PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coco Martin, guest of honor sa art exhibit ni Pen Medina

Coco, di makakalimutan kung paano siya tinulungan ni Pen noong baguhan siya.
by PEP Troika
Published Aug 31, 2025
Pen Medina and Coco Martin at launch of Pen's art exhibit at Gateway Mall
Coco Martin (left) on his respect for veteran actors like Pen Medina (right): "Kaya kinukuha ko lagi ang mga veteran actors. Kasi po, sila po ang inspirasyon ko. Sila po ang mga tao na naging daan kung nasaan man ako ngayon."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Natatanging panauhin si Coco Martin sa opening ng Paikot-ikot Lang art exhibit ni Pen Medina nitong Agosto 30, 2025, Sabado, sa Gateway Gallery, 5th Floor, Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

Silang dalawa ang may gunting sa ribbon-cutting ceremony, kahilera ang co-stars nila sa FPJ’s Batang Quiapo na si Susan Africa, plus ang partner ni Pen na si Tess Antonio.

Ito ang first ever exhibit ni Pen, na nag-celebrate din doon ng ika-75 kaarawan niya.

Ilang beses namuo ang mga luha ni Pen sa pagtitipon.

Ang intro ni Pen kay Coco bago ito magsalita sa programa, “Isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Ha! Ha! Ha! Bagay naman kami, di ba? Ha! Ha! Ha!

"Noong panahon na parang medyo wala na... Tinulungan ako. At paglabas ko ng ospital, tuloy pa rin ang tulong

"Napakaraming dahilan para makapagpinta ako nang walang inaalala para sa pamilya. Ayun!

"Pero sabi ko sa kanya, puwede ka bang magsalita o kumanta? Ano ba, speech o kanta?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napahagalpak si Coco. May mga nag-udyok, “Sayaw-kanta! Sampol, sampol!”

Dagdag ni Pen, “Ang pinakamamahal naming… Batang Quiapo! Coco Martin!” Palakpakan at hiyawan ang mga tao.

Coco Martin and Pen Medina at Pen's art exhibit
Ribbon-cutting at Pen's art exhibit
Photo/s: Jerry Olea

Read: Vito Sotto Generoso relates love story with Michelle Cobb

NOEL FERRER:

Sabi ni Coco Martin, malaking karangalan para sa kanya na makadalo sa opening ceremony ng kauna-unahang art exhibit ni Pen Medina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam niyo po kasi, si Tito Pen, kami, lahat, lalo na po sa henerasyon namin, sa aming mga kabataan, isa po si Tito Pen sa mga hinahangaan namin bilang artista,” lahad ni Coco.

"Napakalaki po ng kontribusyon niya sa aming industriya, sa sining, sa pag-arte sa entablado, sa pelikula, sa telebisyon.

"Napakasarap na maging parte ng kanyang buhay bilang kaibigan, at bilang kasama sa Batang Quiapo, at maraming-maraming teleserye at pelikula po na aking nagawa.

"Nagpapasalamat ako sa buong Medina family. Halos lahat sila, lagi kong kasama sa mga proyekto ko dahil gusto kong malaman nila na napakaespesyal po nila sa akin.

"Hindi lang po kay Tito Pen, pati kay Ping. Kasi noong nagsisimula po ako sa telebisyon at sa mga indie films, kami lagi ang magkasama."

Si Ping ay isa sa mga anak ni Pen na nasa showbiz.

Pagmamatwid ni Coco, sa trabaho niya bilang artista, hindi niya tinitingnan ang sarili o mga katrabaho bilang artista.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag ni Coco: "Ang pagtingin ko, trabaho, hanapbuhay.

"At kaya kung ano man ang ng bawat isa sa amin, kung mapapansin po ninyo, bakit… tinatanong lagi sa akin na, ‘Ba’t gustung-gusto mong kinukuha yung mga veteran actors?’ Yung mga taong matagal nang hindi nakikita.

"Kasi, lagi ko pong sinasabi na ako’y isang tagahanga. Noong bata pa lang po ako, namulat na ako sa panonood ng mga pelikula.

"Dahil ang lola ko, sobrang number 1 fan ni FPJ at ni Nora Aunor. Kaya lahat po ng mga pelikula nila, napapanood ko.

"Kahit gusto kong manood ng cartoons, wala akong choice kundi manood ng mga pelikula ng mga veteran actors, na mga magagandang pelikula noong golden days ng movie industry."

Hindi raw akalain ni Coco na mapapasok niya ang showbiz. At malaki raw ang pasasalamat niya kina Pen, Ping, at ibang kasamahan sa industriya na tumulong sa kanya noong baguhan siya.

"Sabi ko sa sarili ko, hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng mga tao na gumabay, umakay, at tumulong sa akin noong nagsisimula ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya kinukuha ko lagi ang mga veteran actors. Kasi po, sila po ang inspirasyon ko.

"Sila po ang mga tao na naging daan kung nasaan man ako ngayon."

Coco Martin at Pen Medina's art exhibit
Photo/s: Jerry Olea

Read: Atong Ang at Gretchen Barretto, kasama sa lookout bulletin ng BI

GORGY RULA:

Nabanggit ni Ihman Esturco sa PEP Troika na may special project sana si Coco Martin kung saan kasama niya sina Nora Aunor at Vilma Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sayang at hindi na puwede iyon.

Pahayag pa ni Coco, “Tayo, tayong mga Pilipino, kami sa industriya namin, kapag ang tao, may pinagdadaanan, whatever it is, doon mo mararamdaman o maa-appreciate ang isang tao kapag nandoon ka sa bagay na alam mong may pinagdadaanan at nasa ilalim ka.

"Kaya ngayon, sabi ko nga, sa pagkakataong ito, kung may maliit akong pagkakataon na makatulong, makapagbigay ng oras, advice, makipagkuwentuhan, maging parte ng buhay niya — ginagawan at ginagawan ko po ng paraan.

"Para kahit papaano po, makapagbigay ulit ako ng pasasalamat, o maipakita ko iyong paraan ko para maiparamdam ko kung gaano ko sila kamahal.

"At ito iyong paraan ko para makapagpasalamat sa lahat ng mga taong tumulong sa akin at sa industriya po na kinalalagyan ko."

Hiling ni Coco na magtagumpay si Pen sa pagpapamalas nito ng galing sa pagpinta.

“Kaya ngayon po, sana po, sa panibagong mundo na pinapasok ni Tito Pen, sa industriya ng pagpipinta, sa marami pa pong mga artists sa buong Pilipinas, gusto ko pong sabihin na napakagaling nating lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi lang sa pag-arte, hindi lang sa pagpinta, hindi lang sa pag-sculpture at kung saan-saan pa.

"Gusto kong sabihin na napakagaling ng lahat na mga Pilipino. At sana po, matulungan tayo ng ating gobyerno na masuportahan ang lahat ng mga artists sa buong Pilipinas!

Ang Paikot-ikot Lang (Human Condition.ed): The Prelude exhibit ay hanggang Setyembre 12, Biyernes, 10:00 AM-6:00 PM sa Gateway Gallery na nasa 5F Gateway Tower, Araneta City, Quezon City.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin (left) on his respect for veteran actors like Pen Medina (right): "Kaya kinukuha ko lagi ang mga veteran actors. Kasi po, sila po ang inspirasyon ko. Sila po ang mga tao na naging daan kung nasaan man ako ngayon."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results