sa top spot ang It’s Okay To Not Be Okay nina Anne Curtis, Joshua Garcia, at Carlo Aquino?
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- Wednesday
- It’s Okay To Not Be Okay
- Beyond The Bar
- Tougen Anki
- Dan Da Dan
- Only You
- Kaiju No. 8
- Trigger
- Sakamoto Days
- Fit For TV: The Reality of The Biggest Loser