PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelu de Leon, nag-react sa "coordinated attacks" kay Vico Sotto

Angelu de Leon, sinagot ang "coordinated attacks" kay Vico Sotto
by PEP Troika
Published Sep 15, 2025
angelu de leon vico sotto
Councilor Angelu de Leon on Pasig City Mayor Vico Sotto: “Mayor po siya. Ang pinamumunuan niya ay sa LOKAL na pamahalaan. Hindi po personal ang laban niya, lumalaban po siya para sa Lungsod Pasig para MAIBALIK ANG MGA SINASABING NINAKAW SA AMING LUNGSOD."
PHOTO/S: Jerry Olea / GMA Integrated News

GORGY RULA

Nag-react ang aktres at Pasig City councilor na si Angelu de Leon Rivera sa coordinated attacks kay Pasig City Mayor Vico Sotto (MVS).

Facebook post ni Konsehal Angelu nitong Setyembre 15, 2025, Lunes ng umaga (published as is):

“Para klaro po sa ating lahat at maintindihan natin bakit naka-focus si Mayor Vico sa isyu lang ng mga Discaya kasi hindi siya EPAL.

“Mayor po siya. Ang pinamumunuan niya ay sa LOKAL na pamahalaan.

“Hindi po personal ang laban niya, lumalaban po siya para sa Lungsod Pasig para MAIBALIK ANG MGA SINASABING NINAKAW SA AMING LUNGSOD.

“Tulad ng lagi niyang sinasabi ‘PERSONAL at COMMON KNOWLEDGE ang mga hinahayag niya at sinasagot lang niya ang mga tanong sa kanya.’

“Meaning hindi niya gagawin na magname-drop lang ng mga pangalan kung wala naman talaga siyang MATIBAY NA EBIDENSYA.

“Kung hindi niya muna malilinis ang sariling bakuran, ano ang karapatan niya para makisawsaw sa bakuran ng hindi niya nasasakupan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa panahon ngayon kailangan na nating mga PILIPINO MAGING MATALINO.

“Maganda din na sana ipagdasal natin na magkaroon ng KONSENSYA ang mga TUNAY na may alam sa mga PAGNANAKAW sa ating bansa…

“Pero mukhang may tinamaan o mukhang guilty kasi pagtapos niya maging resource person bigalang dumami na ang coordinated attacks sa social media kay MVS.

“Bato bato sa langit ang tamaan sana UMAMIN.”

Read: Vico Sotto warns public not to be deceived by Discayas' lies

angelu de leon post
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Nakatsikahan sandali ng PEP Troika si Angelu de Leon sa gala night ng Philippine Film Industry Night (PFIM) 2025 noong Setyembre 11, Huwebes, sa Seda Vertis North, Quezon City.

“I’m 100 percent with Mayor Vico because siyempre may first-hand infos din naman kami,” saad ni Konsehal Angelu.

“Especially with what happened doon sa eto, itong 2023, 2024…”

Napakarami ang bilib kay Mayor Vico Sotto, pero marami-rami rin ang naninira rito nowadays. Tinatarget siya ng mga troll, gigil na gigil at kung anu-ano na lang ang ibinabato.

“Normal na yan! Oo, marami na namang kumikita ngayon,” natatawang bulalas ni Konsehal Angelu.

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Oo, good for the economy. Ha! Ha! Ha! Ha!”

COUNCILOR ANGELU DE LEON ON "KURACAUGHT"

Bilang public servant, ano ang saloobin niya sa pagsambulat sa mga isyu ng mga kuracaught?

Seryosong tugon ni Konsehal Angelu: “Alam mo, siguro yung first time, I remember merong… first hearing ba yon? Basta, yung pinapanood ko two weeks ago, yung umpisang-umpisa talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam mo, sabi ko nga doon sa post ko, umikot yung sikmura ko. As in nakakasuka, alam mo yun?

“Iba yung right in front of you, makikita mo that it’s becoming real. Kasi, I’m sure, lahat naman tayo, in some way, there’s the subconscious reality that we know it is happening.

“But we don’t know the grand scale, di ba? Pero ngayon that it’s becoming real because lumalabas na lahat, I can’t help but feel sad.

“Kasi, doon ko sinabi — hindi mahirap ang Pilipinas.

“May mga nagpapahirap lang na tao na Pilipino na nakakabuwisit!”

Nakakaloka yung litrato ng limpak-limpak na salapi na kickback…

“I mean, yung parang feeling ko, that’s only barely scratching the surface, alam mo yon?” sambit ni Konsehal Angelu.

“Pero I think this is a good reminder not just because ito iyong reality, ha? Hindi lang yun, e.

“It’s a good reminder for us voters na magkaroon na ng ibang mindset. Kasi ngayon, alam na natin na may ganitong reality, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And I think it’s good para sa mga batang voters, na eventually magiging leaders, di ba?”

Nakaramdam ba siya ng takot sa mga kaganapang ito? Agam-agam?

Umiling si Konsehal Angelu: “Siguro hindi takot yung ano. Kasi, once you stand with the truth, truth does not have fear, e.

“Pero yung challenge to sustain it, to sustain na may kahahantungan lahat ng ito, yun yung challenge.

“Kasi, baka mangyari na naman — isyu ngayon, malabo na bukas. Nakalimutan na kinabukasan.”

Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews

NOEL FERRER

Habang papalapit na ang Setyembre 21, Linggo, kung saan magkakaroon ng Trillion Peso March, alalahanin natin na ang ipinaglalaban dito ay hindi politiko, kundi tayo!

Kasi, sinimulan lang ni Mayor Vico ang pagsisiwalat nito, ngunit ang kapangyarihan talaga ay nasa tao!

The power of the people is stronger than the people in power!

Kaya huwag nating hanapin sa iba ang solusyon. Tayo ang dapat na solusyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dapat may makulong. Dapat may managot.

Pero sabi nga ni Mayor Vico, dapat IBALIK ANG PERA sa mga taong ninakawan!

Read: Vico Sotto raises doubts on Discaya couple's Senate testimony

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Councilor Angelu de Leon on Pasig City Mayor Vico Sotto: “Mayor po siya. Ang pinamumunuan niya ay sa LOKAL na pamahalaan. Hindi po personal ang laban niya, lumalaban po siya para sa Lungsod Pasig para MAIBALIK ANG MGA SINASABING NINAKAW SA AMING LUNGSOD."
PHOTO/S: Jerry Olea / GMA Integrated News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results