JERRY OLEA
Teary-eyed si Gina Alajar nang tanggapin ang natatanging parangal sa gala night ng Philippine Film Industry Night (PFIM) 2025 noong Setyembre 11, Huwebes, sa Seda Vertis North, Quezon City.
Nagpasalamat ang actress-TV director kina Tirso Cruz III at Pen Medina sa magagandang salita ng mga ito para sa kanya sa VTR.
“Ngayong gabi ay I feel so blessed really. Nakatayo ako dito sa inyong harapan with a heart overflowing with gratitude,” sabi ni Gina.
“Maraming salamat, Direk Joey Reyes, at sa Film Development Council of the Philippines [FDCP] for this honor.”
Si Direk Joey ang chairman ng FDCP na punong-abala sa PFIM, kung saan ipinagdiriwang ang ika-106 na anibersaryo ng pelikulang Pilipino.
Read: Fernando Poe Jr.'s 2004 candidacy and untimely death: A lookback

"LONG OVERDUE" RECOGNITION FOR GINA ALAJAR
Pagpapatuloy ni Gina: “Noong unang sinabi sa akin ni Direk Joey ang tungkol sa recognition na ito a few months back, ang sabi ko sa kanya, ‘Bakit ako? Bakit ako?’
“And sabi niya sa akin, ‘It’s long overdue.’
“You know, to be recognized during the Philippine Film Industry Month is truly humbling.
“Lalung-lalo na at times when others may try to pull you down, this recognition reminds me to trust and honor the talent that God has blessed me with.
“Nag-umpisa po ako sa industriyang ito nang ako ay walong taong gulang.
“Isang bata na gusto lamang umarte sa harap ng kamera para matigil na yung sa isang corner ng kuwarto na kinakausap yung sarili.
“Hindi po ako masyadong lumaki sa height pero lumaki naman ang mga naging roles ko sa mga pelikula tulad ng Diborsyada, Playgirl, High School Scandal, Salome, Brutal, Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina?, at marami pa pong iba.
“Hindi ko akalain na magiging life-long journey ko pala ang pelikula. Along the way, I was given the privilege to grow not just as an actress but also as a director.
“At ito po ang natutunan ko: na sa bawat role, bawat kuwento, ay hindi lang para sa akin at tungkol sa akin.
“It’s for the Filipino people. It’s about our identity. Our struggles, our resilience, our hope. And most especially, our faith.
“Being here tonight ay hindi lamang po dahil sa aking journey sa industriyang ito, but most importantly, it’s about all the women who came before me, the many women working beside me now, and to all the women who are honored here tonight.
“Bow ako sa inyong lahat, you have my respect — Kelly [Raquel Villavicencio], Miss Malou [Santos], Mareng Lee [Briones-Meily], si Inang [Olivia Lamasan].

“At sino pa yung isa? Ahh, ako iyong isa. Mga babaeng hindi natakot pumasok sa isang industriya na hindi laging welcoming.
“At nagpapatunay na kaya nating gampanan hindi lamang ang pagiging artista kundi maging direktor, leaders, producers, at storytellers.
“This award belongs to every Filipina who continues to fight for her place in cinema.
“I am deeply grateful and I dedicate this award to my children, nandito ang isa, panganay.
“My two grandchildren who are here, Catalina and Luis. First time nilang um-attend sa ganitong event, and they’re so excited.
“Sa mga mahal ko sa buhay na nandiyan palagi, laging umiintindi sa akin.
“Sa aking anak na si Ryan na kahit bata pa, bata pa lang ay hindi ako masyadong nakikita sa bahay dahil sa pagtatrabaho. Maraming salamat sa iyo, anak. At sa iyong mga kapatid, Geoffrey and AJ.

“To my colleagues, my mentors, Lino Brocka, Gil Portes, lahat ay naniniwala sa aking kakayahan.
“To the writers, to the directors, to the crew members, lahat ng nakasama ko sa trabaho.
“And to our audiences, maraming-maraming salamat po for allowing us into your lives, for believing in the power of cinema to touch hearts and open minds.
“From the bottom of my heart, maraming salamat. Mabuhay ang FDCP! Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Mabuhay ang Pilipina! To God be the glory and the praise!”
Ang presenter sa parangal kay Gina ay ang matalik niyang kaibigan na si Anna Marin, co-star niya sa pelikulang Moral (1982) na idinirek ni Marilou Diaz-Abaya, mula sa panulat ni Ricky Lee.
Read: Mansion ni Amalia Fuentes sa Quezon City, giniba

GORGY RULA
Maraming socially relevant films si Gina Alajar na dinirek nina Lino Brocka, Marilou Diaz-Abaya, Ishmael Bernal, Gil Portes, Mel Chionglo, Laurice Guillen, Mario O’Hara, Maryo J. de los Reyes, Chito S. Roño, Mike de Leon, Joel Lamangan, Adolf Alix Jr., at iba pa.
“Alam mo, I think those movies are the ones na nakatulong para magkaroon ako ng saysay sa industriyang ito,” pahayag ni Gina sa panayam bago ang programa.
“Yung siguro at the time na kahit na hindi naman ako masyadong matapang, I was perceived to be matapang. Yung ganyan.
“And those movies naman created a stir in the industry. It created something, di ba, na pumukaw sa mga damdamin ng mga tao.
“Namulat ang mga mata ng mga tao sa buhay ng mga Pilipino, sa buhay ng mga kababaihan. Sa kanilang faith, sa kanilang hope, resilience ng mga Pilipino.”
Sa mga babaeng ginampanan niya, paborito ni Gina yung characters niya sa mga pelikulang Salome, Playgirl, Brutal, Moral, Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina?, at High School Scandal.
“Kasi, merong certain topics, e, na parang at that time, siguro it was advanced for its time, parang hindi pa masyadong aware yung mga tao sa mga nangyayari,” saad ni Gina.
“But ginawa na… yung Moral, we always say na it’s advanced for its time pero dumating na, andoon na, nagawa na.”
Read: Joy Belmonte asks Arjo Atayde about flood control project in QC
NOEL FERRER
“Pelikula at Pilipina” ang tema ng Philippine Film Industry Night (PFIM) 2025.
Hindi nakadalo sa gala night si Direk Olive Lamasan. May VTR message siya.
Ang tumanggap ng kanyang trophy at certificate ay si Ma’am Charo Santos-Concio.
May special citation para sa dalawang female director — Antoinette Jadaone na nagdirek ng pelikulang Sunshine, at Baby Ruth Villarama na nagdirek ng documentary na Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea.
FILMS FOR PEACE WINNERS
Nag-awarding din sa gala ng winners sa short film competition na Films for Peace. Winner bilang best short film ang The River Flows in Different Places ni Lot-lot Hermosuta.
Second place ang What Remains Warm nina Dexter Paul de Jesus at Drexler Jaramel.
Third place ang Wordplay ni Che Tagyamon.
Finalists ang Sorbetes ni Jennissie Gilbuena, at Ang Paglipad ng Saranggola sa Aplaya ni Danielle Cusi.

Inilunsad ni FDCP Chair Jose Javier Reyes o Direk Joey ang 1sapelikula (FDCP Film Fund and Labs).
Naglaan ng budget na PHP10M para rito ang FDCP.
Ang nag-host ng gala night ay si Yanah Laurel.
Performers sina Kuh Ledesma, Bituin Escalante, Angela Ken, Esang, Zephanie, at 92AD.
Read: Maine Mendoza insists husband Arjo Atayde not capable of stealing people's money
