PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The Clash at Idol Kids, parehong mataas ang ratings

Kapuso Mo, Jessica Soho tumaas; Rated Korina bumaba.
by PEP Troika
Published Aug 26, 2025
the clash idol kids
(Top) The top five finalists of The Clash 2025; (bottom) the semifinalists of Idol Kids PH.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Hilig talaga ng televiewers ang singing competition kaya hindi sumasabit ang The Clash — consistent itong mataas ang ratings sa free TV.

Kahit yung mga nakaraang season ay magaganda rin ang ratings.

Okay rin ang rating ngayon ng The Clash 2025, lalo na't malapit na ang finals.

Noong Linggo, August 24, 2025, ay naka-10.2% ito.

Read: Alden, Rhian, Joshua wagi sa 37th Star Awards for Television

the clash top 5
The Clash 2025 Top 5: (from left) Juary Sabith, Vilmark Viray, Arabelle Dela Cruz, Jong Madaliday, and Liafer Deloso.
Photo/s: The Clash Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo bumaba naman ang katapat nitong Idol Kids Philippines na naka-3.6%.

Sa totoo lang, mataas pa rin ang nakukuhang ratings ng Idol Kids kahit malakas ang katapat nitong programa sa GMA-7.

Kahit noong Sabado, August 23, ay naka-4.4% ang Idol Kids.

the idol kids
Idol Kids announces the contestants who will move to the next round.
Photo/s: Idol Philippines Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang katapat ng Idol Kids na Stars on The Floor ng GMA-7 ay naka-8.6%.

Pagkatapos ng finals ng The Clash ay ang The Voice Kids na ang ipapalit. Tingnan natin kung mataas din ang ratings nito.

Read: Lacson, Magalong bare kickback scheme in anomalous DPWH deals

SUNDAY RATINGS

Mataas ang viewing level noong Linggo na sinimulan ng All-Out Sundays na naka-3.2%. Ang ASAP Natin ‘To ay 2%.

Ang Regal Studio Presents ay 3.4%, at ang sumusunod na Resibo ay 3.6%.

Ang bongga rin ng FPJ sa GMA na naka-5.3%.

Pagdating sa primetime ay 8.1% ang 24 Oras Weekend, at ang katapat na Frontline Pilipinas at TV Patrol Weekend ay parehong 0.8%.

Sumunod ang Bubble Gang na naka-7.3%, at ang Rainbow Rumble ay 2.2%.

Tumaas ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-15.3%, at bumaba naman ang Rated Korina na naka-1.8%.

Naapektuhan kaya ito ng isyung kinakaharap ni Korina Sanchez?

Read: Emma Mary Tiglao crowned Miss Grand Philippines 2025

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Holiday noong Lunes, August 25, kaya maganda ang ratings ng mga programa noong araw na yun. Ang laki ng itinaas ng viewing level.

Ang It’s Showtime ay naka-5.6%, at ang Eat Bulaga! ay 3.8%.

Ang My Father’s Wife ay 6.4%. Sumunod ang Cruz vs. Cruz na naka-7.2%, at ang Akusada ay 6.7%.

ajusada ratings
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.5%.

Ang pilot episode naman ng Ordinary Day ay naka-2.7%.

Sumunod ang Family Feud na 8.4%, at dito tumapat ang Frontline Pilipinas na 2.1%.

Sa primetime naman ay naka-14.2% ang 24 Oras, ang TV Patrol ay 3.1%; at ang Seducing Drake Palma sa TV5 ay 1.5%, at 2.4% naman ang Totoy Bato.

Ang Sang’gre ay 13.1%, at ang Batang Quiapo ay 12.1%.

Ang Sanggang Dikit FR ay 9.1%, at ang It’s Okay To Not Be Okay ay 5.7%.

Read: Bea Borres admits she once attempted to have an abortion

sanggang dikit
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Naaliw o nakiliti ang mga inday badidang at manang badiday kung sino ang napiling gumanap bilang daddy ni Egay “Pierre” Angeles (Johannes Rissler) sa FPJ’s Batang Quiapo — si Lloyd Samartino.

Tinuhog pala ni Mayor Roberto Guerrero (Albert Martinez) ang mag-ama.

E, di ba, noong kabataan nina Lloyd at Albert ay na-link sila? Noon pa ito pinabulaanan ni Lloyd, at tinatawanan na lang. Tapos ngayon, may ganitong eme.

batang quiapo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At any rate, umaariba pa rin ang FPJ’s Batang Quiapo sa concurrent views sa YouTube.

Mukhang bilang na ang maliligayang araw ni Egay, ano?!

Abang-abang tayo sa pag-entra ni Aljur Abrenica sa teleserye ni Coco Martin.

Tingnan din natin kung sa mga susunod na linggo ay mas raratsada pa ang Kapuso Mo, Jessica Soho, at kung ano ang kahihinatnan ng mga programa nina Julius Babao at Korina Sanchez.

Sino pa kaya ang babahain ng suwerte?

Read: Julius Babao "on leave" sa primetime news program ng TV5 sa gitna ng isyu

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) The top five finalists of The Clash 2025; (bottom) the semifinalists of Idol Kids PH.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results