GORGY RULA
Parang kailan lang na pagkatamis-tamis ng turingan nina Mestisang Aktres at Hunk Actor sa isang TV drama series.
Kapag taping break ay parang may sariling mundo ang dalawa at seryosong nag-uusap.
Madalas na sinusundo noon ni Hunk Actor si Mestisang Aktres sa bahay nito para sabay silang dumating sa set.
Read: Hunk actor at tisay na aktres, involved sa rebound romance?
DEADMAHAN SA SET
Iba na ngayon.
Kanya-kanya na sila ng punta sa set, at deadmahan sa isa’t isa kapag taping break.
Ang tamis ay napalitan ng pait at asim.
In fairness to them, professional sila sa set at ginagawa kung ano ang kailangan nilang i-deliver.
Sa eksena na dapat magpakita ng matinding galit si Mestisang Aktres kay Hunk Actor, nanggagalaiti talaga ito. Masidhi ang poot.
Naglalagablab ang akting ni Mestisang Aktres. Natural na natural. Parang hindi siya umaarte.
Halatang may pinaghuhugutan si Mestisang Aktres!
Read: Mansion ni Amalia Fuentes sa Quezon City, giniba
NOEL FERRER
Noong una nating nabalitaan ito, may kutob na kaming hindi magtatagal ang kanilang pagkagiliw sa isa’t isa.
Lagi kong sinasabi, water finds its level. Parang hindi sila on the same page talaga nang matagalan.
Mas OK na nagagamit nila ang matinding emosyon sa mga eksena nila sa kanilang programa. Hanggang ganoon na lang siguro.
JERRY OLEA
Nai-imagine ko na tigib ng emosyon si Mestisang Aktres kung aawitin niya ang hit song ni Imelda Papin na "Isang Linggong Pag-ibig."
“Lunes nang tayo′y magkakilala/ Martes nang tayo'y muling nagkita/ Miyerkules, nagtapat ka ng yong pag-ibig/ Huwebes ay inibig din kita
“Biyernes ay puno ng pagmamahalan/ Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan/ Sabado, tayo'y biglang nagkatampuhan/ At pagsapit ng Linggo, giliw, ako'y iyong iniwan…”
Of course, more than one week naman ang pagkagiliw nina Hunk Actor at Mestisang Aktres. Pero relatively fast iyon.
Hindi pa batid ng ating source kung bakit furious si Mestisang Aktres.
Pero ang pakiwari ng ilang napagtanungan ng PEP Troika, mukhang may diperensiya raw kay Hunk Actor.
Kung ano man iyon, ibuhos na lang natin sa awit.
“Oh, kaybilis ng iyong pagdating/ Pag-alis mo'y sadyang kaybilis din/ Ang pagsinta mo na sadyang kaysarap/ Sa isang iglap lang, nawala ring lahat…”
Read: Ryan Bang's fiancée Paola Huyong takes down engagement photos; sparks breakup rumor
