JERRY OLEA
As expected, dinumog ng fans at supporters ang star-studded book launch ni National Artist Ricky Lee sa Manila International Book Fair 2025 noong Setyembre 12, Biyernes ng 3:00 P.M., sa Function Hall 4 sa second floor ng SMX Convention Center, Pasay City.
Maagang dumating ang hosts na sina Jackie Lou Blanco at Phi Palmos; ang performers na sina Dulce at Arman Ferrer; at ang magbabasa ng excerpts na sina Luis Alandy, Kyline Alcantara, Chai Fonacier, Agot Isidro, Jolina Magdangal, Judy Ann Santos, Meryll Soriano, Jericho Rosales, at Michael V.
Read: Vice Ganda slams corrupt government officials anew

Bago pa man ang programa ay nakapanayam na ng PEP Troika sina Sir Ricky, Michael V, at Dulce sa backstage.
Dalawang aklat ni Sir Ricky ang inilunsad at pinagkunan ng excerpts — ang Agaw Tingin na collection ng non-fiction, at ang ikaanim niyang nobela na Pinilakang Tabing.
Unang sumalang sa pagbabasa ng excerpts si Jolina, na umalis agad dahil may iba pang commitment.
Hindi lang host sina Phi at Jackie Lou, kundi naatasan din silang magbasa ng excerpts.
Nag-standing ovation ang mga tao kay Dulce, at siyempre kay Sir Ricky.

THE READERS
Sa pag-i-introduce ng readers ay pinakamalakas siyempre ang palakpakan at hiyawan sa last three — kina Juday, Jericho, at Michael V.
Pinakamahabang excerpts na binasa ay kay Michael V. Si Bitoy rin ang nakatanggap ng pinakamasigabong palakpakan afterwards.
Hagalpakan sa kanyang pagbabasa ang audience, pati ang mga kasamahang artista na nasa entablado.

Pagtatapat ni Sir Ricky, talagang pinili niya ang mga artistang magbabasa sa book launch.
“Kaya yung iba sa kanila, naging suki ko na, paulit-ulit. At yung iba, nabago lang ngayon,” pahayag ni Sir Ricky.
“Sana, maging suki ko rin! So ayun, maraming-maraming salamat pati kay Jolina na kinakailangang umalis dahil may next engagement siya. Kay Dulce at kay Arman.
“Noong pinili ko yung excerpts, na-imagina ko na kung paano nila gagawin. Pero noong napanood ko kanina, hindi ko pa rin na-imagine iyong ginawa nila na ang huhusay.
“So, thank you, thank you.”
Matapos ang programa, nag-photo op ang mga artista with Sir Ricky, at pinapirmahan ang kani-kanyang script.
Pila-pila rin ang mga bumili ng libro para magpa-autograph kay Sir Ricky.
Pinagkaguluhan ng mga taga-media at vloggers para mainterbyu sina Michael V, Jericho, at Juday.
Afterwards, namataan namin si Dulce sa 5:00 book launch ni Joel Cruz sa Main Stage sa first floor. Present din doon si Manong Chavit Singson.
Read: Mestisang aktres, nanggagalaiti sa galit kay hunk actor
MMFF COFFEETABLE BOOK
Nag-segue naman sa 7:00 P.M. launch ng MMFF coffeetable book sina Sir Ricky at Juday, na kabilang sa MMFF Hall of Famers.
Mensahe ni Sir Ricky sa MMFF book launch: “Sinasabi ko sa lahat na MMFF baby ako dahil gaya ni Joey [Reyes], nakilala ako noong 1982 dahil sa Metro Manila Film Festival. Dahil may tatlong entries ako noon.
“At gusto kong sabihin na hanggang ngayon, active pa rin akong sumasali sa MMFF. Last year with Isang Himala and Green Bones.
“So, kumbaga, binubuhay ako ng MMFF!”

