GORGY RULA
Inilunsad nina RS Francisco at Sam Verzosa ang bagong P-pop group bilang Luxxe White Gems sa kanilang Frontrow Building sa Quezon City, noong Huwebes, September 11, 2025.
Ito yung grupong 6ENSE (pronounced as 6th Sense) na binubuo ng anim na miyembro: sina LA (22), Caizer (21), Axis (27), Roku (22), Wiji (27), at Hunter (21).
Na-discover ni RS ang 6ENSE nang mag-perform sila sa 73rd FAMAS noong August 22, 2025. Na-impress daw siya nang mag-perform ang mga ito.
Read: "Ciala Dismaya" sketches sa Bubble Gang: nakakatawa o nakakadismaya?
Lahad ni RS: “Nakita namin ang potential ng 6ENSE. Just like nung binuo namin yung Bilib.
"Nung nakita namin yung potential ng Bilib, ganun din yung nakita naming potential ng 6ENSE.
“Kasama ko po sila sa FAMAS nung nag-host po ako, tapos kinuha sila to perform. Nung nakita ko sila, sabi ko, meron itong potential.
“And alam niyo naman tayo, nakakita tayo ng may potential kahit sa anumang bagay, gusto natin i-help. Lalo na i-enhance.”
Sinubukan din daw ni RS na isalang ang 6ENSE sa pag-aari nilang drag club na Rampa sa Quezon City at sa ibang events; pati na sa Vice Comedy Bar, at nagustuhan daw sila ni Vice Ganda.
Pagpapatuloy ni RS: “So ngayon, nung na-meet ko po sila, nakita ko na they’re hungry, they’re very determined, they’re very focused, and they’re very cohesive.
"Sila as a group, talagang they work as a group.
“Nung sinalang ko po sila sa Rampa, ‘Sige, testing, sayaw kayo sa Rampa.’
“Alam niyo po, yung buong Rampa nagkagulo, nag-enjoy, humingi pa ng encore, humingi ng isa pa.
“Kaya nung sabi ko, ‘OK, ang ganda ng reception natin sa Rampa. Try natin sa iba.’
“So nung tinray namin dito sa event sa Luxxe White, nagkagulo din yung mga Luxxe White distributors.
“So sabi ko, ‘Alam mo, dito kayo bagay sa Luxxe White.’ So, sila ngayon ang 6ENSE, ang latest Luxxe White Gems natin.”
Nag-pictorial na ang 6ENSE nung Huwebes at pinapirma na sila ng kontrata.
Pursigido raw si RS na lalo pa raw silang i-develop.
Read: Judy Ann Santos takes a break from MMFF, open to doing teleserye

MEET THE MEMbers of 6ENSE
Noong December 2024 lang nabuo ang 6ENSE.
Meron na silang na-record na dalawang kanta — ang "Amin-Amin" at "Para sa Yo."
Ilulunsad naman nila sa September 26 ang latest single nilang "Muni-Muni."
Nasa Spotify na raw ito at iba pang digital platforms pagkatapos ng launching nito.
Sabi ni Wiji, na tumatayong leader ng grupo at nagsusulat ng mga kanta nila: “Ang gusto po naming magkaroon ng parang very fun, very young, very fresh na mag-appeal po sa younger audiences.
“And, of course, we don’t want to leave out the fans po ng mga kahit hindi na young sa age, pero young at heart pa rin. Yung nakikinig pa rin sa very light music, very fun, bubbly kind of music po.
“So, yun pong image ng group right now. It doesn’t have to be always so serious naman po, e.
"Yun po ang gusto naming ipa-message sa young audience and, of course, the mass audience na find time to enjoy, listen to fun music, listen to music that makes you bounce yung mga ganun.”

Dagdag ni Hunter: “Yung mga songs po ng 6ENSE, nag-start po talaga kami sa bubblegum pop, and right now we’re trying to venture yung mga sound ng OPM.
“Because we want to connect the OPM and P-Pop together. Touch the fans of OPM and convert them into a P-Pop fan. Gusto po talaga namin i-connect yung mga tao with our music.
“That’s why… yung mga type po ng songs na na-release namin, patent dun sa alam naming papatok sa masang Pilipino. Kasi we are a P-Pop group.
“And kami po naniniwala kami na yung music, wala talaga siyang gender, wala siyang age bracket, wala talaga.”
Read: Joey Reyes, disappointed sa Philippine Film Heritage Building

NOEL FERRER
Sabi naman ni Roku, na galing pa ng General Santos City: “Music is also a form of art po. I guess, when it comes to music, it’s so universal.
“It’s like language po na kahit hindi po… for example K-Pop, hindi po natin siya naintindihan totally, but it’s like the love of the sound po.”

