GORGY RULA
May hiling si Governor Vilma Santos-Recto sa mga taga-Batangas pagdating sa kanyang pagiging aktres.
Sa nakaraang book launch ng libro niyang Vilma Santos, Icon, natanong siya tungkol sa pagbabalik-pelikula.
Ngayong bumalik na siya sa pulitika, balak ba niyang gumawa kahit isang pelikula lang?
Read: Vice Ganda praised for handling It's Showtime gaffes with poise
Ito raw ang hiling ni Governor Vi sa mga Batangueño na sa loob ng tatlong taong pagsisilbi niya, sana ay makagawa siya kahit isang pelikula lang.
“I will be serving Batangas again for three years,” sabi ni Ate Vi noong Setyembre 12, 2025, Biyernes, sa SMX Convention Center, Pasay City.
“Sabi ko, 'Pagbigyan niyo naman ako kahit isang movie, na meron akong magawa.'
"But the good thing is, may plano naman itong movie na ito, which is I’m also very excited.
“Isa lang naman.”
VILMA EXCITED FOR HER NEXT MOVIE
Hindi pa idinedetalye ng Star For All Seasons kung anong film project ang tinutukoy niya, pero may mga pag-uusap na raw tungkol dito.
“May mga meetings, okay. May mga nangyayaring meetings na ginagawa namin ngayon.
“Very exciting story, very exciting cast, very exciting director, a very exciting script.
“But… plan is anytime next year. But, I’m still a public servant,” diin ng actress-politician.
Read: Arnel Pineda faces arrest over VAWC case
NOEL FERRER
Pero ayon kay Ate Vi, mas matrabaho, mas mahirap ngayon ang ginagawa niya bilang governor ng Batangas.
Iba na kumpara sa panunungkulan niya bilang governor ng Batangas siyam na taon na ang nakararaan.
“Wala pa akong 100 days ngayong bumalik na ako sa Batangas as nanay. Wala pang 100 days, wala pa,” pakli niya.
“So, I’m doing my very best.
"But the good thing is, you know, if I may share with you, naging governor ako, 2007 to 2016. I was able to finish my three terms. So, graduate na ako.
“Ngayon, nahilingan ako bumalik, and thank God and thank you to all the Batangueños, kasi binigay pa rin yung tiwala sa akin.
“Nanay na naman ako ng Batangas.”
Read: Vilma Santos, may tatlong sinusunod upang labanan ang korapsyon
NEW INTERVENTIONS AND INNOVATIONS
Malaki raw ang pagbabago ngayon at iba na ang pagsilbi niya kumpara nung una.
Saad niya: “The thing is, malaki na yung difference nine years ago and now, ang present.
“So, there are a lot of interventions and innovations na pinatutupad ko ngayon sa Batangas, and to all my constituents.
“The difference now… we cannot argue with technology anymore. AI na ang labanan, tama po ba?
“Ang akin ngayon, we should adapt our service, the programs, the projects sa panahon ngayon. Which means, fast track na lahat. De-pindot na ngayon, tama?
“Isang pindot lang, lalabas ang lahat na pangangailangan mo. Ganyan na ngayon ang technology. Ganyan na ngayon ang gusto kong mangyari.”
JERRY OLEA
Ngayong Martes, September 16, ay nag-post si Ate Vi sa Instagram story na pasado alas-sais ng gabi na siya nakauwi.
Sabi niya, “On our way home. Thank You Lord, very positive day. Salamat po.”
Tinitiyak daw niyang maihatid ang serbisyo sa kanyang mga sinasakupan.
Sabi pa niya: “Sa Batangas, alam ng pamilya ko sa Kapitolyo, which means department heads, lahat yan.
“In work and in service, no such a thing as tomorrow is another day. Because the deadline is yesterday.
“Which means, finish your work, as long as andiyan ang pondo, andito ang programa, ang proyekto, nakasunod tayo sa batas. Make sure the next day, deliver na ang serbisyo sa tao.
“Kaya ang isa sa ginagawa ko ngayon, if you notice, kung sino nakakapanood sa social media, medyo pagod ako.
“Kasi ngayon, ang isa sa pinatutupad ko rin, noong pumunta kayo lahat dito sa Kapitolyo, if you need something...
“Isang tinutupad ko ngayon, Kapitolyo na ang lumalapit sa tao.
“If any honorarium, if any ayuda para ibigay sa tao, hindi na kayo pupunta para pumila dito. Bibiyahe pa, kakain…
"Kami na at ang team ko ang pupunta sa distrito ninyo.
“So, yun ang isa sa mga innovations at interventions na ginagawa kong serbisyo sa Batangas.”
Read: Lav Diaz believes Vice Ganda is a strong contender vs Sara Duterte
