PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julian Roxas, handang maging bold and daring sa stage play?

Fitness coach Julian Roxas, handang magtalop sa stage play
by PEP Troika
Published Aug 27, 2025
julian roxas ang baklang nanagrap maging ricky lee
Julian Roxas on starring in the stage play Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee: "Actually, more than hubad, I like the story kasi. Actually, yung kuwento nga, puwedeng pampelikula, sa totoo lang. Parang siguro, in the middle, or three-fourths, sabi ko, ‘Parang hindi siya stage play. Para siyang pelikula.’ So, parang naging comfortable ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

JERRY OLEA

Nakalabas na ang fitness coach na si Julian Roxas sa stage plays na Ang Prinsipe at ang Pulubi, at Baby B.

First time niyang maging mapangahas sa entablado ay sa sex-comedy play na Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee, na itatanghal sa Nobyembre 14, 15, 21, at 22, 2025 sa Teatrino ng Promenade, Greenhills, San Juan City.

Sa pelikula, maliban sa pagtatalop ay nakipaglampungan si Julian kay Gio Gahol sa Pwede G, Pwede B (2024) na nag-streaming sa VMX Plus at Viva One.

Handa na ba siyang maging bold and daring sa stage play na may live audience?

Read: Vico Sotto explains need to call out journalists on Discaya issue

“Parang mga 90 percent, oo,” napangiting sambit ni Julian sa exclusive chikahan with PEP Troika noong Agosto 24, Linggo, sa office ng AQ Prime sa Victoria Sports Tower, EDSA, Brgy. South Triangle, Quezon City.

“Parang ganoon na din iyon… OK lang naman. Actually, more than hubad, I like the story kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, yung kuwento nga, puwedeng pampelikula, sa totoo lang. Parang siguro, in the middle, or three-fourths, sabi ko, ‘Parang hindi siya stage play. Para siyang pelikula.’

“So, parang naging comfortable ako,” sey pa ni Julian, na nakasama sa Kapamilya teleseryeng Incognito.

ANG BAKLANG NANGARAP MAGING RICKY LEE

Itong Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee ang unang stage play na prinodyus ni G. Ivan Sta. Ana para sa La FilmAna Media and Productions.

Ididirek ito ni Alejandro “Bong” Ramos, na katuwang si Abet Raz sa pagbuo ng script.

Nasa cast din ng dula sina Andres Vasquez, Juan Paulo Calma, Joni McNab, Alfe Alabastro, Dante Balboa, Mika Mendez, Bernard Laxa, Alpie Ragmac, Edwin Serrano, Ricjun Aguilera, Mark Monares, at Gerald Balbacera.

Read: Juan Paulo Calma, may panibagong hamon sa bagong stage play

ang baklang nangarap maging ricky lee cast and staff
The cast and production staff of the stage play Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

First time makatrabaho ni Julian Roxas ang direktor ng dula na si Alejandro “Bong” Ramos.

Ang co-stars dito na sina Joni McNab at Mika Mendez ay nakatrabaho na raw niya, pero secret iyon.

“Download niyo na yan, joke lang! Kailangan niyong hanapin!” natatawang bulalas ni Julian.

Hanggang saan ang kaya niyang gawin sa entablado?

“Well, sa film, parang no restriction naman,” sey ni Julian, na hindi pa naman nag-frontal nudity sa pelikula.

“Tingnan po natin. Kasi, iba kasi siya. Live, no. There’s people around you. Pero let’s see. I really like the story, e.

“OK yung kuwento. I feel like it will promote human good. So, parang OK sa akin pag ganoon.”

Habang nare-reveal ang twists and turns sa table reading ng Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee, ano pa ang na-realize niya kaugnay sa dula?

“Well, aside from ang ganda ng twists and turns and yung mga biglang susulpot na ideas, siguro it’s a topic na it should be talked about,” saad ni Julian.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Dapat i-normalize na ang mga ganyan. Kasi, di ba, it’s happening na, e. So, dapat nating i-address iyong mga issues na yan.”

Keri ba niyang makipag-kissing scene sa kapwa lalaki? After all, nagawa na niya iyon sa pelikula.

“Mukhang mapapa-oo ako. Let’s see, let’s see.”

E, kung i-request o i-require na mag-frontal nudity siya sa entablado?

“Siguro kailangan akong pilitin!”

Pero ang punto ko noong una pa lang — sana ipinabasa sa ating Pambansang Alagad ng Sining na si Ricky Lee ang buong script.

Para hindi lang gagamitin ang kanyang pangalan kundi para mapanatiling may paggalang at pagpaparangal sa kanyang kahusayan at kabutihan… at kasayahan na rin!

Read: Josh Mojica faces backlash after calling "bilyonaryo" post fake news

GORGY RULA

Sa casting call pa lang ng sex-comedy play na Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee, meron nang note na, “Applicants must be willing to do daring scenes on stage.”

Sa call back noong Linggo, bago ang table reading ay inulit ni Direk Alejandro “Bong” Ramos sa mga artista na may mga eksena ng hubaran sa dula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
bong ramos
Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee director Bong Ramos
Photo/s: Jerry Olea

“Palaban naman sila, e, sabi nila. We orient them kung ano ang mga gagawin nila,” pahayag ni Direk Bong.

“Sa audition pa lang, in-explain na namin kung gaano ka-daring yon. Saka we ask them kung hanggang saan iyong kaya nilang gawin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meron bang handang mag-frontal nudity, lalaki man o babae?

“Sa lalaki, oo, may mga willing. Pero I’ve worked with Joni [McNab] na and Juan Paulo [Calma] sa La Traidora, kaya alam nila kung paano ako magtrabaho when it comes to sexy scenes,” sabi ni Direk Bong.

Si Andres Vasquez ay naidirek niya sa stage play na Solo Para Adultos (2017) na isa ring sex comedy. Mas magiging mapangahas daw ngayon si Andres.

This time, kinuha pa ni Direk Bong na artista ang writer-director ng psychological play na Walong Libong Piso, si Dante Balboa.

“Kasi gusto raw niyang umarte. Actually noong nabasa niya yung script, nagsabi na siya na gusto niyang umarte,” pagsisiwalat ni Direk Bong.

Read: Lacson, Magalong bare kickback scheme in anomalous DPWH deals

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julian Roxas on starring in the stage play Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee: "Actually, more than hubad, I like the story kasi. Actually, yung kuwento nga, puwedeng pampelikula, sa totoo lang. Parang siguro, in the middle, or three-fourths, sabi ko, ‘Parang hindi siya stage play. Para siyang pelikula.’ So, parang naging comfortable ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results