JERRY OLEA:
Masaya si Dulce na nominado ang anak niyang si David Ezra bilang best supporting actor sa 48th Gawad Urian para sa pelikulang Isang Himala.
“Of course, siyempre I’m proud!” bulalas ng Asia’s Timeless Diva.
Read: David Ezra, iniwasan ang pagkanta dahil sa kanyang inang si Dulce
Nakatsikahan namin siya noong Setyembre 5, 2025, Biyernes matapos ang 50th anniversary concert ni Nonoy Zuñiga sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.
“Alam mo naman ang nanay, laging proud kahit anong mga… kahit maliliit o malalaking steps na ikinaaangat ng kanilang career, siyempre, ipinagmamalaki mo iyon.”
Nagkaayos na ba sila ni David? Naghimutok si David sa IG Stories matapos ang unang gabi ng Wagi! concert ni Dulce noong Hulyo 11 sa BGC Arts Center, Taguig City.
Guests kasi ni Dulce sa concert ang daughters niyang sina Jem at Abby. May mga nang-intriga dahil wala roon si David.
Clueless si Dulce. Hindi raw niya nakita iyong IG post ni David. Hindi naman daw kasi na-invite si David sa Wagi! concert, kaya hindi ito nagpunta roon.
“Kailangan bang i-invite? Di ba? Kailangan ba talaga iyon?” pagmamatwid ni Dulce.
Sabay pag-amin din niya: “Well, kasi nga, nagkaroon kasi talaga ng gap. I mean, aminin natin, may gap.
“He promised to bring me out to dinner when he went to my concert.
“Pero isang taon na, hindi natuloy. So, saan ako lalapit? Nahihiya din naman ako na mamilit sa mga…”
Sa darating na Setyembre 27 ang Waging-Wagi! concert ni Dulce, doon pa rin sa BGC Arts Center.
Welcome bang manood si David? “Of course!” mabilis na sagot ni Dulce.
Read: Zaldy Co, lalong nadiin dahil sa pamangkin na si Claudine Co
GORGY RULA:
Hindi na kailangang imbitahin si David Ezra sa repeat concert niyang Waging-Wagi! na ididirek pa rin ni Rowell Santiago, with Homer Flores as musical director?
Napabuntong-hininga si Dulce: "Kung iisipin niya talaga kung ano ako sa buhay niya. Kailangan ba? Di ba? Ano ba talaga dapat?
"I mean, para sa akin, tinanggap ko na lang. Kung ano lang, kung hanggang saan, OK na lang din.
"Basta hindi mawawala iyung pagmamahal at panalangin.
"Kasi, you have to always pray for your children no matter what they say against you, no matter what they think about you."
Bilang ina, maganda ang ipinahiwatig niya noon sa concert tungkol sa mga pagsubok na pinagdaraanan niya.
Kaya lang, naging conspicuous para sa iba ang absence ni David, lalo na’t may production number si Dulce sa dalawang daughter niya.
"Kasi siyempre, hindi naman nakikita ng lahat ng tao kung ano talaga iyong nangyayari,” saad ni Dulce.
"Kahit naman anak mo iyon, kahit naman nanay ka, parang nawalan ka naman ng karapatan, e, to enter their lives, e.
"Na-shut out ka. So, anong gagawin ko? Mamimilit? Hindi puwede, hindi ba? So, hayaan natin…
"Ganoon na lang. Basta ako, nandiyan."
So, maliwanag, very much welcome si David sa Waging-Wagi! concert, huh?!
"Alangan naman, siyempre! Apangan naman. Libre ang tiket, o! Di ba? Kung gusto niyang manood talaga, puwede naman," sabi ni Dulce.
Dagdag niya: "Andiyan ang Facebook, andiyan ang ano. In-unblock na niya ako noong birthday ko last year, puwede na niyang i-message.
"Tapos, nagpunta nga siya doon sa concert, although siyempre medyo alanganing sitwasyon.
"Puwede naman kasing mag-communicate even without those mga… kailangang sabihin ng mga tao. So, puwede naman."
Read: Have Jairus Aquino and girlfriend Andrea Angeles called it quits?
NOEL FERRER:
Bida sina David Ezra at Geneva Cruz sa musical play na Jeproks: Mga Awitin ni Mike Hanopol, na itatanghal sa Nobyembre 20-30 sa GSIS Theater, sa direksyon ni Frannie Zamora.
Manonood ba siya? Mabilis na sagot ni Dulce, "Ay! Natural! Nanonood naman ako ng lahat ng palabas niya kahit hindi niya alam.
"Nanood ako ng Himala. Lahat, pinapanood ko."
Binati niya si David sa nomination nito sa 48th Gawad Urian?
"Well, nag-love ako doon sa post ni Frannie," sagot ni Dulce.
So, malinaw?
Tumango si Dulce: “Walang ano. Nanay ako. Mahal ko iyan. Pero i-shut out ka ng mga anak mo, hindi ako maghahabol. Kasi, mahirap yun, e.
"Tanggap ko na yun na ako, mag-iisa in the end.
"Kahit ang mga daughters ang kasama ko, what if magkaroon sila ng decision sila to have a life of their own?
"I’m already prepared for that. I told them, if you have something na meron na kayong iniisip, basta ito lang ang naituro ko, ito ang naibigay ko sa inyo, alagaan ninyo ang sarili ninyo.
"You know kung ano ang itinuro ko—unahin ang Panginoon bago ang anything else. Di ba?
"Ngayon, pag napili na nila iyong buhay nila kung saan sila pupunta, you know, OK na akong mag-isa.
"Puwede akong bumalik sa bundok. Sanay ako doon. Puwede akong magtanim uli ng kamote, sanay ako doon."
Sana talaga, magkaayos na ang mag-inang Dulce at David Ezra.
