PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michael V di intensyon maka-offend sa pag-spoof kay Sarah Discaya

Michael V., ipapakilala na sa publiko si Ciala Dismaya.
by PEP Troika
Published Sep 14, 2025
michael v sarah discaya
Michael V. launches his new character in Bubble Gang as "Ciala Dismaya" (left), inspired by controversial contractor Sarah Discaya (right).
PHOTO/S: Bubble Gang Facebook / House of Representatives Facebook

GORGY RULA

Parang nakahinga raw nang maluwag si Michael V. nang nalaman niyang hindi naman pala totoo yung unang nabalitang na-offend si Sarah Discaya sa pag-impersonate niya rito bilang Ciala Dismaya.

May kuwento pang balak pa raw magsampa ng reklamo ang mga Discaya sa gagawin ni Bitoy sa gag show na Bubble Gang ngayong Linggo ng 6:10 P.M.

“Natuwa ako siyempre! Nakahinga ako nang maluwag,” bulalas ni Bitoy nang nakatsikahan namin pagkatapos niyang mag-reading sa book launch ni Ricky Lee sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center noong Biyernes, September 12, 2025.

“Kasi siyempre, nung nag-spread yung rumors na, ‘O, di raw nagustuhan at baka grounds para magdemanda.’

“Parang for me, we’re doing this for a long time na ginawa ko na nga dati si President GMA, President Erap, President Duterte, na parang… never naman nangyari ito, e. Kaya confident ako na hindi naman gagawin.

“And true enough, parang ano raw, parang mga fans pa nga raw sila ng Bubble Gang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, parang looking forward ko sila na mapanood. So, ako, thank you sa inyo,” sabi pa ng komedyante at director.

Read: Michael V, ipakikilala na si "Ciala Dismaya" sa Bubble Gang

NO INTENTION TO OFFEND ANYONE

Nilinaw ni Michael V na kahit noon pa man, kung saan marami na silang kilalang personalidad na na-impersonate, maingat daw silang hindi sila makaka-offend sa taong ginagaya nila.

“Knowing the show naman na for 30 years na track record namin, never naman talaga kami nang-offend. Never kami nangyurak ng pagkatao ng mga tao.

“Ako, especially, talagang nilalagyan ko ng limitations, kung ano lang yung puwede at hindi puwede,” sabi ni Michael V.

Tinanong siya kung para saan itong ipapakilala nilang si Ciala Dismaya sa Bubble Gang.

“Mamulat… pero itong sketch namin, magulat lang!” napangiti niyang sagot.

michael v ciala dismaya
Michael V. as Ciala Dismaya
Photo/s: Bubble Gang Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Marami ang natuwa at excited sa gagawin niyang Ciala Dismaya sa Bubble Gang.

Pero may ilan ding hindi natutuwa, at nakakarating daw kay Michael V. ang mga bashing.

“Nagulat nga sila na na-block na sila, e!” natawa niyang pakli.

“Kasi sa atin din yung power, di ba? Papaapekto ba tayo sa bashers o hindi?

“Kaya marami sa kanila na wala naman talagang magawa, e. Wala namang naitutulong, wala namang naiaambag.

“So, parang payo ko rin sa lahat ng mga taong may mga bashers, kung hindi niyo naman kilala itong mga ito at wala namang maitutulong sa inyo, block niyo na lang.

“Ang dami ko nang na-block,” dagdag ni Michael V.

Itong pagpapatawa nina Michael V sa kanilang gag show, kahit paano ay nakakatulong din para maging aware sa mga nangyayari sa ating lipunan.

Pero hindi na raw nakakatuwa itong nangyayari ngayon at baka mas malala pa ang mga susunod na magaganap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, hindi masaya kasi loyal taxpayers kami ng asawa ko, e. Madalas nag-uusap kami about migrating, sa ibang bansa.

“Ako, sinasabi ko palagi, ‘Hindi, dito lang tayo kasi mahal ko yung bansa.’ Tapos… hindi naman sa walang fault ang Pilipinas o ang gobyerno natin.

“Marami siyempre. Kaya lang siyempre yung hope na sana, one day, magbago… e, sinasakyan ko pa rin,” saad ni Michael V.

Basta, idol at kaibigan natin si Bitoy, at excited pa ako sa napakarami niyang puwedeng gawin sa kanyang sining…

Kasi, ang galing-galing niya talaga!!!

Read: Michael V., bentang-benta sa book launch ni Ricky Lee

JERRY OLEA

Aon kay Michael V., ayaw na sana niyang mag-impersonate ng babaeng character.

“Ayoko na nga mag-mujer actually, e. Kaya lang siyempre, may clamor, e, para dito sa character.

“So, we had to do it. Feeling ko, kung makakatulong to sa pagke-create ng awareness sa totoong nangyayari sa isyu ng mga nangyayari sa bansa natin, e, di sige, by all ‘memes!’” nakangiti niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod pa riyan ay napansin din niya mismong magkamukha sila ni Sarah Discaya, kaya sa tingin niya ay dapat niyang gawin ito.

“Nakakatuwa rin na parang… o sabi ko kay Lord, saka sa mga magulang ko, thank you for giving me this face. Ha! Ha! Ha!” natatawa niya uling pahayag.

Tatlong Ciala Dismaya sketch na raw ang nai-tape nila sa Bubble Gang, at titingnan nila kung paano ito tanggapin ng mga manonood.

“Antayin nyo ngayong Sunday, 6:10 P.M. sa GMA. Maraming ire-reveal si Ciala Dismaya,” sabi ni Michael V.

“Sana’y hindi kayo madismaya. At sana, bumaha… ng katatawanan.”

May message ba siya para kay Sarah Discaya?

“Wala. Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting pang halakhak ni Michael V.

Read: Vice Ganda praised for handling It's Showtime gaffes with poise

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V. launches his new character in Bubble Gang as "Ciala Dismaya" (left), inspired by controversial contractor Sarah Discaya (right).
PHOTO/S: Bubble Gang Facebook / House of Representatives Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results