PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sang'gre umaalagwa sa ratings; ie-extend ng 50 episodes?

Sang'gre cast, pinaghahanda na para sa extension ng taping?
by PEP Troika
Published Aug 20, 2025
sang'gre ratings
Kapuso fantasy series Sang'gre continues its reign in the ratings game. In photo: Sang'gre lead stars Kelvin Miranda, Bianca Umali, Angel Guardian, and Faith Da Silva.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Napag-alaman ng PEP Troika na kinukuha na raw ang schedule ng main cast ng Encantadia Chronicles: Sang’gre para ipagpatuloy ang taping nila.

Maganda na kasi ang performance ng fantasy series na ito ng GMA-7 at consistent nang mataas ang ratings. Bukod pa riyan ay lalong tumataas ang commercial load.

Nitong mga nakaraang araw ay panalo na naman sa ratings ang Sang’gre sa katapat na FPJ’s Batang Quiapo.

Noong Lunes, August 18, 2025, ay 13.3% ang aggregated ratings ng Sang’gre; ang Batang Quiapo ay naka-12%.

Noong Martes, August 19, naman ay 13% ang naitalang rating ng Sang’gre; at ang Batang Quiapo ay 12.8%.

Read: GMA bosses praise Michael V.'s loyalty and creative brilliance

sang'gre ratings
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiyak na nag-iisip na si Coco Martin ng panlaban niya. Puspusan daw ang taping nila ngayon, at abangan natin kung may mga bago silang karakter na papasok.

EXTENDED BY 50 EPISODES?

Ayaw pa rin kaming sagutin ng mga taga-Sang’gre kung totoong buo na ang karugtong na kuwento ng Sang’gre.

Mahaba-haba pa raw ang tatakbuhin nito dahil nagustuhan ng mga manonood. Kung hindi kami nagkamali, baka magdadag pa raw ng halos 50 episodes.

Naiintindihan namin kung wala munang pahayag ang taga-Sang’gre, dahil ayaw nilang palabasing pinahaba lang ang kanilang telefantasya.

Pinag-aaralan nila kung may tatakbuhin pa ang kuwento ng mga Sang’gre. Kaya abangan na lang natin ang kanilang official statement.

Read: Enrique Gil deletes “I love you” comment on Liza Soberano's post

NOEL FERRER

Ang Sanggang Dikit FR ay lalo ring tumataas ang rating, at tila nahihirapan itong tapatan ng It’s Okay To Not Be Okay.

Noong Lunes, August 18, ay umakyat ito sa 9.4%; at ang It’s Okay To Not Be Okay ay 5.4%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong Martes, August 19, ay medyo bumaba ang Sanggang Dikit FR sa 8.9%, pero malaki pa rin ang lamang nito sa It’s Okay To Not Be Okay na naka-5.7%.

sanggang dikit ratings

Tuluy-tuloy ang taping ngayon ng Sanggang Dikit FR at mukhang mahaba-haba pa raw ang tatakbuhin nito.

Wala pa silang ideya kung mae-extend, basta tuloy pa rin daw ang regular taping nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumasok na rin ang character ng Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition Second Big Placer na si Will Ashley.

Read: Pitong pelikula, pagpipilian para maging PH entry sa 98th Oscars

AFTERNOON RATINGS

Sa panghapong mga programa naman, kapansin-pansing hindi na gaanong umaalagwa ang ratings ng It’s Showtime kahit tuluy-tuloy na ang pagpasok ni Vice Ganda.

Noong Lunes, August 18, ay 4.9% ang It’s Showtime; at ang Eat Bulaga! ay 3.7%.

Okay naman ang mga sumusunod na afternoon drama.

Ang My Father’s Wife ay 5.8%. Ang Cruz vs Cruz ay 6.4%, at ang Akusada ay 5.3%.

Noong Martes, August 19, ay 4.8% ang It’s Showtime. Ang Eat Bulaga! naman ay 3.3%.

Pagdating sa afternoon drama ng GMA-7, naka-5.7% ang My Father’s Wife. Ang Cruz vs. Cruz ay 6.2%, at ang Akusada ay 5.8%.