Noong Biyernes ding iyon ang opening night ng rerun ng dulang Para Kay B sa The Doreen Black Box Theater, Ateneo de Manila University, Quezon City.
Ang dula ay base sa nobela niya na kapareho ng pamagat.
NOEL FERRER
Ang sabi ni Sir Ricky Lee, hindi siya close kay Michael V. Wala siyang direct contact dito.
Yung napili niyang excerpts na babasahin tungkol sa karanasan ni Joel Lamangan sa shooting ng pelikulang Himala (1982) ni Ishmael Bernal, pakiwari niya’y bagay kay Michael V.
Ako ang nagbigay kay Sir Ricky ng number ng kaibigan kong si Carol Bunagan, na asawa ni Bitoy.
Tuwang-tuwa si Sir Ricky na pumayag agad ang comedy genius, ang walang kapantay, ang nag-iisang Michael V.
“Oo, kaagad!” masayang pag-amin ni Michael V sa eksklusibong panayam ng PEP Troika bago ang programa.
“Right away. ‘Ricky Lee? Book launch? O, sige!’ Ha! Ha! Ha! ‘Anong schedule ko nun? Wala? OK, sige, go!’
“Ano kasi, fan ako ni Ricky Lee saka madalas namin siyang napagkukuwentuhan sa Bubble Gang pagka nagkakaroon kami ng mga brainstormings especially… minsan sa Pepito Manaloto.
“And how he writes na… ang kuwentong stand out, sinasabi sa akin ni Cesar Cosme dati, pagka raw si Ricky Lee nagsusulat, ini-imbibe niya yung character.
“Parang nagiging siya yung character. It doesn’t matter kung anong gender nung character na sinusulat niya, nagiging siya yon.
“And that makes a very effective scriptwriter, na in-adapt ko personally. Pagka ako nagsusulat at dumadating ako doon sa puntong nag-aano pa, e, ina-assume ko pa iyong voices, ganyan.
“Pati yung paggalaw, pag-arte. So that was very helpful. Ako, ang ano ko noon, parang pangarap ko noon, magkatrabaho kami.
“Makagawa ako ng pelikula na si Ricky Lee ang nagsulat. Pero tingnan natin, baka ito na!”
Sana nga, matuloy ang collab ng Henyo ng Komedya at ang ating Pambansang Alagad ng Sining.
Read: Joel Cruz, mas gustong tawaging "Sir" kahit mahaba ang buhok
GORGY RULA
Si Judy Ann Santos ang pinakahuling nagbasa, at aminado siyang na-pressure pagkatapos magbasa nina Michael V at Jericho Rosales.
“Papunta dito paulit-ulit ko siyang binabasa. Hanggang kanina sa stage, binabasa ko siya. Hoping na hindi ako mag-buckle. Pero dahil sa nerbiyos… sundan mo ba naman si Michael V at si Jericho Rosales, hindi ka ba mape-pressure?” bulalas ni Juday.
Lalo na kay Bitoy na talagang tawa nang tawa si Judy Ann.
“Ang husay niya, e! Parang naririnig ko si Direk Joel sa kanya.
“Para ko na ring nakita si Ishmael Bernal, yung ganun. Oo nga ganito magkuwento si Direk Joel [Lamangan]. Kuhang-kuha, ang husay-husay ni Michael V,” sabi pa ni Juday.

Komento ni Meryll Soriano: “Tawang-tawa ako! Idol ko talaga si Michael V. Ha! Ha! Ha! I’m a fan. Ha! Ha! Ha!
“Kasi, naririnig ko talaga si Direk Joel, pati yung pilantik. Nakakatawa naman kasi itong isinulat ni Sir Ricky.”

Si Jericho Rosales ay first time niyang ginawa ito para sa book launch ni Sir Ricky. Kaya nagpapasalamat siya sa pagkakataong ito na naging bahagi siya sa mga librong inilunsad ng National Artist.
“It’s an honor talaga, and what a dream it is to read something from his book. First time ko, so it’s really exciting,” pakli ni Jericho.
Read: Fernando Poe Jr.'s 2004 candidacy and untimely death: A lookback

Matagal nang nasulat ni Sir Ricky Lee ang karamihan sa nonfiction collection na Agaw Tingin, pero napapanahon sa mga nangyayari sa ating bansa ngayon itong nakapaloob sa kanyang libro.
“Napapanahon, di ba? Ha! Ha! Ha!” natatawang pakli ni Juday.
“Kung iisipin mo nga, kahit matagal nang naisulat ni Sir Ricky yung iba niyang obra, hindi naman pala nagbago yung panahon. Di ba, yun yung realization ko nung nakikinig ako kanina.
“Hindi nagbago yung panahon. Mas lumala pa nga siya. Kasi yung buod nung nangyayari sa atin ngayon, nangyayari na siya noon, e.
“Yung ngayon lang, mas OA na, yung wala na talagang kunsensya yung ibang nasa likod nitong pangyayari.
“Paano tayo napunta dito? Paano tayo napunta sa ganitong sitwasyon na nawalan na ng compassion yung mga taong dapat sana, tumutulong sa atin,” saad ni Juday.
Hinaing ni Meryll, “I think, nagkakaisa ang buong Pilipinas sa dismaya, sa frustration, and sadness. I am lonely, I am sad that this happened.
“I mean, alam naman natin lahat ito, e. Kumbaga, parang nakakaloka na given na iyan pagdating sa politics.
“Pero yung ganito na parang sobrang sagad na sagad naman tayong mga Pilipino…”
Malaking karangalan para sa mga artista na nahilingan silang magbasa ng mga obra ni Sir Ricky Lee.
“Nakaka-proud talaga!” bulalas ni Michael V.
MICHAEL V. AS CIALA DISMAYA
Naisingit pa ni Bitoy na i-promote ang karakter niyang Ciala Dismaya na gagawin niya sa Bubble Gang mamayang 6:10 PM.
“Kung magiging instrumento ito para magmulat pa sa ibang tao sa mga isyu na dinadaanan ng mga Pilipino ngayon, why not, di ba?” sambit ni Michael V.
“Gawin na!”

Yung unang teaser ng Bubble Gang sa Facebook kung saan nakatalikod si Ciala Dismaya ay naka-11.9M views na.
Ang isa pang teaser na nag-mic test si Ciala Dismaya, 12.2M views naman.
Read: Michael V, ipakikilala na si "Ciala Dismaya" sa Bubble Gang
