Trigger warning: Mention of rape, sexual abuse
JERRY OLEA
Maselan ang kuwento ng Cinemalaya 2025 full-length film na Raging, kung saan ginahasa si Eli (Elijah Canlas) ng kanyang “kaibigan” (Ron Angeles).
“I play the role of Eli pero hindi naman daw siya named after me,” lahad ni Elijah sa mediacon noong Setyembre 3, 2025, Miyerkules, sa East Atrium ng Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
“Sadyang pumasok talaga na Eli yung name ng character. Raging, it’s set in Sibuyan, Romblon. Period film siya.
“It’s a story about male-to-male abuse and also mga crimes against nature, you know. May mining aspect din dito.
“At ang ganda-ganda ng isla ng Sibuyan kaya naging importante rin talaga yung kuwento, especially nung nalaman ko, about male-to-male abuse siya.
“Which is a topic na very taboo sa Philippine cinema, sa mga kuwento in general.
“Para maging part ako ng ganito, tapos makuwento yung ganito na malakas yung ipinaglalaban, nagpapasalamat lang po ako.”
Read: Bea Alonzo accepts John Lloyd Cruz’s invitation for a bonding session at his house
Sobrang bait daw ang dating ng karakter ni Ron kahit predator iyon.
Pahayag ni Ron: “Sobrang bait na tao, sobrang bait na ano. Hindi mo aakalain na kaya pala niyang gawin yon.
“So, yun po ang challenging doon sa karakter ko naman kung paano ko siya ie-execute para mag-match kami ni Elijah.”
ON SHOOTING THE SENSITIVE SCENE
May sensitibong eksena siyempre sa Raging, na syinuting noong Setyembre 2, Martes ng gabi.
“It’s tackled in a very artful way!” bulalas ni Elijah.
“Very beautiful. Sobrang hindi na namin mamukhaan ang sarili namin, lalo si Ron. And ang hirap nung pinagdaanan.
“It’s the most difficult film I ever had to do, and I’m sure si Ron din.”
Tumango si Ron bilang pagsang-ayon, “Yes, yes, yes.”
Dagdag ni Elijah, “And proud kami, and excited kaming makita din siya ng mga tao on the big screen.”
Read: Ryan Bang’s fiancée Paola Huyong takes down engagement photos
NOEL FERRER
Sa totoong buhay ba, may pinagdaanan na silang sexual abuse or harassment?
Pag-amin ni Elijah Canlas: “Ako, meron. Aminado naman po ako, meron.
"When I was in high school, maraming problema sa sistema ng Makiling, lalo yung kuya ko na very outspoken about it.”
Ang tinutukoy na kuya ni Elijah ay si Jerom Canlas na nag-aral din sa Philippine High School for the Arts sa Mt. Makiling, Los Baños, Laguna.
Pagpapatuloy ni Elijah, “And to tell a story like this, especially given yung mga pinagdaanan nung kuya ko, ng pamilya ko, sobrang importante sa akin.”
Sagot naman ni Ron Angeles: “Siguro po, hindi pa dumating sa sexual abuse sa akin. Kumbaga, alam ko naman po, I mean, kung ano ang intensiyon ng isang tao sa akin.
“Hangga’t maaari po, kung kaya kong pakisamahan, kaya nating intindihin, iniintindi ko po.
“Pero to the point na maa-abuse ako, parang hindi ko pa po yun naranasan. Yun po.”
Read: Enrique Gil, Franki Russell spotted in Bohol
GORGY RULA
Multi-awarded actor si Elijah Canlas. Na-intimidate ba sa kanya si Ron Angeles?
Sagot ni Ron: “Gaano man kahirap and gaano man ka-challenging yung pelikula na ito, sobrang gaan ng trabaho at sobrang parang hindi kami dumating sa point na parang nag-aaway kami ni Elijah about the scenes.
“Kumbaga, nagbabatuhan kami ng ideas. And siyempre, lagi ko siyang tinatanong, ‘OK ka ba? OK ka ba dito?’
“So, ano kami sa isa’t isa, talagang inaalalayan namin. Kumbaga, hindi ko naramdaman sa kanya na award-winning si Elijah.
“Kumbaga, tropa-tropa kami dito, and this is not the first time naman na nagka-work kami, nagkasama.
“So, nag-bonding na rin kami. Kaya nung nalaman ko na siya ang magiging partner ko, sabi ko, ‘Go ako diyan!’ And super excited ako na makatrabaho ang isang Elijah Canlas.”
Dagdag ni Elijah: “I could not have done it without this guy. As in maraming mga moment na ayun, napu-push niya talaga kami.
“Yung parang grabe na ang experience, e. Pagod na. Emotionally, mabigat na rin.
“Pero pag nagtitigan kami, ‘Ano, laban pa?! Laban?!’ Laban lang. So, parang, kung wala talaga itong si Ron, medyo malulugmok talaga ako dun sa set!”
Ang Raging ay idinirek ni Ryan Machado.
Maliban kina Ron at Elijah, nasa cast nito sina Glen Sevilla Mas, Nathan Sotto, at Reynald Raissel Santos.
Ang 21st Cinemalaya filmfest ay gaganapin sa Oktubre 3-12, 2025, sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.
Read: Jeraldine Blackman says no cheating in split with husband Josh

