PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hunk actor at tisay na aktres, involved sa rebound romance?

Hunk actor, kumpirmado ang pagkakaugnay noon sa iba't ibang girls.
by PEP Troika
Published Aug 21, 2025
blind item hunk actor tisay na aktres
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA

Rebound romance ba ang namamagitan ngayon sa hunk actor at tisay na aktres?

Kabe-break lang ni Tisay Na Aktres sa kanyang non-showbiz boyfriend, at kahihiwalay lang ni Hunk Actor sa girlfriend na ilang taon niyang karelasyon.

Kapwa single sina Hunk Actor at Tisay Na Aktres nang magkasama sa isang TV program. Ayun, may nag-spark agad sa kanila.

Ewan kung nadala lang sila sa mga eksenang sweet sila sa isa’t isa, kaya tuluyan silang nagkamabutihan.

Ayon sa source ng PEP Troika, nagpaalam si Hunk Actor kay Tisay Na Aktres kung puwede itong manligaw.

Pagkatamis-tamis daw ng ngiti ni Tisay Na Aktres.

Read: Sang'gre umaalagwa sa ratings; ie-extend ng 50 episodes?

NOEL FERRER

Ayun na nga, kapag taping break sa set, nakikitang seryoso ang pag-uusap nina Hunk Actor at Tisay Na Aktres.

Mukhang pursigido si Hunk Actor sa panunuyo.

Minsan ay sabay pa silang dumarating sa set. Sinusundo ni Hunk Actor si Tisay Na Aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ewan kung inihahatid din ni Hunk Actor si Tisay Na Aktres sa pag-uwi.

Nakatulong naman sa trabaho nila iyong maganda nilang pagtitinginan.

Totoo ang sweetness nila sa mga eksena. Tagos sa puso.

Parang applicable sa kanila ang kasabihang, “Water finds its own level.”

Read: Nadia Montenegro, masama ang loob sa paglabas sa media ng incident report

JERRY OLEA

Naulinigan ng PEP Troika na nagngingitngit ang kalooban ng ex-girlfriend ni Hunk Actor.

Bulag-bulagan kasi si Ex-Girlfriend noong sila pa ng papalicious yummylicious niyang irog.

Ngayong hiwalay na sila, ang daming resibong nakarating kay Ex-Girlfriend kaugnay sa bembangan sessions ni Hunk Actor sa iba’t ibang dilag.

Totoo raw nakipagtikiman si Hunk Actor sa kung kani-kanino. Kaya ang concern ng malalapit kay Tisay Na Aktres, sana ay magbago na si Hunk Actor at tigilan ang hilig sa sexy girls.

Fluid dynamics, anyone?

Read: Jhon Mark Marcia anim na beses nagpasilay ng "kadakilaan" sa Walong Libong Piso

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results