GORGY RULA
Magkakaiba ang reaksiyon ng mga nakapanood sa Bubble Gang noong Linggo, September 14, 2025.
Inabangan nila ang tatlong sketches ng karakter na si Ciala Dismaya na ginampanan ni Michael V. Inspired ito siyempre ng kontrobersiyal na contractor na si Sarah Discaya.
Medyo nabitin ang iba, pero naiintindihan daw nila kung maingat sina Bitoy sa ginawa nila dahil mainit at iniimbestigahan pa ang isyung kinasasangkutan ni Sarah.
Read: Michael V di intensyon maka-offend sa pag-spoof kay Sarah Discaya

Sinunod lang nila at ginawang katatawanan ang ilang tagpo sa imbestigasyon na ginawa ng Blue Ribbon Committee ng Senado.
Meron din silang si Senator Espada, na ginampanan ni Matt Lozano; at si Senator Markolekta, na ginampanan naman ni Betong Sumaya.

Pinuri ng marami si Matt na kuhang-kuha raw ang pag-i-impersonate kay Senator Jinggoy Estrada. Safe na safe?!

Nakakatuwa ang ilang sketch na ang style ay parang si Mr. Assimo, isa pang sikat na karakter ni Michael V. sa Bubble Gang.
Mas may pitik pa ang isang segment nilang "Gabi ng Guni-Guni Awards" na ang host ay sina Paolo Contis at Chariz Solomon, at korteng buwaya ang trophy na ibinibigay.
Ang winner nila roon ay ang karakter na si Claude Coracot ng pelikulang Mayaman Ang Tatay Ko, at si Mike Areglo ng pelikulang Mamaw the Ghost Project.
Read: Kim Chiu admits "honest mistake" after mispronouncing IV of Spades

TV RATINGS
Okay naman ang rating ng episode na ito ng Bubble Gang, na naka-9.4%.
Ang katapat nitong Rainbow Rumble ay 2.3%.
Mataas ang pilot episode ng bagong season ng The Voice Kids na hinu-host ni Dingdong Dantes. Naka-12.7% ito, at ang Idol Kids Philippines ay 4.2%.
Sumunod ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-16.2%; at 1.7% ang Rated Korina.
Kahit replay lang ang The Boobay and Tekla Show ay naka-4% ito.
Sa hapon naman ay naka-3.2% ang All-Out Sundays, at 1.7% ang ASAP Natin ‘To.
Sumunod ang Regal Studio Presents na 3%.
Ang Resibo ay 3.5%, at ang FPJ sa GMA ay 5.8%.
Ang 24 Oras Weekend ay 8.5%, ang Frontline Weekend ay 1.2%, at ang TV Patrol Weekend ay 1.3%.
Read: Dingdong Dantes weighs in on political turmoil around the world
NOEL FERRER
Noong Sabado, September 13, naka-5.7% ang It’s Showtime, kung saan nagkabulilyaso sa kanilang "Laro Laro Pick" segment.
Ang Eat Bulaga! na nag-remote sa isang eskuwelahan sa Bataan, naka-3.3%.
Sumunod ang My Father’s Wife na 6.7%. Ang Tadhana naman ay 5.7%, at ang sumusunod na Wish Ko Lang! ay 5.3%.
Ang MAKA Lovestream ay 3.9%.
Pagdating ng primetime ay medyo bumaba ang ratings.
Ang 24 Oras Weekend ay 6.3%, ang Frontline Weekend ay 1%, at ang TV Patrol Weekend 1.2%.
Ang Pepito Manaloto ay 7.8%, at ang katapat na Rainbow Rumble ay 2.4%.
Ang Stars On The Floor ay 8.2%, at ang Idol Kids Philippines ay 5.5%.
Read: Vice Ganda praised for handling It's Showtime gaffes with poise
JERRY OLEA
Gusto ba ng televiewers ng more Ciala Dismaya sketches sa Bubble Gang?
Yung sketch ng pagbili ni Ciala Dismaya ng payong — as we write this — ay naka-7.9M views na sa Facebook page ng Bubble Gang.
Yung sketch kung ilan ba ang luxury cars, 7.2M views na sa nasabing FB page.
At yung paglilinaw ni Ciala sa records ng bidding, 4.4M views. Sa mga development pa kaugnay sa mga kinasangkutan ni Ciala, kailangan pa bang i-subpoena iyan?
“More! More! More!”
BATANG QUIAPO BAGONG YUGTO
Samantala, interesting pa rin sa atin ang bakbakan ng mga programa sa primetime.
Nasimulan na ang taping ng Book Two ng Encantadia Chronicles: Sang’gre.
May bagong yugto rin siyempre ang FPJ’s Batang Quiapo.
Nakahanda na ang batalyon na mga tauhan nina Tanggol (Coco Martin) at Ramon (Christopher De Leon) para sa nagbabadyang pagsugpo nina Miguelito (Jake Cuenca) at Roberto Guerrero (Albert Martinez).
Desidido na kasi silang tapusin ang angkan ng isa’t isa pagkatapos ang matindi nilang alitan sa eleksyon.
Nakipagsanib-puwersa si Roberto sa kapulisan, sa pangunguna ni Rigor (John Estrada) kasama ang baguhang pulis na si Ponggay (Maris Racal), upang pabagsakin ang mga Montenegro na kilalang mga drug lord sa bansa.
Magiging personal din ang laban dahil tila mag-aagaw buhay si Ramon matapos siyang matadtad ng bala ng mortal niyang kaaway na si Rigor.
Maaksyon din ang engkwentro sa pagtakas ni Olivia (Chanda Romero) sa mansyon ng mga Montenegro dahil makakaharap niya sina Miguelito at Roberto.
Makakaligtas pa kaya si Olivia matapos siyang barilin ni Miguelito?
Paano magbabago ang mundo ni Tanggol sa pagsasanib-puwersa ng kanyang mga kaaway para tapusin ang kanyang buhay?
Read: Lav Diaz believes Vice Ganda is a strong contender vs Sara Duterte
