JERRY OLEA
Extended ang deadline sa pagsusumite ng finished film entries para sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sa Setyembre 30, 2025 na ang deadline, sa halip na Setyembre 15.
Ini-announce iyon sa book launch ng MMFF coffeetable book na 50 Years of the Metro Manila Film Festival, Limang Dekada: Sine Sigla sa Singkuwenta.
Ginanap ang book launch sa Manila International Book Fair 2025 noong Setyembre 12, Biyernes, sa SMX Convention Center, Pasay City.
Sa Oktubre 10 ang announcement ng Final 4 entries ng MMFF 2025.
Ang MMFF Celebrity Golf Tournament ay sa Disyembre 9 sa Wack Wack Golf and Country Club.
Ang Parade of Stars ay sa Disyembre 19 sa Makati City, at ang gabi ng parangal ay sa Disyembre 27.
Read: Court junks criminal information vs. Tessa Prieto, ex-GF Angel Chua
MMFF HALL OF FAMERS
Kabilang sa mga unang pinagkalooban ng coffeetable book ang MMFF Hall of Famers na dumalo sa book launch.
Ang mga ito ay sina National Artist Ricky Lee, Judy Ann Santos, Direk Jose Javier Reyes, Ericson Navarro, Lee Briones-Meily, Roy Iglesias, at Lotlot de Leon na kinatawan ng yumaong ina ina na si National Artist Nora Aunor.
Si Nora ang may pinakamaraming best actress awards sa MMFF.
Nakakatuwa yung litrato na magkatabi sina Juday at Lotlot.

Si Nora ay tinaguriang Superstar, samantalang si Juday ay binansagang Young Superstar.
Sabi ni Lotlot: “It’s an honor to be here among all the greats in our industry. Maraming-maraming salamat sa MMFF.”
Humingi ng paumanhin si Lotlot na na-late siya ng dating dahil galing siya sa trabaho.
Aniya: “Talagang Tagaytay to here is a… kahit ano po, gagawin ko para sa aking nanay. Maraming-maraming salamat po sa pagpupugay once again sa aking ina na si Nora Aunor.
“At sa lahat po ng nagmamahal sa kanya at hanggang ngayon, pinag-aaralan ang kanyang sining, nawa’y maging inspirasyon po sa lahat ang naging buhay at trabaho ng aking ina.”
Read: Vice Ganda slams corrupt government officials anew
JUDY ANN SANTOS: YOUNGEST HALL OF FAMER
Sa mga Hall of Famer ng MMFF ay si Juday ang youngest.
Masayang pahayag ni Juday, “Salamat po sa pagsabing youngest. Minssn ko na lang marinig iyan.
“Kidding aside, salamat po. Napakarami kong magagandang experiences sa lahat ng mga taon na sumali ako sa MMFF mula dalaga pa ako.
“Hindi ko naisip kailanman na makakarating ako sa puntong magiging Hall of Famer ako! Ay! Nakakaloka ito!
“Pero sa tiwala ng mga direktor at manunulat at mga producers na walang tigil na nagbibigay ng mga magagandang proyekto sa akin, nabuo ako nang husto sa mga pelikulang isinali dito sa MMFF.
“Maraming natutunan, maraming magagandang memories, maraming pagod ang nakamtan ko dito. Pero yung pagod na napaka-worth it, kasi marami kang napapasayang mga tao.
“At masaya akong uuwi dahil maipapakita ko sa mga anak ko at asawa ko na kasama ako dito! Oo! Ha! Ha! Ha! Ha!
“As in konti na lang, kasimbigat na po siya ng trophy noong nakaraang 50th awards night. But again, sa MMDA, Sir, pasalamat po at mabuhay ang pelikulang Pilipino!”
Read: Mansion ni Amalia Fuentes sa Quezon City, giniba

GORGY RULA
Present sa book launch ang members ng MMFF ExeComm, sa pangunguna ni MMDA Chairman Romando “Don” Artes.
