PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Juan Paulo Calma, may panibagong hamon sa bagong stage play

Juan Paulo, kayang makipaghalikan sa kapwa lalaki sa play pero hindi sa movie.
by PEP Troika
Published Aug 25, 2025
juan paulo calma ang baklang nangarap maging ricky lee
Juan Paulo Calma on starring in the new stage play Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee: “Sa play, OK lang po sa akin na makipaghalikan sa kapwa lalaki. Pero sa movie, hindi ko po masasabi. Kasi mas… ayun, in the future, mapapanood ako ng kung sino man yung… di ba, magkakaanak ako, and everything na ano. Ayoko siguro siyang makita ng anak ko kung sakaling ano. Ayun lang. Sa play, gagawin natin, laban lang!”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Kabilang si Juan Paulo Calma sa cast ng dulang Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee, na itatanghal sa Nobyembre 14, 15, 21, at 22, 2025 sa Teatrino ng Promenade, Greenhills, San Juan City.

Sa Teatrino rin ipinalabas ang psychological play na Walong Libong Piso, kung saan nagbida si Juan Paulo sa pagtatanghal noong nakaraang Agosto 8 at 15.

Ka-alternate ni Juan Paulo sa dulang Walong Libong Piso sina Paolo Gumabao, Jhon Mark Marcia, at Drei Arias.

Read: Walong Libong Piso actors, kanya-kanyang frontal nudity pasabog

Nag-frontal nudity si Juan Paulo sa dalawang performance niya sa Walong Libong Piso na isinulat at idinirek ni Dante Balboa.

Handa muling mag-frontal si Juan Paulo sa Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee, sa direksyon ni Alejandro “Bong” Ramos.

Take note na si Direk Bong ang nagdirek ng mga pelikulang La Traidora at Buskay.

Sa isa pang movie ni Juan Paulo kung saan nagpakita rin siya ng private part, associate director naman si Direk Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito iyong Ang Bangkay na isinulat, idinirek, at pinagbidahan ni Atty. Vince Tañada.

Kasama rin sa cast ng Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee si Direk Dante Balboa, maging ang co-star ni Juan Paulo sa La Traidora na si Joni McNab.

JUAN PAULO CALMA TAKES ON ANOTHER CHALLENGE

“Another challenge sa akin ito ngayon,” sambit ni Juan Paulo sa exclusive interview ng PEP Troika matapos ang table reading noong Agosto 24, Linggo ng gabi, sa office ng AQ Prime sa Victoria Sports Tower, EDSA, Brgy. South Triangle, Quezon City.

“Dahil play na naman, madugo na naman na pagmememorya ng script po…

“Saka first time ko po na may makakaeksena sa stage play. Kasi yun pong first stage play ko, yung debut ko, mag-isa lang po ako sa stage.

“Ngayon, ang challenge sa akin dito ay maging sakto ang connection ko sa mga kaeksena.”

Sa mga pelikula ay kung sinu-sino na ang nakaharutan ni Juan Paulo. First time niyang makikipaglampungan sa entablado.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kahit papaano naman, medyo comfortable na naman kami sa isa’t isa. Kasi naka-work ko na po si Joni McNab sa La Traidora.”

Sa pelikulang La Traidora ay may eksenang hinada ang karakter ni Juan Paulo ng baklang movie director na ginampanan ni Brylle Mondejar.

Dito sa Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee, ready ba siya kung sakali na makipag-lips-to-lips sa kapwa lalaki?

Napangiti si Juan Paulo, “Ayun nga po. Siguro, hindi ko pa masyadong ano, pero yun, laban kung sakali!

“Sa movies ko po, wala pa po akong naka-kissing scene na lalaki. Dito po sa stage play, ang challenge sa akin dito, humalik ng isang lalaki, potek!

“Sa play, OK lang po sa akin na makipaghalikan sa kapwa lalaki. Pero sa movie, hindi ko po masasabi.

“Kasi mas… ayun, in the future, mapapanood ako ng kung sino man yung… di ba, magkakaanak ako, and everything na ano.

“Ayoko siguro siyang makita ng anak ko kung sakaling ano. Ayun lang. Sa play, gagawin natin, laban lang!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyangapala, nangunguna ngayon sa Top 10 ng VMX (dating Vivamax) ang pelikulang 69, kung saan kasama si Juan Paulo.

Co-stars niya sa 69 sina Aliyah Raymundo, Ashley Lopez, Queenie de Mesa, Mhack Morales, at Paula Santos, sa direksiyon ni Rodante Pajemna Jr.

Read: Kylie Padilla, maingat sa pagsagot tungkol sa mga anak nina Aljur at AJ

69 poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nasa cast din ng Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee sina Andres Vasquez, Julian Roxas, Bernard Laxa, Alpie Ragmac, Edwin Serrano, Alfe Alabastro, Mika Mendez, Ricjun Aguilera, Mark Monares, at Gerald Balbacera.

ang baklang nangarap maging ricky lee cast
From left: Gerald Balbacera, Andres Vasquez, Juan Paulo Calma, and Alfe Alabastro
Photo/s: Jerry Olea

Hindi na bago kay Andres ang pagpapa-sexy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga mapangahas siyang eksena sa pinagbidahang Cinemalaya 2018 entry na The Look Out, sa direksyon ni Afi Africa.

