GORGY RULA
Pinabulaanan ni Atty. Alma Mallonga na galing sa ibang bansa si Gretchen Barretto.
Si Mallonga ang legal counsel ni Gretchen kaugnay ng pagkakadawit ng pangalan ng socialite at dating aktres sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Nang madawit si Gretchen sa isyu ng mga missing sabungeros, hindi nagpakita ang dating aktres.
Kung anu-anong tsismis ang naglabasan. Kesyo nasa Amerika na raw si Gretchen at baka hindi na raw babalik.
Meron pang nagkuwentong baka nasa bahay raw niya ito sa San Francisco, California.
Read: Atong Ang, Gretchen Barretto tagged in missing sabungeros case
GRETCHEN BARRETTO HASN'T LEFT THE COUNTRY
Dumalo si Gretchen sa preliminary investigation sa kaso ng missing sabungeros sa Department of Justice kahapon, Huwebes, Setyembre 18, 2025.
Nilinaw ng PEP Troika kay Atty. Mallonga kung galing ba ng ibang bansa ang kanyang kliyente.
Text niya sa amin: “Gretchen hasn’t left the country for a while. She has no plans to do so in the immediate future.”
Humingi pa kami ng karagdagang pahayag, at hinihintay pa namin ang sagot ni Atty. Mallonga.
Read: Gretchen Barretto attends preliminary probe on missing sabungeros
JERRY OLEA
Pakiwari ng iba ay natabunan o inanod na ang isyu ng mga nawawalang sabungero dahil sa isyu ng maanomalyang flood control projects.
Pero heto nga at lumitaw uli si Gretchen, kaalinsabay ng balitang hiwalay na kay Gerald Anderson ang niece niyang si Julia Barretto.
Read: Gerald Anderson-Julia Barretto breakup confirmed
Swak sa Halloween ang ghosts projects sa flood control, at ang “pagmumulto” ng mga naglahong sabungero.
Ang documentary na Lost Sabungeros ay kabilang sa limang nominado sa kategoryang best documentary ng 48th Gawad Urian, na ang awarding ay sa Oktubre 11 sa De La Salle University, Taft Avenue, Manila.
SEPTEMBER 21 PROTESTS
Sa Linggo, Setyembre 21, ay ika-53 anibersaryo ng martial law.
May mga rally o protesta kontra katiwalian sa Luneta at EDSA, maging sa Liwasang Bonifacio.
First monthsary din iyon ng Facebook post ni Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay sa interviews nina Julius Babao at Korina Sanchez sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.
May session kaya muli si Ciala Dismaya this Sunday sa Bubble Gang?
Pinost ng Bubble Gang na 56.9M views and counting na ang pinagsama-samang views sa Ciala Dismaya sketches sa Facebook, YouTube, at TikTok.
Read: "Ciala Dismaya" sketches sa Bubble Gang, umani ng mixed reactions
NOEL FERRER
Aside from that, medyo si Claudine ay nagkaroon din ng moment sa kanyang pagbibinyag bilang Claudine Barretto-Yan dahil sa closeness diumano nila ng mommy ni Rico na si Sita Yan.
Tingnan natin ang susunod na balita kay Gretchen Barretto na siyang sasalang sa kontrobersya ng Lost Sabungeros.
Read: Claudine Barretto declares herself a daughter of Rico Yan's mom
