PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

First guesting ng BINI sa All-Out Sundays, tinutukan ng viewers

Vice Ganda, balik-It's Showtime na.
by PEP Troika
Published Aug 18, 2025
bini all-out sundays
Nation's Girl Group BINI pose with Kapuso stars after their debut performance in All-Out Sundays on August 17, 2025.
PHOTO/S: All-Out Sundays Facebook

GORGY RULA

Ang laki ng nagawa ng guesting ng grupong BINI sa All-Out Sundays (AOS) noong Linggo, Agosto 17, 2025, kaya tumaas ang rating nito.

Naka-3.5% ang AOS, samantalang ang katapat nitong ASAP Natin ‘To ay 1.6% lang.

Pinerform ng BINI ang kanilang latest single na "Shagidi" kasama ang ilang Kapuso young artists, kabilang na ang ex-PBB Celebrity Collab Edition housemates na sina Will Ashley at Charlie Fleming.

Mukhang inabangan talaga ng Blooms at iba pang manonood ang BINI sa AOS dahil ang ibang sumunod na programa ng GMA-7 ay dating ratings lang din ang naitala.

Pagkatapos ng AOS ay ang Regal Studio Presents na naka-3.1%. Sumunod ang Resibo na naka-3.4%, at ang FPJ sa GMA naman ay naka-4.4%.

Read: Mayor Ina Alegre desididong sampahan ng reklamo si Michole Sorela ng GenSan Warriors

SUNDAY PRIMETIME RATINGS

Pagdating sa primetime ay namayagpag ang The Clash na malapit-lapit na ang finals.

Simulan muna natin ang 24 Oras na 5.5%, at ang TV Patrol Weekend ay 0.8% lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod ang Bubble Gang na replay kaya 6.6% lang ito. Ewan ko ba bakit nag-replay pa sila, e, pino-promote na nila ang kanilang 30th anniversary.

Ang bongga ng The Clash na naka-9.2%, habang ang katapat nitong Rainbow Rumble ay naka-1.6%.

Pagkatapos ng The Clash ay ang Kapuso Mo, Jessica Soho na 12.7%, at ang The Boobay and Tekla Show (TBATS) ay 3.4%.

Ang latest na narinig namin sa TBATS ay hanggang October na lang ito para ibigay ang timeslot sa Season 2 ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Ang sabi ay season break muna ang TBATS, pero ewan kung matuluyan na ito sa pagkatsugi.

Read: Liza Soberano recalls trauma caused by parents, foster family

NOEL FERRER

Noong Sabado, August 16, bumalik si Vice Ganda sa It’s Showtime.

Naka-5.5% ito, at ang katapat nitong Eat Bulaga! ay 3.8%.

vice ganda it's showtime
Vice Ganda returned to It's Showtime last Saturday, August 16.
Photo/s: It's Showtime Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumunod ang My Father’s Wife na 6%, at ang Tadhana ay 5.6%.

Pagkatapos ng Tadhana ay ang Wish Ko Lang! na 5.1%. At ang Maka na papasok sa bagong season ay 5.2%.

Pagdating sa primetime, ang 24 Oras ay 6.7%, at ang TV Patrol Weekend ay 1%.

Ang Pepito Manaloto ay 8.5%, at ang sumunod na Stars On The Floor ay 8.7%. Sumunod ang Magpakailanman na 8.1%. At ang Daig Kayo ng Lola Ko ay 4.8%.

Read: Running Man cast member Kim Jong Kook announces his marriage

JERRY OLEA

Noong Biyernes, August 15 ay panalo na naman ang Sang’gre laban sa FPJ’s Batang Quiapo.

Tumaas din ang rating ng Sanggang Dikit FR, na hindi nadikitan ng It’s Okay To Not Be Okay.

Simulan muna natin sa mga panghapong programa, kung saan ang It’s Showtime ay 4.8%, at ang Eat Bulaga! ay 3.6%.

Sumunod ang My Father’s Wife na 5.4%, ang Cruz vs. Cruz ay 6.1%, at ang Akusada ay 5.2%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.9%, at ang The Lovely Runner ay 3.6%.

Ang Family Feud ay 8.7%, at ang sumunod na 24 Oras ay 13.9%.

Ang Sang’gre ay 12.7%, at ang Batang Quiapo ay 11.7%.

sang'gre

Ang Sanggang Dikit FR, kung saan ipinakita na ang mga eksena nila sa Europe, ay naka-9.1%. Ang It’s Okay To Not Be Okay ay 4.7%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod ang Amazing Earth na 4.3%, at ang Sins of the Father ay 2.2%.

May naririnig kaming mae-extend ng mahigit 40 episodes ang Sang’gre, pero wala silang kinukumpirma rito.

Posibleng humaba rin ang Sanggang Dikit FR na tuluy-tuloy pa rin ang taping.

Read: Aktres, nagulantang nang malaman ang ginawa ng sariling kapatid

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nation's Girl Group BINI pose with Kapuso stars after their debut performance in All-Out Sundays on August 17, 2025.
PHOTO/S: All-Out Sundays Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results