GORGY RULA
Inaasahan na naming mataas ang rating ng finals ng The Clash 2025 noong Linggo, September 7, 2025.
Ang itinanghal na grand winner ay ang Clashbacker na si Jong Madaliday.
Nakapagtala ang The Clash ng 12.6% rating.
Read: Jong Madaliday wins The Clash 2025

Ang Idol Kids Philippines, kung saan namimili na ng makakapasok sa semifinals, ay naka-4%.
Hilig talaga ng mga Pinoy ang mga singing competition kaya pinapanood ito.
Pero hindi naman talaga ang The Clash ang nakatapat ng Idol Kids Philippines, kundi ang Rainbow Rumble na naka-2.3%.
SUNDAY RATINGS
Narito muna ang ratings ng mga programa noong nakaraang Linggo...
Ang All-Out Sundays ay 3.5%, at ang ASAP Natin ‘To ay 2%.
Sumunod ang Regal Studio Presents na naka-3.4%, at ang Sunday Blockbuster ay 1%.
Pagkatapos nito ay ang Resibo, Walang Lusot ang May Atraso na 3.5%, at ganun din ang rating ng sumunod na FPJ Sa GMA.
Pagdating sa primetime, naka- 6.3% ang 24 Oras Weekend.
Ang Frontline Pilipinas ay 1.1%, at ang TV Patrol Weekend ay 1.2% na sinundan ng Kapatid Mo, Idol Raffy Tulfo na 1.3%.
Tumaas din ang Bubble Gang na naka-8.2%.
Pagkatapos ng The Clash ay ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-14.6%. Isa sa featured story sa episode na ito ay ang interview ni Ma'am Jessica kay Will Ashley.
Sumunod ang The Boobay and Tekla Show na naka-2.8%.
Read: Maine Mendoza stands by husband Arjo Atayde amid Discaya allegations

NOEL FERRER
Noong Sabado, September 6, ay todo-promote ang Magpakailanman na kuwento ng isang macho dancer na ginampanan ni Martin del Rosario.
Mataas ang rating nito na naka-8.2%.

Ang MMK sa A2Z at Kapamilya Channel ay 2.5%.
Noong tanghali naman ay mas pinag-usapan ang finals ng "The Clones" sa Eat Bulaga! kaya tumaas ang rating nito, 4.6%.
Ang itinanghal na Ultimate Grand Winner ay si Jean Jordan Abina, Ka-Voice ni Karen Carpenter.
Medyo lumapit ito sa It’s Showtime na naka-5.3%.

Pagkatapos nito ay ang My Father’s Wife na pataas nang pataas na rin ang rating. Naka-6.8% ito.
Sumunod ang Tadhana na naka-6.5%, at pagkatapos nito ay ang Wish Ko Lang na naka-5.7%.
Sumunod ang Maka Lovestream na naka-4.6%.
Sa primetime, sinimulan ito ng 24 Oras Weekend na naka-7.1%.
Ang Frontline Pilipinas Weekend ay 0.8%, ang TV Patrol Weekend naman ay 1.1%.
Ang Pepito Manaloto ay 8.7%, at ang Rainbow Rumble ay 2.3%.
Tumaas din ang Stars On The Floor na naka-9.4%, at ang katapat nitong Idol Kids Ph ay 4.7%.
Read: Bea Alonzo accepts John Lloyd Cruz’s invitation for a bonding session at his house
JERRY OLEA
Nanatiling mataas pa rin ang Sang’gre, pero may mga araw ring tumataas ang katapat na FPJ’s Batang Quiapo.
Pero noong Biyernes, September 5, ay nakabawi uli ang Sang’gre. Naka-12.9% ito, at ang Batang Quiapo ay 11.2%.
Narito ang ratings ng iba pang programa noong Biyernes...
Ang It’s Showtime ay 5.2%, at ang Eat Bulaga! ay 3.5%.
Umaariba pa rin ang mga afternoon drama ng GMA 7.
Pero totoo kayang ang Akusada na lang ang magkakaroon ng extension?
Ang My Father’s Wife ay 7.4%, ang Cruz vs. Cruz ay 7.9%, at ang Akusada ay 7.2%.
Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na 4.8%, at ang One Ordinary Day ay 3%.
Ang Family Feud ay 8.3%.
Pagdating sa primetime ay naka-14% ang 24 Oras.
Ang TV Patrol ay 3.2%, at ang Frontline Pilipinas ay 2.5%.
Pagkatapos ng Sang’gre ay ratsada rin ang Sanggang Dikit FR na naka-9.2%, at ang It’s Okay To Not Be Okay ay 5.6%.
Sumunod ang Amazing Earth na 3.7%, at ang Sins of The Father ay 3.1%.
NEW CAST MEMBERS OF BATANG QUIAPO
Siyangapala, kabilang sa mga bagong karakter na papasok sa FPJ’s Batang Quiapo sina Maris Racal, Baron Geisler, Aljur Abrenica, Roi Vinzon, Richard Quan, Perla Bautista, Via Antonio, Aleck Bovick, Criza Taa, Jeri Montano, Tita Jegs, at Ate Mrena.

Aminado si Maris na kabado siya sa matinding bakbakan eksena nila ni Coco Martin.
Buti na lang daw at fresh pa sa kanya ang mga natutunan niya sa teleseryeng Incognito.
Gaganap si Maris bilang isang bata at maprinsipyong pulis na makikilala ni Tanggol (Coco).
“Ito yung pagpasok ng mga bagong cast. Magsasama-sama at maglalaban-laban,” sabi ni Coco.
“Siguradong mag-e-enjoy at maliligayahan ang ating mga manonood.”
Read: Kenneth Marcelino wins 1st runner up at Mister Cosmopolitan 2025