Marami silang mga nag-audition na ang iba ay dumaan sa online audition, ilang buwan daw silang nag-training hanggang sa na-trim down sila sa anim na miyembro.
Lahad ni Wiji: “We went to six-month training right after ng auditions, na-gather po and then nag-training po and then, may mga trainees din po na naalis, because of training and health conditions.
“Pero nabuo na po kami, and we are happy na the group is very tight and close. Kasi ano kami, e, tumira po kami sa isang dorm.
“Kaya dun din siguro yung isang factor kung bakit kami connected yung grupo. Important po talaga siya.”
Dagdag ni Hunter: “Kaya feeling ko po kaya kami mas naging cohesive kaming lahat is because po yung process po na napagdaanan po namin… dun pa lang sa audition process medyo nitty-gritty talaga siya.
“So, right now, we realized na we’re in the group. So, parang tsine-cherish na po namin every single moment na magkakasama kami.”
Read: Sexy star na karelasyon ng isang pulitiko, maituturing bang "Nepo Mistress"?

DORM LIFE WITH 6ENSE
Magkasama sila sa isang bahay na tinutuluyan nila, at sila ang nagtatrabaho at gumagawa ng household chores. Magandang training din daw ito sa kanila.
Pati sa pagme-makeup at pag-aayos ng sarili ay sila na rin ang gumagawa. Hindi raw sila umaasa sa make-up artist o stylist para hindi na sila gumastos.

Katuwiran ni Wiji: “Kasi siyempre, we don’t have that fund para mag-rent po ng mga talented artist, because we have to pay our artist para mag-ayos ng buhok namin.
“And we don’t want to take advantage of that na hindi kami magbabayad.
“So, ginawa po naming paraan is pinag-aralan po namin na mag-ayos ng sarili namin para in case wala kaming time o wala kaming mahanap na make-up artist na hindi po kami dependent. Kaya po namin.”
Yun daw ang isa pang kaibahan nila dahil talagang nagsimula raw sila sa wala, dahil wala raw silang sapat na pera para kumuha ng mag-training sa kanila.

JERRY OLEA
Masigla ang music industry ngayong 2025.
More and more ang nagko-concert, ganoon din ang sumusulpot na mga bagong mang-aawit.
Read: Vilma Santos, may tatlong sinusunod upang labanan ang korapsyon
KLARISSE DE GUZMAN
Matapos ang makulay na journey ni Klarisse de Guzman sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition, balik-recording siya sa awiting “Dito Ka Lang, Wag Kang Lalayo.”
Tungkol ang power ballad sa pagkakaroon ng taong nagsisilbing tahanan sa oras ng hirap at ginhawa.
Sinusundan nito ang extended play (EP) na “FEELS” na inilabas ni Klarisse noong nakaraang taon na naglalaman ng mga awiting “Dito,” “Minamahal Pa Rin Kita,” at “Bibitawan Ka.”
Naghahanda na rin ang Kapamilya singer para sa The Big Night concert na gaganapin sa Setyembre 26, Biyernes, sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.
OA na star-studded special guest lineup sa concert ng Soul Diva, sa pangunguna nina Vice Ganda, Regine Velasquez, TJ Monterde, at Cup of Joe.
Siyempre, ka-join dito ng Nation’s Mowm ang mga taga-PBB Celebrity Collab Edition at mga miyembro ng Pamilya de Guzman na sina Brent Manalo, Mika Salamanca, Shuvee Etrata, Esnyr, at Will Ashley.

Narito ang ilan pang balita sa mga mang-aawit at mga bagong kanta…
BRYAN CHONG
Iniwanan ng taong iniibig ang naging daing ng dating Idol Philippines Season 2 finalist na si Bryan Chong sa bagong awitin na “Ereplano.”
“Naiwan na sa ere. Nawala pa sa plano. Para sa mga pasahero ng pag-ibig, na-cancel po ang flight natin,” saad ni Bryan sa isang social media post.
Isinulat ni Bryan ang kanta, kasama si Nelvic Poblete, na tungkol sa mga nabigong plano at biglaang paglisan ng taong iniibig.
Nagsimula ang musical journey ni Bryan nang sumali siya sa unang season ng The Voice Teens Philippines noong 2017 at naging bahagi ng grupo ni Sarah Geronimo.
Sumabak uli siya sa entablado at naging bahagi ng Idol PH Season 2 kung saan nakasama siya sa Top 5 finalists ng kompetisyon.
Inilunsad ng StarPop artist ang unang single niya na “Pakiusap” taong 2019.
Sinundan niya ito ng iba’t ibang singles tulad ng “Mag-iisa,” “Cut Into Pieces,” “Di Pa Ba Sapat,” at “Marupok.”

