JERRY OLEA:
Sobrang gaan katrabaho si Ely Buendia, ayon sa baguhang aktor na si Esteban Mara na co-star ng Eraserheads frontman sa Cinemalaya full-length film na Padamlagan (Night Light).
“Very humble, walang kaere-ere,” paglalarawan ni Esteban kay Ely.
Nakausap si Esteban sa mediacon noong Setyembre 3, 2025, Miyerkules sa East Atrium ng Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
"Alam mo iyon, parang kaibigan mo lang talaga. Puwede mong kausapin about anything. Puwede mong kabiruan.
“So, magaan lang. It’s a very fun shooting with Sir Ely. And ang dami ko ring natutunan especially inamin naman niya, parang very vocal siya na in terms of music, doon, very expert na siya, or iyon talaga ang gamay na gamay na niya.
"But when it comes to acting, it’s something na bago sa kanya. So, he’s very open. Student of the arts.
"Nakakatuwa, very free na katrabaho si Sir Ely."
Gaganap si Ely bilang isang ama na hahanapin ang nawawalang anak matapos ang trahedyang dulot ng collapse ng Colgante Bridge sa Naga City. Si Esteban naman ang kanyang anak.
Hango ito sa true-to-life tragedy na naganap noong September 16, 1972. Bumagsak ang tulay dahil sa dagsa ng taong nanonood ng fluvial procession ng Our Lady of Peñafrancia.
Nasa cast din ng Padamlagan sina Sue Prado, Floyd Tena, Ivan Geoceff, Milan Fabon, at Papa Frank Peñones.
Sa direksyon ni Jenn Romano, ang 21st Cinemalaya filmfest ay gaganapin sa Oktubre 3-12 sa Shangri-La Plaza.
Read: Alynna, on good terms na sa ina ni Hajji Alejandro
ESTEBAN MARA, NAGPAKITANG-GILAS SA ACTING
Ang ganda ng 2025 para sa career ni Esteban, na takaw-pansin bilang dakilang lover boy sa one-act play ng Virgin Lab Fest XX: Hinog na Minating ni Mariah ang Manto ng Mommy ni Mama Mary noong Hunyo 11-29 sa CCP Tanghalang Ignacio Gimenez.
Mapapanood din si Esteban sa rerun ng dulang Para Kay B na may rerun sa Setyembre 12-28 sa The Doreen Black Box Theater ng Ateneo de Manila University, Quezon City.
Ka-alternate niya rito sina Jay Gonzaga at Vincent Pajara.
“Bottomline ko po ngayon, grateful talaga ako with everything that is happening,” sambit ni Esteban.
“Feeling ko naman, resulta rin ito ng mga small wins and small efforts ko na pinaggagawa even before.
“I’m really excited for what the future holds. I’m grateful kung ano man iyung mga nangyayari ngayon.”
Read: Dulce, inaming may gap sila ng anak na si David Ezra
NOEL FERRER:
Noong Setyembre 3, 2025, Miyerkules, nag-umpisa sa TikTok account ng Puregold Channel ang BL series nila ni Mikoy Morales na Got My Eyes On You.
Kumustang katrabaho si Mikoy?
“Sobrang husay. Unang-una sa lahat, mahusay na aktor si Mikoy,” pahayag ni Esteban Mara.
“So, andami ko ring natutunan especially as someone who is technically a newbie here in the industry.
“I’m really looking forward to learn from people na matagal na sa industriya.
“Si Mikoy, napakahusay. Andami ko ring natutunan sa kanya. Very chill, napakagaan lang.
“Whenever napi-feel niya na parang medyo ino-overthink ko yung mga bagay-bagay, he is there to, ahhh, parang i-ground ulit ako, na simple lang iyung gagawin, just focus on the present.
“So, masaya ako na nakatrabaho ko rin si Mikoy. Kasi isa ring mahusay na aktor, and I wanna surround myself with people na ganoon.
“Iyon din kasi iyong goal ko, maging mahusay na aktor.”
Nasa cast din ng Got My Eyes On You sina Hannah Lee, Darwin Yu, Ady Cotoco, at Victor Sy.
Si Dizelle Masilungan ang director ng Got My Eyes on You. Thirty-six episodes ito. Nagre-release ng isang episode tuwing Miyerkules, Huwebes, at Biyernes sa TikTok.
Ang executive producers ay sina Direk Chris Cahilig at Ivy Zharisse Piedad. Na-impress si Direk Chris sa performance ni Esteban sa one-act play ng VLF 19: Pintog na Love on the Brain, kunsaan ang stage name pa nito ay Esteban Fulay Jr.
Read: Ryan Bang’s fiancée Paola Huyong takes down engagement photos
GORGY RULA:
Nagsimulang umarte si Esteban Mara ay noong 2017 sa Dulaang U.P. Natigil siya sa akting nang lumaganap ang pandemya. Nagtrabaho siya sa Unicef.
"Last year lang ako talaga nag-commit to become a full-time actor," pagtatapat ni Esteban.
"Sa VLF, sa Love on the Brain. Sabi ko, if makuha ako sa audition na ito, sige, magre-resign ako sa Unicef. So, ayun.”
Nag-VLF uli siya this year, doon nga sa Minating ni Mariah ang Manto ng Mommy ni Mama Mary.
Nae-enjoy niya ang sunud-sunod na trabaho this year? Bising-busy siya, huh?!
“Good busy, yes. Ha! Ha! Happy pagod! Ha! Ha!” natawang bulalas ni Esteban.
“Totally ino-own ko na, even if meron pang konting hesitations and doubt. With the help ng mga taong nakapaligid sa akin, totally owning the spotlight and the scene.”
ON DARING ROLES
Hanggang saan ang kaya niyang gawin sa teatro? Maraming mapangahas sa teatro this year…
“Right now, depende po," sagot ni Esteban.
"Kasi, at the end of the day, gaya ng napag-usapan ko sa management, it still depends on the material that’s going to be produced. Doon pa rin nakabase.
"Kasi ako, as an actor, gaya ng in-explain ko sa kanila, all I wanna do is tell a story na kinakailangang mapakinggan.
“So if it requires that, I will talk to my management and why not?”
Puwede siya sa frontal nudity, sa stage man o sa film?
“Right now, hindi ko pa po siya masabi. Hindi pa siya final. Kasi mahirap magsalita nang tapos. Ha! Ha! Ha!” paghalakhak ni Estrban.
“But again, babalik at babalik tayo sa materyal. If the story cannot stand without that specific scene, or it’s the vital core of the story, then we will consider.”
