JERRY OLEA
Nag-debut sa sixth place ng Top 10 Movies sa Netflix Philippines ang Netflix original na One Hit Wonder starring Sue Ramirez and Khalil Ramos.
Idinirek ito ni Marla Ancheta, na siya ring direktor ng Doll House (2022) nina Baron Geisler at Althea Ruedas; Ikaw (2021) nina Janine Gutierrez, Pepe Herrera, at Pilita Corrales; at Finding Agnes (2020) nina Jelson Bay at Sue Ramirez.
Mas mataas pa sa One Hit Wonder ang ranking ng The Last Goodbye na noong Agosto 12 pa nag-streaming, maging ng Isolated na noong Agosto 14 naman nag-streaming.
Anyare? Kulang sa promo? Salat sa chemistry? Boring ang story? Nega ang title?
Hopefully ay tumaas ang ranking ng One Hit Wonder sa mga susunod na araw.
Read: Will-Bianca-Dustin upcoming movie excites WillCa, DustBia fans

UPCOMING PINOY MOVIES ON NETFLIX
Tatlong Pinoy movies ang kasado nang mag-Netflix streaming soon.
Agosto 28, Huwebes, ang streaming ng MMFF 2016 horror film na Seklusyon, starring Ronnie Alonte, Rhed Bustamante, Neil Ryan Sese, and Dominic Roque.
Setyembre 4 ang streaming ng MMFF 2024 horror film na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, starring Enrique Gil, Alexa Miro, Jane de Leon, and Rob Gomez.

At Setyembre 11 ang streaming ng Kontrabida Academy, starring Barbie Forteza, Eugene Domingo, Jameson Blake, Carmina Villarroel, Ysabel Ortega, Xyriel Manabat, Michael de Mesa, and Yasser Marta.
Ang Top 10 Movies in the Philippines ngayong Agosto 22, 2025 sa Netflix:
- Welcome to Sudden Death
- KPop Demon Hunters
- The Last Goodbye
- Fall for Me
- Isolated
- One Hit Wonder
- Night Always Comes
- Dog
- Scouts Guide to the Zombie Apocalypse
- Taxi
Read: Sang'gre umaalagwa sa ratings; ie-extend ng 50 episodes?
NOEL FERRER
Twelve consecutive days na nanguna ang Wednesday sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines — mula Agosto 7 hanggang 18.
Nang sumunod na dalawang araw, Agosto 19 at 20, pumangalawa na lamang ang American supernatural mystery comedy series ni Jenna Ortega.
Kinabog ito South Korean courtroom drama series nina Lee Jin-wook at Jung Chae-yeon na Beyond The Bar.
Pero kahapon at ngayon, topnotcher muli ang Wednesday.
Yung It’s Okay To Not Be Okay nina Anne Curtis, Joshua Garcia, at Carlo Aqquino ay No. 3 mula Agosto 19 hanggang 22.
TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- Wednesday
- Beyond the Bar
- It’s Okay To Not Be Okay
- I Was Reincarnated as the 7th Prince so I Can Take My Time Perfecting My Magical Ability
- Kaiju No. 8
- Sakamoto Days
- Hostage
- Gachiakuta
- Sword of the Demon Hunter
- Rivers of Fate
Read: FPJ right-hand person Susan Tagle recalls how Da King turned down a blank check
GORGY RULA
Nagulat ako na ang lakas ng dating sa mga kabataan ang The Last Goodbye kaya hindi ito nalalaglag sa Top 10 Trending Movies sa Netflix.
Ang anak kong CommArts student ay in-assign daw ng professor nilang panoorin ang pelikulang ito.
Pati ang ilang taga-Sparkle ay pinu-promote ang The Last Goodbye sa kanilang social media account bilang suporta kay Matt Lozano.
Congratulations sa Mavx Productions na nag-celebrate ng kanilang 7th anniversary.

Kahapon, Huwebes, nagsimula ang One Hit Wonder nina Sue Ramirez at Khalil Ramos, kaya kaagad kong pinanood. Pero at this writing ay hindi ko pa natapos.
May bagot factor kasi sa simula kaya hindi ko matapus-tapos. Pipilitin kong tapusin na sana maganda ang ending nito. Magaling pa naman sina Sue at Khalil.
Mas na-hook pa ako sa German film na Fall For Me na sa Spain kinunan ang kabuuan ng pelikula. Medyo ka-cheapan ang kuwento pero makaka-relate dito ang mga Pinoy.
Hindi maganda ang reviews pero gusto ko pa rin panoorin dahil sa ganda ng visuals at magaganda sila tingnan. Natapos ko ng isang upuan ang pelikula.
Samantala, nanatiling nasa Top 10 TV Shows pa rin ang seryeng It’s Okay To Not Be Okay, pero hindi gaanong umpeepek sa free TV.
Sa palagay ko, hindi maka-relate ang ibang mga manonood sa kuwento nito na parang mas okay lang siya sa streaming. TUDUM!
GLOBAL TOP 10 MOVIES ON NETFLIX
Mula sa website mismo ng Netflix, ang Global Top 10 Movies for the week August 11-17, 2025:
- KPop Demon Hunters
- Night Always Comes
- My Oxford Year
- Happy Gilmore 2
- Home
- Megamind 7
- Elektra
- Kandahar
- Fixed
- Despicable Me 2
Naka-post din sa Netflix website ang Top 10 Movies at Top 10 Shows sa iba’t ibang bansa sa bawat linggo, English man o Non-English.
Andoon din ang Top 10 lists for All Time, na ang basehan ay ang first 91 days of release.
Siguradong kakabugin ng KPop Demon Hunters ang kasalukuyang No. 1 sa Top 10 Most Popular Movies (Global, All Time) na Red Notice.
Ang nasabing 2021 action-comedy nina Dwayne Johnson, Gal Gadot, at Ryan Reynolds ay naka-230.9M views sa first 90 days.
Yung KPop Demon Hunters ay Hunyo 20, 2025 nag-umpisang mag-streaming. Naka-two months pa lang ito.

As of now ay No. 2 ang animated film na KPop Demon Hunters sa Top 10 Most Popular Movies (Global, All Time) with 210.5M views.
Noong Hulyo 29 ini-announce ng Netflix na itong KPop Demon Hunters ang “most watched original animated film of all time” sa kanilang platform.
Agosto 5 ito pumuwesto sa No. 4 ng Top 10 Most Popular Movies (Global, All Time), at Agosto 12 naging No. 2.
Read: FDCP Chair Joey Reyes, nasorpresa sa lakas sa takilya ng Sunshine at Lasting Moments
