PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sessionistas: pinagsama ng musika, pinatatag ng pagkakaibigan

Sessionistas, magsasama-sama muli para sa repeat ng kanilang concert.
by PEP Troika
Published Sep 18, 2025
sessionistas concert
The Sessionistas (composed of, from left, Duncan Ramos, Nyoy Volante, Kean Cipriano, Sitti, Ice Seguerra, Juris, and Princess Velasco) will return for the repeat of their Love, Sessionistas concert at The Theatre at Solaire, Parañaque City, on October 18, 2025.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Mabilis na na-sold out ang tickets para sa pre-Valentine concert na Love, Sessionistas na ginanap noong Pebrero 8, 2025 sa The Theatre at Solaire, Parañaque City.

Agad itinakda ang second night ng nasabing concert nina Ice Seguerra, Juris, Nyoy Volante, Sitti, Kean Cipriano, Princess Velasco, at Duncan Ramos noong Abril 4.

Ang repeat ng Love, Sessionistas ay sa Oktubre 18 sa kaparehong venue, at malapit na itong ma-sold out.

Sa mediacon noong Setyembre 16, Martes sa Noctos Music Bar, Sct. Tuason St., Quezon City ay naitanong kung ano ba ang hindi kayang gawin ni Nyoy.

Read: Journey frontman Arnel Pineda faces arrest over VAWC case

Mabilis na sambit ni Ice, “Magpakumbaba!”

Tawanan ang mga kasamahan nila sa grupo.

Kumusta ang pagsasama-sama nilang muli?

Sabi ni Sitti: “Masaya kasi kanina pa kami nagja-jamming dito, e.”

Hirit ni Ice, jamming sila nang jamming before the mediacon pero hindi nila prinaktis yung kinanta nila bago nag-umpisa ang open forum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa si Sitti: “Oo nga, e. Kung anu-ano yung pinagkakanta namin kanina. Yung kakantahin talaga namin ngayon, hindi namin napasadahan. Pero masaya!

“Basta masaya lang kami pag magkakasama.”

Sambot ni Nyoy, “Promise, mas magaling kami dito! Ha! Ha! Ha! Mukha lang ganito pero pag concert naman, magaling naman kami.”

Ang yabang daw talaga ni Nyoy, natatawang sabi nina Kean at Juris.

“Magaling din kasi siyang mag-joke,” patungkol ni Sitti kay Nyoy.

“Kanina bumabangka siya sa amin, e.”

Tawanan muli ang grupo.

SESSIONISTAS' LOVE AFFAIR WITH THE FANS

Pahayag pa ni Ice kaugnay sa suporta ng fans sa Love, Sessionistas: “Sobrang excited kami. Kasi, honestly, just the fact na magkakasama lang kami, masaya na kami, e.

“Pero ito, since nagagawa pa namin yung sobrang mahal namin na ginagawa, which is pagkanta, tapos nakikita pa namin na yung mga taong nanonood sa amin ay hindi lang nag-e-enjoy pero bumabalik at bumabalik sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang nakakataba siya ng puso. Kasi, I mean kumbaga matagal na ring — before this concert — wala nang Sessionistas, di ba?

“So, ilang years na rin iyon na wala kaming something na ginagawa together. So it just feels so good na after a long time, after ten years… kahit noong pagbalik namin, andun pa rin.

“Ramdam na ramdam mo pa rin yung pagkasabik nila. So, ansarap lang sa pakiramdam.

“Kasi, kung gaano kami kasabik mag-perform as a group, ganun din sila kasabik sa amin.”

Read: Elias J.TV, kinatigan ng korte sa petition laban sa talent manager

love sessionistas
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Pagmamatwid ni Sitti, malaking blessing sa Sessionistas na makasama muli nila ang isa’t isa.

Ani Sitti: “Tapos to be grateful, kasi parang after ten years, parang walang nangyari… ten years na separation.

“So, yung friendship, nandoon pa rin. Yung barahan, nandoon pa rin.

"And ang sarap i-share ng hindi lang yung music namin individually and collectively as a group, but also the friendship that we have.

“I think that’s what makes Love, Sessionistas special.”

Nakaka-relate daw ang mga manonood sa pagkakaibigan nila. Nakikita ng audience ang kanilang sarili sa Sessionistas — ang kaibahan lang ay nagkakantahan sila.

“Pero iyong barahan, yung kuwentuhan, yung tawanan, it’s the same. And I think that’s what the people love about the show,” pakiwari ni Sitti.

NOT JUST A SPECIAL PROJECT

Pagkatapos nilang mag-show noong Pebrero at Abril, confident ba silang dadagsa pa rin ang mga manonood sa repeat ng kanilang concert sa Oktubre 18? O kinabahan sila na baka naubos na ang audience sa naunang dalawang pagtatanghal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Kean Cipriano: “Ako, parang ano, e… parang nakakonek kasi dahil feeling ko, parang meron kaming… parang totoo na siya.

