GORGY RULA
Ilang beses nang may nagtanong sa akin kung totoo ang nabasa nilang balita sa Internet tungkol sa mga kilalang artista.
Lagi ko silang sinasabihang huwag pansinin o buksan ang blog na nakakagimbal ang title dahil tiyak na hindi totoo yun.
Nakakapagngitngit pero talo ka kung papatulan mo ito.
Pero hindi mapigilan ng ilang artistang patulan ito at i-post sa kanilang social media account na fake ang ikinakalat na balita.
Read: Emma Mary Tiglao crowned Miss Grand Philippines 2025
POKWANG WARNS PUBLIC AGAINST FAKE POST ABOUT PAULEEN LUNA
Kagaya nitong umaga ng Lunes, August 25, 2025, hindi napigilan ni Pokwang na i-post sa kanyang social media account ang nakita niyang post tungkol kay Pauleen Luna at anak nitong si Tali.
Sabi ni Pokwang tungkol sa kumakalat na post: “FAKE NEWS!!! Grabe na mga tao sa socmed mga wala kayong magawa makakarma din kayo sa mga ugali nyo!
"Never ko tinawag na Mam Pauleen si Poleng kaloka! Pero mas malala yung mga nag share at nanghusga agad!”
Sinubukan kong hingan ng reaksyon si Pauleen, pero ayaw na raw niya itong patulan.
OUTRAGEOUS FAKE NEWS ABOUT CELEBS
Kamakailan lang ay nag-react din si Derek Ramsay sa mga kumakalat na hindi magandang balita tungkol sa kanila ni Ellen Adarna.
Akala ng iba ay talagang may problema ang mag-asawa dahil nasa Indonesia ang aktor at nagte-training.
Pero ang tindi ng mga fake news tungkol sa kanila na umabot na raw sa pirmahan ng annulment papers.
Meron ding kumakalat tungkol kay Maris Racal na inamin na raw ang namamagitan sa kanila ni Daniel Padilla.
Akala mo talaga totoo ang nagkakalat ng ganitong fake news. Kaya huwag basta-basta maniwala.
Kami dito sa PEP ay maingat sa pagpatol sa mga kumakalat na balita online.
Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews
JERRY OLEA
Kahit ang ibang artista ay nagre-repost ng fake news. Hindi nila bine-verify muna.
Halimbawa, pinost noon ng isang character actor na kesyo pumanaw na si Dante Rivero.
Nagtanung-tanong tayo sa kinauukulan kaya natanto agad natin na huwad iyon.
Kabilang din sa paboritong subject ng fake news peddlers si Kris Aquino.
Sandahutay ang mga hinayupak na mahuhusay mag-Nanette Inventor ng clickbait na chika. Pinagkakakitaan nila!
Kaya kung hindi credible ang source, huwag tayong basta-basta maniwala… lalo pa’t umaariba na ang AI o artificial intelligence.
Naglipana ang AI-generated images and videos.
Ayun nga’t ang ganda ng pagkakagawa ng mga litrato kung saan magkayakap ang dalawang kilalang aktor na ang dating ay bebu o bembang buddies!
Di ba, Humbadings?!
NOEL FERRER
Meron ding ganyan ang talent kong si Joross Gamboa na sinabing nagka-stroke at mag-a-undergo ng brain surgery.
Ang daling sabihing palampasin na lang…. pero nagiging gawi na ng marami yan.
Ang sabi nga ni Joross, “Oo nga, dami nag memessage sa akin akala napaano ako, di pa naman nila napapanood video. Hahaha si ate din eh noh makapagpatrending lang…”
Kailangan ding i-call out ang mga ganitong mga nilalang, di ba?
Read: Korina Sanchez camp slams Mayor Vico Sotto's "slanderous" FB post
