GORGY RULA:
Nasa likuran lang namin nakaupo si Alynna kasama ang manager niya na nanood ng Beyond Gold: Songs of A Lifetime concert ni Nonoy Zuñiga.
Ginanap ang concert noong Biyernes, September 5, 2025, sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.
Hindi na niya napigilang maiyak nang kasama na ni Nonoy sina Rey Valera at Marco Sison na guests sa concert.
Sabi ni Rey, sa pagpanaw nina Rico Puno at Hajji Alejandro, hindi na raw The OPM Hitmakers ang tawag sa kanila, kundi The Survivors na.
Doon lang natawa sandali si Alynna.
Pero naiyak na naman siya muli nang ginaya ni Nonoy ang boses ni Hajji.
Read: Alynna recounts last eight days with partner Hajji Alejandro
ALYNNA ON MISSING HAJJI
May segment si Rey na nagagawa niya ang boses ng namayapang singer, pati sina Anthony Castelo at Darius Razon ay kopyang-kopya ni Nonoy ang boses.
“Alam niyo nung nagsama-sama silang tatlo, hindi ko talaga napigilan umiyak. Iyak ako nang iyak.
“Sabi ko, dapat nandun siya, e, you know. Sobra! Akala ko okay na, hindi pa pala,” pakli ni Alynna nang nakapanayam ng PEP Troika pagkatapos ng concert.
“Every day, nandito talaga siya, e. And you know sa mga shows ko, I sing his songs. Kasi, dun ko lang siya maalaala, e.
“Every day, I call on God. Sabi ko, 'Lord, please hindi ko kaya to. Please give me strength every day,'” dagdag ni Alynna.
Pumanaw si Hajji noong April 21 matapos ang sandaling pakikipaglaban sa colon cancer. Si Hajji ay 70 years old.
Read: OPM icon Hajji Alejandro dies at 70
JERRY OLEA:
Hindi pa rin daw maalis sa isip niya si Hajji, at ipinapanalangin nga raw niyang sana magparamdam sa kanya o kaya mapanaginipan.
“There are times hindi ako nakakatulog, hindi ko alam kung bakit. I just pray and you know, bigla ako nagkakaroon ng lakas talaga. Mahirap,” sambit ni Alynna.
Naalala niya noong nakaraang gabi lang daw ay napanaginipan niya ang namayapang partner.
“Kagabi! Nagba-basketball kami. We were playing basketball. Kasi, nagba-basketball kasi kami before.
“O, thank You, Lord. I’ve been praying na sana, mapanaginipan ko siya. And you know, we were happy sa dream,” napangiti niyang pahayag.
Read: Why is Alynna "unable" to go to Hajji Alejandro’s wake?
COMMUNICATION WITH HAJJI'S FAMILY
Nag-uusap pa rin ba sila ni Rachel Alejandro?
“Yes. We’re in constant communication," sagot ni Alynna.
Ang magandang nangyari raw ay nagkausap na sila ng ina ni Hajji.
"And praise God, kasi yung mommy niya, nag-uusap na kami ngayon. You know, miracles every day, they happen,” sabi ni Alynna.
NOEL FERRER:
Hindi raw naiwasang naging emotional daw sila nang mag-usap sila ng ina ni Hajji.
“Sabi ko, ‘Nalimutan niyo po, 27 years ko nang mahal yung anak niyo. At kung may pagkakamali man ako, wala naman perfect sa relasyon, hindi ba?’
“Ang importante, I took care of him doon sa kaya kong gagawin. And to this day, and who knows hanggang kailan, he will always be my one and only love,” sabi pa ni Alynna.
Read: Alynna, inaming marami sa pamilya ni Hajji ang ayaw sa kanya
Hindi pa raw niya masasabi sa ngayon na okay na okay na siya sa buong pamilya ni Hajji.
May ilan pa ring miyembro ng pamilya na hindi pa raw niya nakakasundo.
“In my heart, okay sila sa akin, you know. Kasi, kailangan mag-forgive ka, e.
"Wala naman yun, e. Kasi naintindihan ko na lahat naman nagsa-suffer, e. Lahat, naggi-grieve.
"So kung ano man yung napagdaanan nila, understandable e na nagkaroon kaming conflict.
"But in my heart, I have forgiven everything and everyone.
“Ngayon, kung may member ng family na hindi pa, I am praying for that, kasi isa-isa nakakausap ko na sila. In God’s time,” napangiting pahayag ni Alynna.
Maganda ring marinig ang panig ng pamilya ni Hajji ukol dito.
