JERRY OLEA
First love ng beteranong aktor na si Pen Medina ang pencil drawings at water colors.
Nag-umpisa raw siyang gumawa ng artworks noong three years old pa lang siya.
Sa pagsapit ng kanyang ika-75 kaarawan, itinaon ang kanyang kauna-unahang art exhibit.
Ito ay ang "Paikot-ikot Lang (Human Condition.ed): The Prelude" na nag-opening ceremony noong Agosto 30, 2025, Sabado, sa Gateway Gallery na nasa 5F Gateway Tower, Araneta City, Quezon City.
“One of the reasons dahil birthday ko. Pero ang talagang reason, ngayon lang ako nagkaroon ng dahilan talaga para i-share sa public yung trabaho ko,” pagsisiwalat ni Pen.
“Kasi noong una, sabi mag-ano nga, yung nude, portraits, o kaya abstract. Sabi ko, hindi ko nararamdaman. Urong-sulong ako.”
Read: Coco Martin, guest of honor sa art exhibit ni Pen Medina
PEN MEDINA PAINTINGS
Hinahanapan niya ng tema?
“E, ngayon, yung pumutok na… e, kasi ang gulu-gulo ng mundo ngayon!” bulalas ni Pen.
“Actually kung ikukuwento ko sa iyo, yung iba hindi pa alam ito… yung mga may pakana, yan ang pinanggalingan.
“Yung mga may pakana ng karamihan ng problema sa mundo. Yung mga lider lang naman, ha? Yung mga nakakaalam.
“Kasi, isang grupo lang yan. Sa military, sa religion, sa banking. Lahat ng nagkokontrol.
“Kaya yung mga ano natin, yung buhay natin, yung mga pangkaraniwang mamamayan — paikot-ikot lang.
“Yung EDSA, simbolo yan. Hindi pa tapos, ha? Walang Himala kasi kailangan, tayo ang gumawa ng himala.
“Kaya lang yung mga revolution na ganyan, hindi effective. Kasi hindi galing sa puso ng pangkaraniwang tao. Merong lider pa rin na namumuno.
“Tapos yung lider na yon, mga kaibigan din ng ibang lider na Dilaw, Pula, Asul, Orange. Green ngayon.
“Kaya ang buhay ng mga pangkaraniwang tao, paikot-ikot lang. Naging symbol natin yun, ang hope. Magkaroon ng change.
“Na hanggang ngayon, hindi pa nare-realize. Hindi pa nagiging totoo. Kasi ang totoo niyan, pahirap nang pahirap ang buhay ng mga masa.”
Tatagal ang exhibit hanggang Setyembre 12, Biyernes, 10:00 AM-6:00 P.M.
Read: Danzel Fernandez draws backlash over past social-media posts flaunting lavish lifestyle
NOEL FERRER
Lipos ng hiwaga at kahulugan ang mga obra ni Pen Medina.
Walo roon ay humigit-kumulang sampung taon na niyang ginagawa pero hindi pa tapos.
Kahit works in progress pa lang ang mga iyon ay bahagi na ng unang exhibit ni Pen.
Andiyan ang Pepe’s Light, Pepe’s Fight na inspired ng pelikulang Jose Rizal ni Marilou Diaz Abaya; INay…! na inspired ng kantang "Saranggola ni Pepe"; Walang Himala? na inspired ng pelikulang Himala ni Ishmael Bernal; at EDSAloop (Paikot-ikot) na inspired ng kantang "Kumusta Na?" ni Dong Abay.

Prelude pa lang ang art exhibit na ito ni Pen. Appetizer pa lang, kumbaga.
“Meron pa siyang Main Act… kumbaga meron siyang Main Show. Nandoon yung talagang essence, yung bonggang palabas,” saad ni Pen.
Magpe-painting daw si Pen sa gallery sa duration ng exhibit.
GORGY RULA
Ano ang birthday wish niya?
“Sana, marami pang mag-usisa. Mag-usisa lang, hindi ko sinasabing paniwalaan ako,” tugon ni Pen.
“On your own. Para makatulong din sa pagmumulat ng mga Pilipino. Para hindi tayo paikot-ikot na…
“Kumbaga, yung ginagawa ni Vico [Sotto], sinusubukan kong magawa sa painting.
“At si BBM, nagulat ako! Binulgar yung malalaking contractor. Di ba? Bakit? Bakit?
“Tapos parang may kinalaman si [Donald] Trump. Di ba, nakipagmiting siya kay Trump privately? Tapos pagbalik dito, iba na yung behavior.
“Biglang nagbulgar na ng kung anu-ano. Ano lang naman ang sa akin, yung wish lang.
“Hindi ko naman sinasabing iyon ang nangyayari.”
Read: Who is Claudine Co?
