JERRY OLEA
“Layag sa Alon, Hangin, at Unos” ang tema ng 21st Cinemalaya filmfest na gaganapin sa Oktubre 3-12, 2025 sa Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Biru-biruang mas napapanahon kung ang tema ay “Layag sa Alon, Hangin, at Baha.”
Read: Joey Reyes, Vico Sotto urge accountability in Senate flood probe
ELIJAH CANLAS AGREES WITH MAYOR VICO SOTTO
Sa usapin ng flood control projects, contractors, nepo babies, at kakabit na mga isyu, nahingan ng saloobin si Elijah Canlas na bida sa Cinemalaya 2025 full-length feature na Raging.

“Sobrang busy lang ako ngayon kaya hindi ako masyadong outspoken at nakakapagsalita even online,” sambit ni Elijah sa mediacon ng Cinemalaya 2025 ngayong Setyembre 3, Miyerkules, sa East Atrium ng Shangri-La Plaza.
“Pero deep down, updated ako. Deep down, marami akong nararamdaman na galit, na panghihinayang, at empathy, sympathy sa mga kababayan natin, sa mga kapatid natin, kapwa Pilipino.
“Dahil harap-harapan tayong niloloko! Harap-harapan tayong ginagago!
“Harap-harapan tayong pinagsisinungalingan ng mga namumuno sa atin, ng mga kumukurakot sa atin, at parang walang hiya sila lahat.
“So, tama yung sinabi ni Mayor Vico [Sotto] actually. Nasa sa atin ito, e. Dapat gawin talaga nating kahiya-hiya maging corrupt.
“Dapat hindi siya kinaiinggitan, yung mga mayayaman, di ba? Dapat pandirian talaga natin sila.
“Tapos pag nagsimula sa atin yun, baka lumaganap, kumalat yun. And mas manaig yung kabutihan.”
Read: Vico Sotto: Contractors’ kin’s display of wealth not inspiring
Ang Raging ay isinulat at idinirek ni Ryan Machado.
Maliban kay Elijah, kasama sa cast nito sina Ron Angeles, Reynald Raissel Santos, Glen Sevilla Mas, at Nathan Sotto.

GORGY RULA
Meron ding nagbiro na ang tema dapat ng 21st Cinemalaya ay “Layag sa Alon, Hangin, Unos, at Baha.”
Ang sabi nga ng writer-director ng Republika ng Pipolipinas na si Renei Dimla: “Tungkol po ito sa isang magsasaka na pilit inaagawan ng lupa ng gobyerno.
“Kaya sinabi niya, ‘Tama na, enough na, ayoko nang maging Pilipino!’ So, nagtayo siya ng sariling bansa na tinawag niya na Republika ng Pipolipinas.
“So, para po ito sa mga taong sawa na sa mga flood control projects! “
At pag-uusapan nito yung tunay na kahulugan ng pagiging makabayan.”
Nasa cast ng mockumentary na Republika ng Pipolipinas sina Geraldine Villamil, Alessandra de Rossi, Kakki Teodoro, Natalie Maligalig, JM Salvador, Bon Lentejas, Lian Silverio, Shun Mark Gomez, Mitzi Comia, Yian Gabriel, Brylle Parzuelo, Sigrid Polon, Sisa Bernardo, Antonio Vasquez, Xiao Chua, at Chad Kinis.

Hinaing ni Alessandra sa trailer: “Ang pinakamahirap na role ay ang pagiging Filipino. Kasi, hindi siya acting, e. Hindi siya role.”
Read: Ano ang kinalaman ni Vico Sotto sa paintings ni Pen Medina?

NOEL FERRER
Tinanong ni Allan Diones ang president ng Cinemalaya Foundation na si Direk Laurice Guillen, “How does Cinemalaya remain relevant in the Nepo Babies Era?”
Sagot ni Direk Laurice: “Pagka call of entries naman, nasa kanila kung ano yung kanilang… it’s coming from them, e. Hindi naman kami ang nagdi-dictate kung ano ang mga pelikulang gagawin, e.
“Call of entries lang. Out of that, you can see kung ano ang parang importante sa kanila.
“Kasi makikita mo, LGBT noong araw, sus, lima. Yung ano, iba-iba. For every year, iba-iba.
“But because the selection committee curates, out of them so many na ano, ano ang pinaka? And then isa lang diyan, isa lang diyan.
“Pero all of these are noteworthy. So yun, just be ready. Just do it!
"Kaya nga sabi ko, we will start a Cinemalaya Club. Para lahat ng gustong tumulong in whatever way, you know, and will give us feedback.
“Hindi po kami ang nagdidikta. Aside from the films that we are getting, the feedback, we will get affirmation kung maganda yung pelikula, o relevant yung pelikula.
“Or suggestions. Maybe we’re looking for this, wala bang ganyan? You know.”
Read: Who is Sarah Discaya?