Ang latest na nasagap ng PEP Troika, mae-extend ang Cruz vs. Cruz at ang Akusada.

Read: Nadia Montenegro, masama ang loob sa paglabas sa media ng incident report

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
cruz vs cruz ratings

Walang datos ang streaming platforms, gaya ng YouTube at Facebook, na mas preferred ng maraming viewers lalo na ng mga kabataan.

Samantala, kasado na ang Hating Kapatid ng Legaspi family na baka ipalit daw sa timeslot ng My Father’s Wife.

Pero hindi pa naman na-announce kung hanggang kailan ang airing ng serye nina Kylie Padilla at Gabby Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Sa Netflix Philippines, noong Agosto 6 pa huling nanguna ang It’s Okay To Not Be Okay sa listahan ng Top 10 TV Shows. Hindi pa ito nakabalik sa top spot.

Umariba ang Wednesday mula Agosto 7 hanggang 18.

Kahapon (Agosto 19) at ngayong Miyerkules (Agosto 20) ay ang K-drama series na Beyond the Bar ang topnotcher, at pangalawa ang Wednesday.

Tapos na ang taping ng 80 episodes ng It’s Okay To Not Be Okay na bida sina Joshua Garcia, Anne Curtis, at Carlo Aquino.

NEW SHOWS AND MOVIES FROM ABS-CBN

Limang bagong palabas at dalawang star-studded na pelikula ang handog ng ABS-CBN sa mga manonood sa susunod na mga buwan.

Andiyan ang romance-suspense drama na The Alibi nina Kim Chiu at Paulo Avelino; ang Roja nina Donny Pangilinan at Kyle Echarri; at ang What Lies Beneath nina Charlie Dizon, Jake Cuenca, Janella Salvador, JM De Guzman, Kaila Estrada, at Sue Ramirez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Last year pa ikinuwento ni Jake iyang What Lies Beneath. Inuna munang gawin ni Jake yung FPJ’s Batang Quiapo.

what lies beneath
What Lies Beneath cast: (from left) JM de Guzman, Kaila Estrada, Janella Salvador, and Sue Ramirez

Hatid naman ng Star Cinema ang family drama na Meet, Greet & Bye starring Maricel Soriano, Piolo Pascual, Joshua Garcia, Belle Mariano, and Juan Karlos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Official entry ng ABS-CBN Films sa 2025 Metro Manila Film Festival ang Call Me Mother nina Vice Ganda at Nadine Lustre. Marami ang umaasam na kasama sa cast nito ang ilang taga-PBB Celebrity Collab.

Magbabalik ang reality competition na Your Face Sounds Familiar kasama ang mga bagong host na sina Jhong Hilario at Vhong Navarro, at ang game show na Kapamilya Deal or No Deal na pangungunahan ni Luis Manzano.

abs-cbn new shows
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang inanunsiyo ang mga bagong palabas ng ABS-CBN sa “Iisang Tahanan: Kapamilya Forever” trade series.

Sa naturang event ay nagpugay ang Kapamilya network sa mga partners nito.

May live performances dito sina Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, BINI, BGYO, Darren Espanto, Maymay Entrata, Maki, WRIVE, at marami pang iba.

Nakiisa rin sa selebrasyon ang ilang Kapamilya artists tulad ni Primetime King Coco Martin ng FPJ’s Batang Quiapo; Julia Montes ng Saving Grace; Anne Curtis at Enchong Dee ng It’s Okay To Not Be Okay; at sina Gerald Anderson, Jessy Mendiola, Francine Diaz, at Seth Fedelin ng Sins of the Father.

Dumalo rin ang ilang personalities mula sa ABS-CBN News tulad nina Rico Hizon, Karmina Constantino, Jeff Canoy, MJ Felipe, at iba pa.

Read: Vice Ganda, hindi totoong "nagsumbong" sa entertainment editors

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso fantasy series Sang'gre continues its reign in the ratings game. In photo: Sang'gre lead stars Kelvin Miranda, Bianca Umali, Angel Guardian, and Faith Da Silva.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results