TRISHA DENISE
Bagong friendship anthem ang handog ng singer-songwriter na si Trisha Denise sa awitin na “Wala? Nandiyan” tampok sina Belle Mariano at CESCA.
“It’s a new friendship anthem. I’m thankful for great friends like CESCA and Belle because they immediately said yes to sing this song with me,” saad ni Trisha sa isang post.
Isinulat ni Trisha at Dennis Campañer ang awitin na tungkol sa pagkakaroon ng totoong kaibigan sa oras ng pagsubok sa buhay.
Sinundan nito ang kakalabas lang na single ni Trisha na “Bakit Naman Hindi?” na bahagi ng official soundtrack ng Philippine adaptation ng It’s Okay To Not Be Okay.
Noong 2021, inilabas niya ang unang album na Pieces of the Puzzles.
Kasunod nito, inilunsad niya ang mini album na Simula ng Wakas noong 2023.

FANA
Naglunsad ng kanta tungkol sa relasyong walang label ang rising artist na si FANA. Pinamagatan itong “Meron Pero Wala.”
Pagkatapos magwagi sa Philpop Himig Handog bilang interpreter ng Best Song na “Wag Paglaruan,” binibigyan naman ni FANA ng sariling R&B at soul flavor ang “Meron Pero Wala” na dala ang emosyon at pagkalito ng isang tao pagdating sa kanyang minamahal.
Tampok dito bilang featured artist si ACE$ o Ismael Alshdefat na siya ring sumulat ng kanta kasama sina Kiko “KIKX” Salazar at Jonathan Manalo.
Si KIKX din ang nag-areglo at nagprodyus ng awitin.
Nagmula si FANA sa The Voice Teens Philippines Season 1 sa ilalim ng team ni Sarah Geronimo at naging finalist din siya sa Idol Philippines Season 1.
Ngayon ay unti-unti na siyang nakikilala dahil sa natatanging boses niya na nagbigay-buhay rin sa mga awiting “Love Story Ko,” “Tawa-Tawa,” at “Out.”

KYLE DANIELL
Kuwento ng pag-aalinlangan sa pag-ibig ang hatid ng baguhang singer-songwriter na si Kyle Daniell sa kanyang pop-rock alternative song na “Parang Ayoko Na.”
“Take your time dahil hindi mo kailangan madaliin ang lahat. May process lahat ng mga nangyayari sa life.
“So, kung parang feeling mo ayaw mo na, pag-isipan mo munang mabuti kung dapat bang i-give up mo yung isang bagay or dapat mo siyang ipagpatuloy,” saad ni Kyle, na siyang sumulat ng kanta kasama si Kiko “KIKX” Salazar.
Ito ang ikalawang awitin ni Kyle sa ilalim ng Star Music kasunod ng “Hindi Minahal” na inilabas noong Marso.
Unang pumasok sa industriya si Kyle taong 2022 nang inilunsad niya ang debut single na “To Last Forever.”
Bukod sa pag-awit, isa rin siyang digital commercial actor.

KANISHIA SANTOS
Iba’t ibang yugto ng pag-ibig ang ibinahagi ng nagbabalik na singer na si Kanishia Santos sa kanyang unang full-length album na IKYK.
“It talks about the ups, down, and the new chapter of being in love,” saad ni Kanishia sa isang livestream.
Base sa kawikaang “if you know, you know” ang titulo ng album, at naglalaman ito ng walong awitin na “Paraiso,” “IKYK,” “Aaminin Ko Na,” “Halata,” “Pilit,” “Like I Do,” “Daybreak,” at “Sige Lang.”
Tungkol ang “Paraiso” sa pag-ibig na mala-paraiso ang dalang saya habang namumuong pagtingin ang kuwentong hatid ng “Halata.”
Samantala, paniniwala sa bagong simula ang mensaheng nakapaloob sa "Sige Lang."
Si Kanishia ay kapatid ni si L.A. Santos.
Pinasok niya ang music scene nang ilunsad niya ang debut single na “A Little Taste of Danger” noong 2020.
Kasunod nito, inilabas niya ang first extended play (EP) na Born to Cry.
Read: Ryan Bang now engaged to non-showbiz girlfriend Paola Huyong

