JERRY OLEA
Nakadalawang gabi ang Wagi! concert ni Dulce noong Hulyo 11 at 12, 2025 sa BGC Arts Center sa Taguig City.
Ang rerun nito na Waging-Wagi! ay nakatakda sa Setyembre 27, Sabado, 8:00 P.M., sa kaparehong venue.
“Nagulat nga ako at may rerun,” sambit ng Asia’s Timeless Diva bago ganapin ang book launch ni Sir Ricky Lee noong Setyembre 12, Biyernes, sa SMX Convention Center, Pasay City.
“Aba! Talagang sabi ko kay Direk Rowell [Santiago], ‘You are taking a risk on me, ha?!’ ‘Hindi, you deserve it,’ sabi niya. O, hindi ba?!
“Masaya ako, kasi parang hindi ako makapaniwalang may ganun. Kasi, I know, sabi ko sa kanila, sa producers, AIP Media, alam ko, tanggap ko, alam niyo na hindi ako sell-out artist.
“Hindi talaga! Siyempre natatakot ako, baka mamaya, hindi tauhin.”
Read: "Ciala Dismaya" sketches sa Bubble Gang: nakakatawa o nakakadismaya?

DULCE ON SUPPORTING FELLOW OPM ARTISTS
In fairness, suportado siya ng kapwa artists. Siya rin naman, sumusuporta sa ibang mga mang-aawit.
“Actually, nanonood ako sa lahat hangga’t kaya ko lalo na sa atin, yung local natin,” pahayag ni Dulce.
“Sinu-support ko yan, lahat, itong mga Hitmakers. Kada may concert, nandoon ako.
“So, masaya kasi na buhay na buhay ang ating industriya, ang ating concert scene, sa mga original talaga na mga batikang mang-aawit.
“Hangga’t buhay kami, no?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! At salamat sa mga ganitong pagkakataon, itong kay Sir Ricky Lee, I’m so blessed.
“You know, I feel yung… alam mo yun, parang proud na kasali ka, isinasali ka sa mga ganito.
“Ang ganda nga nung dedication niya [sa libro], sabi niya, sinulat pa niya na noong huli niya akong in-invite sa pag-launch ng Amapola…”
Ang Amapola na tinutukoy ni Dulce ay ang 2011 novel ni Sir Ricky na Si Amapola sa 65 na Kabanata.
Inilunsad iyon noong Nobyembre 11, 2011 sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City.
Maliban kay Dulce, present sa nasabing book launch sina Ely Buendia, Charo Santos-Concio, Judy Ann Santos, Joel Lamangan, Ai-Ai delas Alas, Eugene Domingo, Cherry Pie Picache, Joem Bascon, Ryan Agoncillo, at Jon Santos.
“Masaya! Si Sir Ricky, naku, National Artist yan, and very supportive. He came to watch the show, sa Wagi!” saad ni Dulce.
“And nakakatuwa lang na may sinulat na, ‘Ever since naman ay fan mo ako.’ Naaliw ako talaga. So, salamat.
“Salamat sa lahat ng mga sumusuporta. Salamat sa mga nanood na noon, at maraming salamat sa mga manonood at bibili pa ng tiket to support our show.”
Read: Vice Ganda praised for handling It's Showtime gaffes with poise
NOEL FERRER
Sa puntong ito ng kanyang buhay, pakiramdam ba niya ay waging-wagi siya? Kahit may mga pagkatalo at pagkasawi…
Tumango si Dulce: “Ay! Oo, alam mo kasi, yang pagkatalo, laging nandiyan yan. Pero you have to focus yourself on being wagi!
“Ako kasi, ang pananaw ko sa buhay is that when you have the Lord Jesus Christ in your life, you are victorious.
“Walang tatalo doon. Kasi, yung mga pagsubok na yan, kung anu-ano yung mga sakit sa buhay na yan, mga kung anu-anong mga hinanakit — nangyayari’t nangyayari yan.
“But at the end of the day, you have to always look at kung ano ba talaga yung mas mahalaga.
“Doon ka sa pagwawagi. And knowing that ang Panginoon, nandiyan. Hindi ka kailanman pababayaan kahit ano pa iyong dinadanas mo, mga kalungkutan, ganyan.
“God will always be there. Kasi, andami niyang promises, e. Actually andami, sa Bible, andaming promise. He will never leave you nor forsake you.
“Kahit pag physical na sakit, He is your healer. So, OK, OK na iyan. Kumbaga ako, I just take things in stride and accept things.
“As it comes, as it comes. And huwag ka nang mag-stress doon. Tanggapin mo.”
Read: Mika Salamanca, Brent Manalo recall their PBB moments with fans
GORGY RULA
Ang gaganda ng mga kuwento ni Dulce sa likod ng kanyang mga awit.
“Kuwento ng buhay,” sabi ni Dulce, “sinabihan ako na ikuwento ko. Binigyan ako ng kalayaan na sabihin yung totoo.
“At saka wala nang nagagalit, wala nang nagkokontrol na dayain mo pa ang mga anak mo na, ‘Ganito ako.’ Bawal sabihin kung saan ako nanggaling.
“Noon kasi, ganoon, e. Hindi puwedeng ikuwento, kaya hindi ako kilala ng ibang mga anak ko, e.
“Kasi, bawal ikuwento na galing ako sa bundok.”
THE GIRL FROM THE MOUNTAINS
Galing siya sa pagtatanim ng kamote?
“Yeah,” mabilis na tugon ng Asia’s Timeless Diva, “siyempre mula noong ipinanganak ako, yun na ang buhay ko sa probinsya, sa Cebu.
“Ang lahi namin talaga, sa bundok talaga, pero ipinanganak ako doon sa bandang patag na, gilid ng ilog.
“So yun, buhay na nagtatanim ng mais, nagha-harvest ng mais, lahat ng halaman. Kaya pagdating ng Manila, quantum leap yun.
“Parang, ‘Huh?! Bakit nandito ako sa isang lugar na hindi ko alam?!’ So, para kang… wala, tinanggap ko lang.
“Ang alam ko lang, kailangan kong maghanapbuhay.”
So, puwede siyang bumalik sa pagtatanim na kamote, mais, at kung ano pa man?
“Puwede! Because you know, at the end of the day, ganito yun, e. Mga anak mo, may kanya-kanyang buhay,” paliwanag ni Dulce.
“Kahit na nga yung malalaki na, siyempre, hindi ka puwedeng basta- basta manghimasok because they have their own na, e.
“May space na sila. So, I don’t invade. Nasa kanila na yun. Ngayon, sabi ko, ‘E, alam nila yan.’
“Sabi ko, ‘Pag wala na kayo, kanya-kanya na kayo, babalik talaga ako.’ I am preparing myself.
“I am preparing myself, yeah. Kasi, at least, buhay pa ako, nakabalik na ako sa pinanggalingan ko.”
Read: Judy Ann Santos takes a break from MMFF, open to doing teleserye