Nasa cast din ng The Look Out sina Jay Garcia, Elle Ramirez, Yayo Aguila, Rez Cortez, Efren Reyes, Alvin Fortuna, Jeffrey Santos, Benedict Campos, at Lharby Policarpio.

Palaban din si Andres sa sex-comedy play na Solo Para Adultos (For Adults Only) na unang itinanghal noong Oktubre 20, 2017 sa Music Museum, na halos katapat ng Teatrino.

Si Alejandro “Bong” Ramos din ang direktor ng Solo Para Adultos (For Adults Only), kung saan tampok din sina April “Congrats” Gustillo, Vivo Ouano, Tori Garcia, John Raspado, Brylle Mondejar, Mosang, at si Abet Raz, na katuwang ni Direk Bong sa pagbuo ng script ng Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee.

Read: Alden, Rhian, Joshua wagi sa 37th Star Awards for Television

ANDRES VASQUEZ

Ano ang pakiramdam niya sa table reading ng bagong play, lalo pa’t nag-a-unfold ang twists and turns ng kuwento?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre excited! Tsaka ang ganda ng story. Malalim siya, pero I think, mabibigyan ng magandang execution pagdating sa stage,” pahayag ni Andres.

“Matutuwa ang audience sa pagiging daring ng play. Comedy rin siya, at saka siyempre, hindi lang nagtatapos sa daring, sa comedy.

“May aral siya, lalo na sa mga aspiring writers.”

Kaya ba niyang maging bolder sa Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee compared sa Solo Para Adultos?

andres vasquez
Andres Vasquez starred in the stageplay Solo Para Adultos in 2017.
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis na tugon ni Andres, “Yes! Kayang-kaya iyan hanggang kaya, kung ano ang hihilingin ng direktor, ng production.”

Mas nae-enjoy ba niya ang paglabas sa teatro kesa sa pelikula o telebisyon?

“Siguro, kasi 2008 pa lang, nagte-theater na ako. Nag-start ako sa theater bago ako mag-mainstream,” sabi ni Andres.

“So parang oo, mahal ko na talaga ang pagteteatro. Dito rin kasi ako namulat umarte at kung anu-ano pa.

“Then siguro, mas nae-enjoy ko yung teatro pero OK din naman yung sa film, sa TV. Nag-e-enjoy lang talaga ako sa theater.”

Paano niya paghahandaan physically ang pagganap sa Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee?

“Siyempre magwo-workout ako. Kasi, tumaba ako, e! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Andres.

“Ayun, workout, diet. Last month, ang timbang ko is 85 kilograms. Ngayon, ano na lang siya, 76. Magbabawas pa. Kailangan, e!”

Ok naman at aktibo’t buhay ang sining ng teatro — pero bagama’t aware ang ating National Artist sa proyektong ito, nabasa na kaya niya ang kabuuan ng dula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana naman!

Read: Emma Mary Tiglao crowned Miss Grand Philippines 2025

GORGY RULA

Magre-react kaya si National Artist Ricky Lee considering na ang pangalan niya ay nasa title ng sex-comedy play na ididirek ni Alejandro “Bong” Ramos?

bong ramos
Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee director Bong Ramos
Photo/s: Jerry Olea

“Ipinaalam naman natin. Bago natin gamitin yung title, ipinaalam naman natin,” sabi ni Direk Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Natuwa naman siya. Kasi, di ba… in the first place, wala naman siyang gagawin sa play. Gagamitin lang yung name niya.”

Tribute kay Sir Ricky ang dula. Ang ilang karakter at aklat ni Sir Ricky ay bahagi ng kuwento.

“Siyempre naging student naman ako ni Ricky Lee. Mga second batch ako ng workshoppers niya, e,” sey ni Direk Bong.

“Noong ‘80s pa yun. Mga ka-batch ko pa noon, sina Lav Diaz. So, ipinaalam ko na gagamitin ko iyong ibang ano niya sa libro.

“At nasa title siya.”

Maging ang structure ng dulang Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee ay may bahid ng nobela ni Sir Ricky na Para Kay B.

May rerun ang stage adaptation ng Para Kay B sa Setyembre 12-28, 2025 sa The Doreen Black Box Theater ng Ateneo de Manila University, Katipunan Ave., Quezon City.

Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juan Paulo Calma on starring in the new stage play Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee: “Sa play, OK lang po sa akin na makipaghalikan sa kapwa lalaki. Pero sa movie, hindi ko po masasabi. Kasi mas… ayun, in the future, mapapanood ako ng kung sino man yung… di ba, magkakaanak ako, and everything na ano. Ayoko siguro siyang makita ng anak ko kung sakaling ano. Ayun lang. Sa play, gagawin natin, laban lang!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results