GORGY RULA
Hindi pa rin tumitigil ang ilang netizens sa kanilang espekulasyong hiwalay na umano ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna.
Ito ay sa kabila ng pagtanggi ni Derek at maging ng mga taong malapit sa kanila.
Ayon sa nag-uusisang netizens, bakit hindi raw nagku-comment si Ellen sa mga ipinu-post ni Derek sa kanyang Instagram.
Duda pa nila, baka may problema ang mag-asawa.
Read: Vico Sotto explains need to call out journalists on Discaya issue
DEREK RAMSAY'S KAMI NO KEN TRAINING IN BALI
Pumunta ng Bali, Indonesia, si Derek para sumailalim sa Kami No Ken, isang self-improvement program.
Ang Kami Ko Nen ay Japanese term na ang ibig sabihin ay “the fist of God,” referring to the strength and power of the God within you.
Ayon sa Google, “Kami No Ken is not a product, it is a way of life — The Principle of Life.”
Mayroon ding ganitong program na inaalok sa The Farm sa San Benito sa Batangas. Pero baka mas maganda sa Bali ang Kami No Ken training.
Tinext ng PEP Troika si Derek upang tanungin kung bakit siya kailangang mag-training ng Kami No Ken.
“Growth,” matipid niyang sagot sa akin.
Maraming posts si Derek sa Instagram tungkol sa mga pinagdaanan niyang training.
Caption niya sa isang post: “Stripping away the noise reconnecting with myself.
“This experience is a reset for the soul, body, and mind. I was tested beyond comfort and pushed past my limits.
“At Kaminoken Bali, the body endures, the mind sharpens, and the spirit hardens.”
Sa bandang huli ay sinabi rin ni Derek, “This training has truly built me for the road ahead!"
View this post on Instagram
Pero bakit nga ba niya kailangang mag-training for his growth?
Hindi na namin inurirat si Derek tungkol dito.
Read: Lacson, Magalong bare kickback scheme in anomalous DPWH deals
JERRY OLEA
Hindi maiwasang magduda ang karamihang baka may pinagdadaanan si Derek dahil sa ipinost niya ngayong Miyerkules, August 27.
Nakapiring ang mga mata nito at may pinapipiling mga lukot na papel.
Napahagulgol si Derek sa mga papel na nakuha niya at umiiyak pa rin ito na niyakap ng kanyang trainer.
Sabi ni Derek sa caption niya sa IG post na yun: “As you’ll see in the video, the true essence of this program revealed itself.
“I completely broke down — not from weakness, but from relief, amazement, and pure gratefulness.
“I found that paper holding all my emotions.”
View this post on Instagram
NOEL FERRER
Napakinggan ko sa radio program nina Morly Alinio at Gorgy sa DZRH kahapon, Agosto 26, 2025, na nakausap daw ni Morly si Derek.
Muli raw kinlaro ni Derek kay Morly na hindi totoo ang kumakalat na balitang hiwalayan nila ni Ellen.
Gusto ring iparating ni Derek na huwag na siyang intrigahin dahil hindi na raw siya artista.
Nag-decide na raw siyang umalis sa showbiz, kaya simpleng tao na lang daw sila ni Ellen.
Huwag na raw silang ibalita at gawan pa ng kung anu-anong isyu.
Ipinagdiinan daw ni Derek na okay silang mag-asawa at wala silang problema.
Baka raw iniisip ng iba na meron silang pinagdadaanan dahil nasa Bali si Derek para sa training nito.
Dagdag na kuwento ni Morly, natawa lang daw nang malakas si Derek nang tinanong niya kung baka buntis si Ellen kaya paiba-iba ang mood ng misis niya.
Sinagot daw siya ni Derek na hindi nito alam, pero tingin naman daw niya ay hindi buntis si Ellen.
Pero muling ipinagdiinan ni Derek na huwag na sana silang ibalita dahil hindi na raw sila celebrity.
