GORGY RULA
Madalas nag-i-Instagram Live si Heart Evangelista kapag naghahanda siya sa kung anumang gagawin niya sa isang araw.
Natutukan ng PEP Troika ang IG live ni Heart ngayong Lunes, September 1, 2025, habang nagme-makeup siya.
Ayon sa Kapuso actress-influencer, meron siyang importanteng meeting.
Siya lang ang nagme-makeup sa sarili habang ine-explain ang ilang beauty products na ginagamit niya.
Pagkatapos niyang mag-makeup, tuloy pa rin siya sa pag-a-IG live at sinasagot ang ilang katanungan ng kanyang followers.
Read: Lexi Gonzales, other celebs lament latest flooding
HEART AND FASHION WEEK
Inilatag ni Heart ang mga gagawin niya sa mga darating na araw, lalo na ang parating na Fashion Week.
May imbitasyon daw siya sa London at sa New York, pero baka hindi raw niya ito madaluhan.
May importante raw kasi siyang gagawin bandang October at November, kaya kailangan niyang paghandaan ito.
Lahad ni Heart: “September is the biggest Fashion Week, and pinakamadami pong paying jobs is Milan and Paris.
“So I need to be prepared mentally and physically. And hindi puwede mangyari yung ganyan sa dati na hinimatay na ako.
“So I decided to just stay and do my jobs here, then I’ll do Milan and Paris. Pero sa totoo lang, pagod na pagod na rin talaga ako.”
HEART EVANGELISTA'S HEALTH
Nabanggit ang tungkol sa kalusugan ni Heart, at agree naman siya sa sinabi ng isang nag-comment na "health is wealth."
Pagbabahagi ni Heart: “My ideal weight should be about 94 [lbs], but I’ve been very tired lately, I’m 92. So, that’s not very good.
“I’ve realized that’s not very good because I’m... that’s the reason why I’m getting a lot of pasa-pasa and all of that. And so, yeah!
“But I’m working on it. I’m trying to be as healthy as possible, because I do have… I’m gonna try my very, very best to do something for myself by October, November.
“So I cannot be stressed and I cannot work so much by October, November.
“So I have to prepare for something. It’s a decision that I have to make. So, we will see.
"But for now, I’m just gonna work, work, work,” saad ni Heart.
Meron siyang nabanggit na isang reality show na sisimulan daw niya. Pero hindi niya nilinaw kung ito ba yung gagawin niya sa October o November.
Mukhang mahalaga ito at personal sa kanya kaya medyo naintriga kami kung ano ito.
Read: Balitang hiwalay na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, fake news?
NOEL FERRER
May pagka-morbid ang mga sumunod na pahayag ni Heart Evangelista.
Sa tingin daw niya ay hindi siya magtatagal o aabutin ang edad na masyado na siyang matanda.
Sabi ng 40-year-old actress: “I don’t know why. I have that impression.
"But when I was young, I feel like siguro hanggang mga 60 years old lang.
“Okay lang sa akin, sapat din naman sa akin yun na ganun. Bala-balanse lang naman.
“So, feeling ko, hindi ako masyadong tatanda nang matandang-matanda.
"Hindi ko alam kung bakit ko iniisip yan. Pero, yeah, yun mga ano ko...
“I feel like really… my goal is just to enjoy what I do and be grateful for my opportunities and to live life."
Nabanggit din ni Heart ang kanyang asawa na si Senator Chiz Escudero.
“Also kasi, sinabi ko din kay Lord na, 'Ako na muna kunin Niyo bago yung asawa ko.’
"Kasi parang, mentally, hindi ko rin kaya yung ano… hindi ko talaga kaya.
“I don’t know... maybe, I don’t know why I think that way.”
Kuntento na rin daw si Heart sa mga na-achieve niya.
Kung hanggang 60 years old lang siya, okay na raw iyon sa kanya.
“Basta ako, okay na ako. Pag 60 years old, kung kukunin na ako ni Lord, masaya na.
“Okay na ako, kasi madami na din akong napagdaanan sa buhay ko.
“Tapos parang, madami na din akong na-achieve na ano…
"I mean, may anak ako kay Chiz, si Chesi at Quino, pero parang mentally hindi ako ano… I don’t know."
Sina Chesi at Quino ay ang kambal na anak ni Senator Chiz sa kanyang dating asawa na si Christine Elizabeth Flores.
View this post on Instagram
Patuloy ni Heart: “Anyway, that’s another... maybe that’s a podcast that I need to talk about.
"But ako kasi, I’ve really… I don’t have a child on my own, dahil nothing really to…
“So anyway, yeah, I’m just gonna be… working and living my life.
"And hopefully, when two people can smile at what I do, I’m happy. Ayun!”
Read: Danzel Fernandez draws backlash over past social-media posts flaunting lavish lifestyle
JERRY OLEA
Kahit ang itinuturing niyang baby, ang alaga niyang asong si Panda, ay pinaghahandaan na rin daw ni Heart kung ano ang mangyayari dahil 10 years old na ito.
Pero hindi pa raw niya maisip kung ano ang gagawin niya pag dumating ang araw na mawawala na ang kanyang furbaby.
“Panda is already 10 years old. So when Panda’s… I don’t know what to do when Panda is not here with me.
“You see? So, like, when some people say that wala akong… I do have a child actually. It’s Panda.
"But, ano… she’s already 10 years old.
“So, what do I do after that?” medyo senti na pahayag ng aktres at fashion influencer.
View this post on Instagram
Aminado si Heart na medyo sensitive siya ngayon.
Posibleng dahil ito sa hindi magagandang sinasabi ng ilang netizens tungkol sa kanya nitong mga nakalipas na araw, pero hindi na niya ito gaanong pinag-usapan.
“I’m a little tired. I’ve been a little fragile lately. But I’m okay,” pakli ni Heart.
“I’m okay, and I’m grateful and I’m happy.
“Kasi nito… hindi sila masaya para sa yo, pero okay lang yun.”
Read: Is Kathryn Bernardo moving to this luxe abode in Makati City?