Andiyan sina Direk Laurice Guillen; Tita Boots Anson-Roa; Sir Wilson Tieng; ang ka-Troikang Noel Ferrer na spokesperson ng MMFF; executive director na si Atty. Rochelle Ona; FAP Director General Paolo Villaluna; Direk Joey Romero; Ms. Irene Jose na namuno sa panalangin, at iba pa.
Bahagi ng mensahe ni Chairman Atty. Don: “Sa loob ng mahigit limang dekada, ang MMFF ay naging tahanan ng mga kuwento at talento ng mga Pilipino.
“Hindi lamang ito basta festival ng pelikula. Ito ay pagdiriwang ng ating kultura, sining, at pagkamalikhain.
“Ang MMFF coffeetable book ay isang paraan upang balikan at ipagdiwang ang ating kasaysayan.
“Makikita rito ang mga larawan at kuwento ng mahahalagang sandali at tagumpay ng MMFF.
“Isa itong alaala ng nakaraan, at inspirasyon para sa hinaharap ng ating pelikulang Pilipino.
“Sana’y magsilbi itong paalala kung gaano kahalaga ang bawa’t pelikula, bawa’t kuwento, at bawa’t taong nagbigay-buhay sa ating industriya.”
Sa book launch ay kinilala at pinasalamatan ang ilang Hall of Famers ng MMFF dahil sa kanilang natatanging kontribusyon.
“Sila ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon at buhay sa pelikulang Pilipino,” dagdag ni Chairman Don Artes.
“Maraming salamat sa lahat ng katuwang at sumusuporta sa MMFF, lalung-lalo na po sa ating Pangulo, Ferdinand R. Marcos Jr., at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.
“Dahil sa inyo, patuloy nating naipapakita sa mundo ang galing ng pelikulang Pilipino.”
Read: Mestisang aktres, nanggagalaiti sa galit kay hunk actor
MMFF ICONS ON THE COVER
Ang MMFF icons na nasa cover ng coffeetable book ay sina Hilda Koronel, Christopher De Leon, Vilma Santos, Vic Sotto, Cesar Montano, Marian Rivera & Dingdong Dantes, Vice Ganda, Dolphy, Nora Aunor, at Fernando Poe Jr.
Sa table of contents ay nakalagay naman ang mga litrato ng National Artists na sina Lamberto V. Avellana, Lino Brocka, Ishmael Bernal, Eddie Romero, Fernando Poe Jr., Marilou Diaz-Abaya, at Ricky Lee.
Ang anim na chapters ng aklat — "Light, Shadow, and Story: A Brief History of the Festival"; "Moviemaking Over the Decades"; "Stories from the Box Office"; "Legends & Icons: The MMFF National Artists"; "MMFF: Evolution, Influence, and Consequence"; at "My MMFF Story."
NOEL FERRER
Eight months in the making ang librong ito.
Alam ng MMFF ExeComm na I have been wanting and pushing for this book — and it was truly an answered prayer to have realized this monumental project in time for our Golden Year!
Salamat sa aking mga katuwang sa mga magagandang pangarap para sa ating industriya, sina Attys. Don Artes and Rochelle Ona, who saw the value of documenting and making this book available to students and cineastes and Filipinos who love movies to appreciate our history and future efforts.
Salamat sa team ng ABS-CBN Publishing nina Mark Yambot, Kristine Hernandez, Noella Fonbuena, Ian Reyno, at sa lahat ng mga writers na naging parte ng paggawa ng librong ito.
AT LEAST, SAFE NA TAYO (in a good way), kasama na tayo sa magandang history ng pelikula at lipunan.
To the MMFF Execomm and the Hall of Famers who continue to be the paragon of excellence and inspiration, tuloy lang po tayo!
Ia-announce namin kung saan at paano makukuha ang napakahalagang librong ito na talagang labor of love!
Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!
Read: Joel Cruz, mas gustong tawaging "Sir" kahit mahaba ang buhok