"Alam mo yun, parang hindi lang siya special project na dalawang beses ginawa.”

Para na raw silang isang banda, o isang grupo. Ang galing daw ng nangyari, na napagsama-sama nila ang iba-ibang genre.

“Iba-ibang personalities, iba-ibang tugtugan. Tapos gagawin namin sa stage, alam mo yun,” dagdag ni Kean.

“Kumbaga, konsepto’t konsepto siya palagi. So, parang ako, kinakabahan siyempre. Lagi namang may kaba.

“Pero kung mangyari nga na The Repeat, at The Repeat, tapos nag-Repeat ulit, OK na sa akin.

"Kasi more than the music, yung friendship, ano, e, parang pakiramdam ko, kumbaga, magkita-kita tayo ulit. Andami nating life experiences na shinare sa isa’t isa.

“And I don’t think na kayanin ko yung ibang mga pinagdaanan ko sa buhay kung without these guys. So I’m just really thankful na I’m part of this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And gagawin namin siya nang paulit-ulit, and naglu-look forward ako na gagawin talaga namin siya further.”

Saad naman ni Princess Velasco: “Tanong nga kanina ni Nyoy dito, sabi niya, ‘Paano kaya pag matanda na tayo?’ Sagot ko, ‘Matanda na tayo.’ Ha! Ha! Ha! Ha!”

Tawanan din ang ibang Sessionistas, saka nagpatuloy si Princess: “Hindi, pero ang meaning niya, parang how long would this, di ba, go on? And it was an open-ended question, kasi tinawag na kami.

“Pero ngayon, parang iniisip ko, ako, I personally feel very fortunate to be part of Sessionistas…

“Sabi ni Sitti, di ba? Talagang the friendship, all the experiences we had together, the seasons of our lives na parang nagtugma-tugma. Di ba?

“Kaya ako, hindi ako kinabahan. Na-excite ako actually. Kasi I’m sure na it’s gonna be a wonderful show once again.”

Read: Vice Ganda praised for handling It's Showtime gaffes with poise

GORGY RULA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Nyoy Volante: “Obviously we’re very happy to be working with each other everytime we get the chance.

“Meron kaming sari-sariling buhay, career. Pagkatapos ng isang concert, the last two, masaya kami. Pero tapos na. Kumbaga, balik na. Balik na tayo sa mga kanya-kanyang mga trabaho natin.

“And then, we got the news na parang, ‘Ohh we’re doing it again!’ And everytime we get that, the information na may isa pang ano, may isa pang Love, Sessionistas — we’re always very happy.

“But I would also like to inform everyone that hindi siya the same show. It’s going to be something new everytime.

“The first two, may kinalikot kami. May bago na namang gagawin. And honestly, ayoko sana na may bagong sayaw pero may bago na naman daw sayaw, sabi ni Direk!”

Dagdag ni Ice Seguerra sa sinabi ni Nyoy: “Parang yun nga, e, di ba? I think that’s what makes every Sessionistas show special.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako, personally sa akin, kasi ngayon, since may sari-sarili nga tayong mga career, may sari-sarili tayong mga buhay, parang everytime we get to do a show together, para siyang alam mo yung feeling na, ‘Pare, may ano, may lakad yung tropa.’

“Alam mo yung ganun? ‘Uy! Sige, sige!’ Ganun ang pakiramdam, ako, ganun ang pakiramdam ko. Yung parang I also look forward to it, kasi it doesn’t feel like work at all.

“Kahit may kaakibat na pagod, para kaming isang nag-e-excursion na tropa papuntang Pansol. Tapos magvi-videoke kami…

“So ayun, ganun ang pakiramdam ko. So, it’s a nice break for me dun sa solo career. Ang sarap ng feeling na you have a concert na you don’t feel as…

“Siyempre pag ikaw yung you know, iba yung pressure kapag sarili mo lang ang dala mo, e! Like ito, nahahati sa amin. So, mas masarap yung ganun.

“Mas magaan. Mas nag-e-enjoy lang ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano kamong payanig o pauga ang mae-expect sa Love, Sessionistas: The Repeat?

Pangako ni Nyoy, sasayaw na this time si Kean Cipriano. Iling nang iling si Kean, habang tawang-tawa si Sitti.

Andiyan pa rin ang "Unreleased" segment ng concert.

Abangan din natin kung pagbibigyan nila ang request na kantahin ang "Golden" mula sa most watched Netflix film na K-Pop Demon Hunters.

Five weeks nang No. 1 ang "Golden" sa Billboard Hot 100!

Nagtapos ang mediacon sa pagkanta ng "Happy Birthday" kay Ice.

Read: Did Cristine Reyes just soft launch her boyfriend Gio Tingson?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Sessionistas (composed of, from left, Duncan Ramos, Nyoy Volante, Kean Cipriano, Sitti, Ice Seguerra, Juris, and Princess Velasco) will return for the repeat of their Love, Sessionistas concert at The Theatre at Solaire, Parañaque City, on October 18, 2025.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results