GORGY RULA
Maingat ang mga sagot ni Zaijian Jaranilla nang pinag-usapan namin ang tungkol sa pinagdadaanan ng pamilya ni Sylvia Sanchez.
Dawit ang mga pangalan ng mag-amang Art at Arjo Atayde, asawa at anak ni Sylvia, sa kontrobersiyal at maanomalyang flood control projects.
Sa testimonya ng contractor na si Curlee Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry noong Setyembre 8, 2025, binanggit niyang kabilang si Quezon City First District Congressman Arjo Atayde sa mga mambabatas na binigyan niya umano ng porsyento sa nakukuha nilang flood control projects sa pamahalaan.
Ayon din kay Discaya, ang ama ni Arjo na si Art ang tumatanggap ng pera mula sa kanilang kompanya.
Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Arjo Atayde
ZAIJIAN JARANILLA ON SYLVIA SANCHEZ'S REACTION
Nang nagsalita ang mga Discaya sa Senado ay kasalukuyang nasa pictorial sina Zaijian para sa pelikulang ImPerfect, na iprinodyus ng Nathan Studios, ang production company na pag-aari ng pamilya Atayde.
Nakita raw ni Zaijian kung gaano kaapektado si Sylvia sa alegasyon laban sa kanyang mag-ama.
“Nung nakita ko siya nung time na yun, siyempre devastated siya. Normal yun sa isang nanay, kasi anak nga niya yun,” sabi ni Zaijan nang nakausap ng PEP Troika sa mediacon ng pelikulang The Last BeerGin kahapon, Setyembre 18, 2025.
Malapit si Zaijian kay Sylvia at sa isa pang anak nitong si Gela Atayde, na co-star niya sa dating teleseryeng High Street.
Alam daw ng aktor na mabigat ang pinagdadaanan ng Tita Ibyang (Sylvia) niya kaya nandiyan lang daw siya para samahan ito.
Iyon lang daw ang puwede niyang gawin.
Saad ni Zaijian: “Pero ang pinaka-least lang na magagawa mo is maging nandiyan. Maging present ka para sa kanya.
"Kailangan niya ng mga kaibigan o malalapit na tao sa kanya, na nakapalibot sa kanya.
“Ayun! Suportahan mo lang, tulungan mo lang.
“Hindi mo kailangang, ‘E, kasi ganyan, e, ganyan yung paligid.’ Hindi makakatulong yun.
“Ang sabi ko lang, ‘Tita, andito lang ako palagi. Kung kailangan ng kausap o ano mang klaseng tulong, sige, ganyan.’ And niyakap ko lang siya.”
Lalo raw naging close si Zaijian kina Sylvia nang isinama siya sa pelikulang ImPerfect, na balak isumite sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025.
Sunud-sunod ang mga ginagawa ni Zaijian.
Isa sa natapos niya at proud siyang napasama sa mga bigating artista sa The Last BeerGing ng Cineko at Obra Cinema Productions.
Ibang experience daw talaga sa kanyang pawang magagaling ang kasama niya rito — sina Cherry Pie Picache, Pepe Herrera, JC Santos, at ang best friend niyang si Xyriel Manabat.
Sa October 1 na ang showing nito sa mga sinehan.
Read: Arjo Atayde on Discayas: "I’ve never dealt with them."
NOEL FERRER
Ayaw magkomento ni Zaijian Jaranilla sa isyung kinasangkutan ni Congressman Arjo Atayde.
Hindi raw siya nakikialam sa isyung pulitika, at wala raw siya sa posisyon para magbigay ng kanyang opinyon.
“Ako po kasi yung personal at saka yung sa trabaho, hinihiwalay ko,” paliwanag ng 24-year-old actor.
“Problema nila yun, saka hindi naman ako involved dun, bakit kailangan ko makialam, o bakit kailangan may sabihin ako?
"Parang sa kanila na yun, e. Hindi ko na kailangang mangialam as ako.
“Parang, okay, problema nila yun, kaya nilang ayusin yun. At saka hindi naman ako dawit, bakit kailangan ko rin problemahin?”
Naintindihan namin si Zaijian, para iwasan ang maaaring mam-bash sa kanya.
Basta nandiyan pa rin daw siya bilang kaibigan kay Sylvia at sa pamilya nito.
“Parang sa isip ko, okay, sige. Hayaan ko na lang yung mga tao din… hindi mo rin kasi mako-control kung ano yung mga sinasabi or maiisip ng ibang tao.
“So, gaya nga ng sinabi ko, what you don’t know won’t hurt you,” sabi ng dating child actor.
Read: Maine Mendoza: Arjo Atayde not capable of stealing people's money
JERRY OLEA
May nagtanong pa kay Zaijian Jaranilla kung nabago pa ang pagtingin niya kay Sylvia Sanchez at sa pamilya nito dahil sa ibinintang sa kanila.
“Hindi naman ho… yung pakikitungo ko sa kanila. Kung ano po yung dati, ganun pa din,” sagot ni Zaijian.
"Saka yung una kong reaction kasi, honestly, wala akong masyadong alam sa politics.
"Kasi alam kong magulo yung politics, saka lalo na dito sa atin, sobrang gulo, ang daming nangyayari.
“Ayoko nang ipasok pa yun sa utak ko, kung kailangan ko pa ba itong problemahin?
“Basta nabubuhay naman ako, kumakain naman ako tatlong beses sa isang araw. Napo-provide ko naman kung anong kailangan ng family ko.
“So, as much as possible, ayoko na siyang problemahin. Magtrabaho na din ako, parang ganun.”
Ang mahalaga raw sa kanya ngayon ay magtabaho.
Mahirap na raw makialam at baka hindi pa maintindihan ng ibang tao, kailangan pa niyang magpaliwanag.
“Ayoko talaga maki-involve. Kasi ano, e, parang kapag once na may masabi ka… wala kang sinabi o may sinabi ka, may masasabi pa rin sa iyo.
“Kaya ayoko na ilagay yung sarili ko dun sa posisyon na yun na kailangang… pag may sinabi ako, kailangan kong i-defend, parang magiging thesis siya, ano?
“Hindi mage-gets lahat ng tao,” sabi ni Zaijian.
Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Arjo Atayde
