GORGY RULA
Ngayong inamin na ni Jeric Raval ang pagkakaroon nito ng apo sa anak na si AJ Raval at partner nitong si Aljur Abrenica, binalikan ko ang nakaraang interview ko kay Kylie Padilla.
Na-interview namin si Kylie sa look test nila ni Albert Martinez para sa pelikulang The Lotto Winner ng Mavx Productions noong May 2025.
Napag-usapan namin ni Kylie ang co-parenting nila ni Aljur sa dalawa nilang anak, at sinabi niyang mas okay sila ngayon.
Diretsahan ko siyang tinanong kung okay ba ang mga anak niya sa mga kapatid nito kina Aljur at AJ.
Napamulagat si Kylie at akmang hahampasin ako.
“Hindi ko alam yan…” natatawa niyang sagot sa akin.
“Basta okay sila. Nilalagay mo pa ako sa… anyway. Basta okay sila,” sabi pa ni Kylie.
Read: Kylie Padilla clueless sa "anak" nina Aljur Abrenica at AJ Raval
KYLIE PADILLA CAREFUL ABOUT ALJUR-AJ ISSUE
Pagkatapos ng interview ay tinanong pa ako ni Kylie kung meron ba siyang nasabi tungkol sa napabalitang anak ng mag-partner na Aljur at AJ.
Naintindihan naman namin si Kylie na maingat siya sa isyung yan na manggaling pa sa kanya.
Masaya naman si Kylie kina Aljur at AJ dahil nakikita naman daw niyang masaya ang nakahiwalayang asawa.
“Balita ko naman na maalaga din naman si AJ, so happy ako dun,” maingat na sagot ni Kylie sa akin.
Sa ngayon ay hindi pa namin nahihingan ng reaksiyon si Kylie sa rebelasyong ito ni Jeric Raval.
Ang isa sa nai-post niya kamakailan ay kasama niya si Aljur at ang dalawa nilang anak na nanood ng circus.
Nag-comment pa nga si Mariel Rodriguez-Padilla ng "Happy for the kids.”
Sinagot siya ni Kylie ng “me tooo [in love emoji].”
Read: Jeric Raval, inaming dalawa na ang apo kina AJ Raval at Aljur Abrenica
View this post on Instagram
NOEL FERRER
At least, nagpakatotoo na si Jeric Raval sa rebelasyon niyang dalawa na ang anak nina AJ Raval at Aljur Abrenica.
Hindi ko lang alam kung ano ang say dito ni AJ — na mas it’s her story to tell. Pero mukhang all is well naman.
Ano na kaya ang ganap ni AJ ngayon?
Si Aljur, ang last na narinig natin about him ay yung hindi niya pagpo-promote ng pelikula niyang Wild Boys.
Bakit ba hindi siya nag-promote? Nabayaran na ba siya para roon?
MAMAY DOMINATES FAMAS AWARDS 2025
At si Jeric, congratulations at siya ang pinaboran ng FAMAS 2025 na maging Best Supporting Actor para sa Mamay.
Sa usaping Vico-Korina-Julius, naungkat ang pagiging “sponsor” ng Mamay sa FAMAS Awards mismo.
Sampu ang nakuhang nominasyon ng Mamay sa FAMAS 2025, at lima rito ang kanilang napanalunan.
Ano kaya ang masasabi ng PEPsters doon?
Read: 73rd FAMAS: Marian, Vice, Arjo, Nadine, Jeric win top acting honors
Tuloy, after the FAMAS noong Friday and before the PMPC Star Awards for TV tonight, pinost at pinapa-share ng direktor na si Benedict Mique ito:
“Yung gigising ka sa umaga at masisilayan mo ay puro Budol. Kawawang Pilipinas.
“Corrupt Politicians.
“Corrupt Journalists.
“Corrupt award giving bodies.
“Corruption is systemic at kasama kayo diyan. Pero sarili niyo lang niloloko niyo, alam ng mga tao ang totoo. Buti na lang may mga
“Vico Sotto
“Mayor Magalong
“Leni Robredo
“Na pwede mo pang kapitan ng pag-asa. Lalaban tayo!
“Please Share!”
JERRY OLEA
What else is new?
Marami nang aktres ang nabuntis at nanganak na nag-deny, at natagalan bago umamin ng katotohanan.
Ang tumatak sa akin na nagsabi agad na totoong nabuntis siya at nagluwal ng sanggol ay si Denise Laurel.
Pero marami ang may kung anu-anong eme at char ang kampo nang matsismis na nagdadalantao.
Siyempre, meron ding aminado pero ipinakiusap na huwag na lang pangalanan ang na-blind item, huwag nang palakihin, at kung puwede ay huwag nang pag-usapan.
Hindi na tayo nagtaka na iniwan ni AJ Raval ang pagiging Vivamax (VMX) Queen at minabuting ituon ang pansin sa mga supling nila ni Aljur Abrenica.
ALJUR ABRENICA SKIPS WILD BOYS PROMO, ATTENDS SINAG MAYNILA LAUNCH
Wala nang oras para mag-promote sina Aljur at Vin Abrenica ng Wild Boys na nag-showing sa local cinemas noong Agosto 13.
Kung tutuusin, ang pinakaimportanteng karakter sa nasabing movie ay si Inday Garutay.
Kahit tanggalin sina Vin at Aljur sa Wild Boys ay buo ang kuwento. Si Inday Garutay ang nagtatahi ng narrative niyon.
In fairness kay Aljur, dumalo siya sa media launch ng Sinag Maynila 2025 independent film festival noong Agosto 20, Miyerkules, sa Cinema 12 ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.
Lead actor si Aljur sa horror movie na Jeongbu, na isa sa limang full-length features sa 7th edition ng Sinag Maynila na gaganapin sa Setyembre 24-30, 2025.
Ayon sa direktor ng Jeongbu na si Topel Lee, kailangang umalis agad si Aljur dahil may taping pa ito sa FPJ’s Batang Quiapo.
Read: Wild Boys producers on "tragic experience" with Abrenica brothers
